Sa dami ng tao, ako pa ang nawalan ng paningin. Ang hirap.
Napabuntong hininga si Lance habang nakaupo sa higaan niya. Iniisip niya kung patay ba ang ilaw o bukas.
Unang gabi na gising si Lance sa ospital. Rinig na rinig niya ang bawat maliliit na tunog sa piligid mula sa pagtiktik ng orasan, yung aircon na nagswitch sa fan pati yung mga pagbukas ng pinto sa mga katabing kwarto.
Ramdam niya na mahimbing na ang pagtulog ng kaniyang mama sa visitor’s bed.
“Ma?” tawag niya na tila sinisiguradong tulog na ito.
Walang imik ang mama niya. Mahimbing ang tulog nito.
Kinapa-kapa ni Lance kung nasaan ang wheelchair niya, maigi at nasa tabi lang ito ng kama niya. Dahan-dahan siyang tumayo at lumipat sa wheelchair. Kinapa nya rin ang IV niya at naka-attach naman ito sa may de-gulong na IV stand.
Parang nakalaya ang pakiramdam ni Lance nang maramdaman niyang nailipat niyang mag-isa ang sarili sa wheelchair at madadala nya ang IV stand. Nakapa niya ang pinto, pero may isa na namang problema, hindi niya magamit ang kabilang kamay dahil kailangan hilahin ang IV stand.
Napabuntong hininga na lang siya.
Binitiwan niya ang IV stand bago pinihit ang doorknob at saka lumabas, hila-hila ang IV stand.
Masayang-masaya si Lance na makalabas ng pinto nang walang tulong. Dahan-dahan ang pag pihit niya sa gulong wheelchair. Ang walang pandama at naka-cast na kamay ang ipinatutulak niya ng IV stand.
Gabi na siguro. Tahimik na eh, tsaka mas malamig na rin.
“Sir? Mag-isa po kayo?”
Halos mahulog ang puso ni Lance sa kaba nang marinig iyon.
“Sir?”
“Tulog kase ang mama ko, Miss Nurse. Gusto ko sana ng something from the vending machine.” Palusot niya.
“Ay, hindi po ako n—”
“Ay, wala nga pala akong dalang wallet!” biglang sabi ni Lance. “Sorry, Miss Nurse. Sige, babalik na ‘ko.”
Halatang-halata sa mukha ni Lance na nagpapasulusot lang siya. Naawa nang kaunti ang babae sa kanya.
“Ah, sir, ako na bahala. Ok lang yan. Libre ko na.”
“Ha?” ulit ni Lance na para bang nabingi siya nang sandali.
Natahimik sila.
“Hindi,” tanggi ni Lance. “Seryoso. I mean, babalik na ‘ko.”
“Alam mo, mostly sa mga pasyente dito na naaksidente na nawalan ng paningin, masaya sila kapag nakakalabas sila ng kwarto mag-isa.” Sabi ng babae.
Hindi tumutol si Lance. Na para bang nababasa siya ng kausap niya na parang isang libro.
Tumawa si Lance, “Galing mo, Miss Nurse ah. I used to find the medical field interesting before. You know, living with grannies. But, um, yeah, they’re in heaven already, so....”
“Ganun ba? I’m sorry to hear that,” sagot naman ng babae. “Nga pala, gusto mo pa rin bang tumuloy sa vending machine? Ilang steps na lang eh.”
“Ok lang ba?” tanong ni Lance. “Hindi mo ‘ko isusumbong sa bantay ko?”
Natawa ang babae. Napakahinhin ng boses niya.
“Sige,” pumunta ito sa likuran ni Lance at inilipat sa kanang kamay ni Lance ang IV stand. “Hindi kita isusumbong sa mama mo.” Saka siya tinulungan magtulak sa wheelchair hanggang makaabot sila sa tapat ng vending machine.
Napansin ni Lance na parang nakaka-aninag siya nang kaunti sa tapat ng ilaw ng vending machine.
“Anong meron sa vending machine na ‘to, Miss Nurse?” tanong ni Lance.
“May biscuits, chips, candies. Tsaka hindi ako nurse. Kaka-graduate ko nga lang ng senior high school eh.”
“Ah.” Natigilan si Lance. Nakakahiya yun, sa isip-isip niya. “Sorry. But, yeah, same tayo. Magka-college sana ‘ko eh. Kaso, eto. Walang makita, nabalian pa.”
“No need to be sorry. Tsaka, ituloy mo yung college. I’m sure, kayang kaya mo yun. I mean, nakalabas ka mag-isa ng kwarto mo. Nothing is impossible.” Sabe ng babae, “with God, of course.”
Natigilan si Lance.
Pumasok sa isip niya ang mama niya na lagi ring sinasabi ang mga katagang iyon.
“So, magka-kape ako. Ikaw ba?” tanong ng babae.
“Ah, sige. Ayun din sa’ken. Bayaran na lang kita bukas, pramis.”
Natawa ang babae. “Libre ko na nga eh. Kulit mo—well, obviously makulit.”
Mas naririnig na ni Lance ang mga tunog na dati ay hindi naman niya pinapansin katulad ng pag-hulog ng barya sa coin slot at pag dispose ng cup sa holder bago maisalin ang kape. Mabilis na kina-aliwan ni Lance ang simpleng pakikinig lang, lalo na sa boses ng babaing kausap niya.
“Iaabot ko sa’yo kapag lumamig na ng kaunti,” tigil ng babae. “Baka mapaso ka eh.”
“Sure.” Kibit-balikat si Lance. “Ah, Lance Bautista nga pala. Anong pangalan mo?”
“Ah, Leiah. Leiah Abellonzo.” Umupo siya sa bench sa tapat ng vending machine.
“Ikaw ba yung anak ni Pastor Sam?” pagtatakha ni Lance.
“Ah oo. Ako nga. Si Sis. Jenny yung mommy mo, right?” sabay ihip sa kape niya.
“Ah huh, siya nga. ‘di ako involved sa ministry ah, pero regular Sunday attendee ako. I haven’t seen you around there, though?”
Saglit na tumahimik si Leiah. Umiihip ng kape.
“Lea?”
“It’s Le-yah. Spelled, L-E-I-A-H. Not English, Lea.” Kinuha niya ang kanang kamay ni Lance at ipinahawak ang kape ng lumamig na ng kaunti. “Pwede mo na ‘yan higupin.”
“Thank you, Leiah.”
“No worries. Well, regarding your question, I've been here ever since. Can I say I was homeschooled kung sa hospital room ako nagi-stay ever since?” tumawa siya. “Five years old ako nung na-discover ng papa ko na may sakit ako. The doctor said I don’t have much time left, but I’m here, 18 years old. Katuwa ang Lord, no? I’m so thankful that I’m ready to go at any time. I mean, I could only dream of reaching this age.”
Hindi maintindihan ni Lance kung maiiyak ba siya o maiinis sa sarili. Parang naging insensitive siya sa part na tinanong niya pa si Leiah tungkol sa pag-attend sa church.
“Sorry, Leiah. ‘Di ko sinasadya na maitanong yun.”
“Ano ka ba, ok lang yun!” sabay inom ng kape. “You heard me playing piano, right?”
“Nakita mo pala ‘ko. Favorite ko kase yung kantang ‘yun. Ang ganda ng pagkatugtog mo.”
“Really? Favorite ko rin yun eh!” sabay tawa. “My favorite part was the second verse. Yung line na ‘All the times we spilled our coffees and stayed out way too late.’ You know why? Bawal kase ako magkape due to my condition. Gabi or madaling araw lang talaga ako nakakapag kape para wala si doc.”
Tumawa lang din si Lance para masabayan si Leiah pero nalulungkot siya sa kwento nito.
“Alam mo, Lance, swerte ka sa parents mo. They are always proud of you kapag nagku-kuwentuhan sila ng mga other parents sa mga gatherings. Especially your dad.”
Napahigop si Lance sa kape. Hindi niya ini-expect na sasabihin yun ni Leiah.
“Talaga?” sabi niya na lang. “Nga pala, anong oras na?”
“It’s 4:00 am. Mahamog pa sa labas.”
“Thank you.”
“Wala yun. Oo nga pala, later mayrong bible study si Papa dito sa ward ng mga nagpi-physical therapy. Join tayo, Lance.”
Gustong lumubog sa lupa ni Lance. Lagi niyang tinatakasan ang mga bible study noong nakakakita pa siya kaya hindi niya alam ang ginagawa sa bible study. Pero, hindi naman siya maka-hindi kay Leiah sa oras na ‘to.
“Naku, pa’no ba yan, eh hindi naman ako makakabasa.”
“Well, makikinig lang tayo for now. You can participate naman in sharing what you’ve learn. Ganun lang. No judgment.”
Napangiti si Lance. Sa dami ng mga babae na naging classmate nya na nakausap nya, si Leiah lang ang nag-aya sa kanya na sumama sa bible study.
“Lance!” patakbong lumapit si Mrs. Bautista sa anak.
“Mama!”
“Good morning po, Sis, Jenny.” Ngiti ni Leiah na palihim na nilukot ang papercup sa likod niya.
“Akala ko kung napaano ka na, ‘Nak. Bakit di mo na lang ako ginising? Naabala mo pa si Leiah.”
“Ay nako, hindi po ako naabala. Actually po, papunta talaga ako dito for a snack nung nakita ko si Lance na lumabas ng room niya.”
“Thank you, hija. Nagugutom ka pa ba? Punta ka muna dun sa room ne’tong bata na ‘to ipaghahanda kita ng almusal.”
“Um, no need na po. Eh, may sched lang din po kase yung meals ko. Di bale po, later, sasama daw si Lance sa bible study. After po nun, you can join me for dinner.”
Sobrang gulat ni Jenny sa sinabi ni Leiah, hindi niya maiwasang hindi mapa-ngiti at magtakha.
“Naku, maganda ang naisip niyong dalawa, ha?” sabi ni Jenny sabay tapik sa braso ni Lance. “Ah, eh, Leiah, ibabalik ko muna ‘to sa kwarto niya at iche-check na ng nurse.”
“Sige po. Kailangan ko na rin po kasing bumalik sa room ko eh. I’ll see you later, Lance!”
(To be continued)