CHAPTER 29 BRIELLE’S POV “Bruha! Wala ka bang balak na lumabas sa kuwarto mo?” Kinatok ni Sandra ang pinto ng silid ko. Ilang araw na akong nagkukulong dito simula nang mag-resign ako sa trabaho. Mabigat sa loob ko na bitawan ito ngunit lalo akong nasaktan nang hinayaan lamang ako ni Archie na umalis. Para bang hindi ako kawalan. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha sa alaala na ’yon. Wala akong gana sa lahat. Kahit paliligo at pagkain ay kinatatamaran ko na. Bumukas ang pinto ng aking kuwarto. Pumasok mula roon ang dalawa kong kaibigan, malungkot silang nakatingin sa akin. Alam nila ang lahat na nangyari sa akin. Alam na rin nila na malapit nang ikasal ang lalaking minamahal ko. “Brielle. . .” mahinang usal ni Alexa sa ngalan ko. Mapungay ang kaniyang mga mata nang lumapit sa a

