Napatingin ako sa labas ng bintana ng magsimulang umulan. Maaraw lang kanina tapos ngayon ay umuulan na. Panahon nga naman. Buti na lamang at hindi ako naabutan noong pauwi na ako. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya pinuntahan ko ito. Calling... Cynthia Del Marcos +639********* Agad ko itong sinagot. "SABBYYYYYYYY!! I MISSED YOUUUUUUU SO MUUUUUCCCCHHHHHHHH!!" Bungad niya. Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko sa lakas ng boses niya. Binalik ko rin ito at nagsalita. "Hindi kita namimiss eh." Saad ko. "Hmp! You really are bad, Sabby!" Aniya. Bad? Mukhang masama nga yata akong tao. Malungkot akong napangiti. "Yeah... I'm a bad person..." I uttered. "Hey, hey, are you okay?" Nag-aalala niyang saad. "May nangyari ba?" Hindi ako sumagot bagkus ay bumuntong hininga lamang. I don

