"Ano pa bang gusto mo?" Inis kong tanong kay Xyl. Ngumiti siya ng nakakasura. Ang sarap tapyasin ng bibig niya. "Hmm, apple. Gusto kong apple." Kinuha ko ang apple at hinagis sa kaniya. Natamaan ang mukha niya. "Aray ko naman, Mine. May galit ka ba?" Natatawang saad niya. Umirap ako. Kaming dalawa na lang kasi ang nandito. Noong makita ako ni Astrid kanina ay nagpaalam na ito na aalis na siya. Pinaliwanag naman sakin ni Xyl na bumisita lang daw ito at ngayon ay friends na raw sila. Friends niyang mukha niya! Si Tita Dahlia naman ay umalis din matapos matingnan ng doctor si Xyl. Ayos naman na raw si Xyl. Oobserbahan na lang kaya kailangan pa niyang mag-stay dito sa ospital ng ilang araw. Sina Landis at Keith naman ay hindi na raw tutuloy. Bakit? Baka may date silang dalawa. Joke. Kailan

