THIRD PERSON'S POV Masayang naglalakad si Brix papunta sa condo unit ni Astrid habang hawak niya sa kaniyang kamay ang isang kumpol ng rosas na binili niya kanina. Astrid is back. Her love is finally back. He's happy. Dahil bumalik na ang taong mahal niya. Pero pakiramdam niya ay may kulang pa rin. Hindi niya ito mawari kay pinabayaan na lamang niya iyon. Ang mahalaga para sa kaniya ay ang bumalik na ang taong mahal niya. And then... Sabrina's face crossed his mind. Saglit siyang napatigil. Malinaw sa alaala niya ang nangyari noong araw na iyon. Hindi niya alam kung bakit niya nagawa yun kay Sabrina at kung bakit niya yun nasabi. It's unusual that he can still remember that pero ang nasa isip niya, dala lamang iyon ng kalasingan. Wala ng iba. Nakarating siya sa harap ng condo ni Astr

