A week later... "Sabrina..." Inangat ko ang aking ulo para makita kung sino ang tumawag sa pangalan ko. "Keith..." I uttered his name. Ngumiti siya sakin saka umupo sa bakanteng upuan sa aking tabi. Kailan ba kami huling nagkausap na dalawa? Noong prom night pa yata yung huli? I wonder what he wants from me. Hindi naman siguro siya lalapit sakin ng wala lang hindi ba? "May gagawin ka ba mamaya?" Tanong niya. Nangunot ang aking noo. Why is he asking me? Tumango na lang ako dahil tinatamad akong sumagot. Yung totoo, nagugutom na ako. Nalipasan ako ng gutom kaninang tanghali. May tinapos pa kasi ako at naabutan na ako ng sunod na klase kaya hindi na ako nakapagtanghalian. "Ah, gano'n ba? Kina Cynthia ka pa rin ba nakatira?" Tanong niya. Umiling ako. Hindi na ako kina Cynth nakatira. Pin

