"Okay ka na ba?" Tanong ni Mama. Muli kong ininom ang baso ng tubig na binigay niya sakin kanina. Humikbi ako. Kanina pa rin ako umiiyak dahil sa napanood ko kanina. Si Xyl... "Mama, I need to go back to Philippines. Please." Umiiyak kong saad kay Mama. "I need to see Xyl, Ma. Please, Ma. Please." Nagmamakaawa na ako sa kaniya ngayon. Kailangan kong makita si Xyl. Hindi ako mapapakali dito lalo na at may nangyaring masama kay Xyl. Paano kung... No! Don't think like that, Sabrina. Hindi patay si Xyl! He's not! "Hush now, Sabrina. Okay? Babalik tayo sa Pilipinas kung yan ang gusto mo." Niyakap ako ni Mama. I'm still crying. Sana ay okay lang si Xyl. Please, Lord, please, sana maging okay po si Xyl. - Ngayon ay kumalma na ako. Hindi katulad kanina na hindi makausap ng ayos. "Sabrina

