I LOVE YOU

1196 Words
TUMULO ANG MGA LUHA ni Tori. Hindi niya inaasahan na ganito ang magiging epekto ng mga yakap at halik ni Taj sa kanya pagkatapos nilang magtalo kanina. Hindi naman siya namatay pero pakiramdam niya ay bigla siyang nabuhay muli. Dahil doon ay mahina siyang natawa na ipinagtaka naman ni Taj. "Hey," mahinang usal ni Taj pagkatapos niyang ilayo nang bahagya si Tori sa katawan niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng nobya at nagtatakang tinitigan ang babae. "What is it?" tanong niya. Umiling si Tori bago niya ipinulupot ang mga braso sa leeg ng nobyo. "Nothing..." sagot niyang may tipid na ngiti sa mga labi. Nangingislap din ang kanyang mga mata dahil sa labis na saya. Umangat ang isang kilay ni Taj. Bakas sa kanyang anyo na hindi siya naniniwala kay Tori. "Uh-huh," aniyang umikot ang mga mata. "C'mon, tell me..." Nagkibit ng mga balikat si Tori bago nagsalita."Wala, love..." sagot niya bago mabilis na ginawaran ng magaang halik ang tungki ng ilong ni Taj na mas lalo namang nagtaasan ang mga kilay. "So tell me, paano kang naka-akyat at saan ka dumaan?" tanong niya. Maagang nag-lock ng gate ang Uncle Mon niya kanina at tiyak niyang nagpapahinga na ito kasama ang Uncle Ansen niya. Ang Mommy naman niya ay umalis dahil ipinasundo ng kaibigan daw nito noong high school. Wala naman si Tiya Belen na siyang kasama nila sa bahay dahil umuwi ito sa Nueva Valencia kung saan nakatira ang pamilya nito at sa susunod na araw pa ang balik kaya sigurado siyang Hindi sa gate dumaan si Taj. Ngumisi si Taj at kumindat. "Hulaan mo," aniya bago marahang hinila si Tori patungo sa kama. Umupo siya roon saka niya itinuro sa nobya ang bakanteng bahagi sa kanyang tabi. Ngumuso si Tori pagkatapos niyang umupo sa tabi ni Taj na kaagad namang pumulupot ang mga braso sa beywang niya. "Saan nga kasi?" Sumandal si Taj sa headboard ng kama saka niya hinila si Tori. Wala namang pagtutol na humilig si Tori sa dibdib ni Taj habang hinihintay niya ang sunod nitong sasabihin. "Well, I learned it from you, love." natatawang ani ni Taj. Napatanga si Tori. Bahagya siyang lumayo kay Taj bago hindi makapaniwalang tinitigan niya ang nobyo. "You mean?.." Tumango si Taj. "Wag sanang maisipan ng Uncle mo na ipaputol ang punong mangga sa likod ng bahay ninyo, love." mahina ang boses na sabi niya. Natawa na rin si Tori. "Ipagdasal natin iyan." sagot niyang bakas sa tinig ang amusement. "sabi ko naman sa iyo, love, magdidikit ka lang palagi sa akin at talaga namang marami kang matututunan." humahagikhik na aniya pa. "At 'yong puno ng kaimito na nasa tabi ng bintana mo, isama mo na rin sa dasal, love." Natatawang tumango-tango si Tori pero kaagad ding nagseryoso nang may maalala. "Love," aniya kay Taj na kaagad namang itinuon ang pansin sa kanya. "Hmm?" mahinang usal ni Taj. "About Everett," seryoso pa rin ang anyo pati na rin ang tinig na simula niya. Kaagad namang umayos ng pagkakasandal si Taj sa headboard. Nakayakap pa rin ang mga braso niya sa beywang ni Tori. Hindi siya sumagot pero tumango siya bilang tugon. Mahinang huminga ng malalim si Tori. Kinakabahan siya pero alam niyang kailangan niyang linawin kay Taj ang tungkol kay Everett kung gusto niyang maging maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Ayaw na niyang maulit ang nangyari kanina. "Hindi ko itatanggi na gusto ko siya," simula niyang bahagyang pumiyok ang tinig. Naramdaman niya ang pagluwag ng pagkakayakap ni Taj sa kanya kaya mabilis niyang hinawakan ang mga kamay nito. "Look, love, I want this to work kaya gusto kong maging malinaw ang lahat." nakikiusap ang tinig na aniya sa nobyo. Hindi kaagad kumibo si Taj pero maya-maya pa ay nagsalita din siya. "Go on..." aniya kay Tori. Hinalikan niya ang ulo nito para mapanatag dahil dama niya ang kaba at tensiyon sa katawan ng nobya. Ngumiti ng matipid si Tori. "Thank you..." Aniya bago muling ipinagpatuloy ang sinasabi niya tungkol kay Everett. "Nakilala ko si Evie noong bago pa lang ako sa industriya. Halos magkasabay naming pinasok ang mundo ng pagkanta kaya naging malapit ang loob ko sa kanya. Noong una naman ay kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya pero it changed last year—" "Dahil ba nagsama kayo sa isang teleserye?" tanong ni Taj. Alam na niya ang tungkol doon dahil nabanggit na sa kanya ni Oxygen. Bukod sa pagkanta ay isa ring magaling na artista si Tori na marahil ay namana naman niya sa kanyang amang si Christopher De Silva. At si Everett Lozares ang huli niyang nakasama sa isang teleserye na natapos i-ere, tatlong buwan bago ang world tour ni Tori. Saglit na natigilan si Tori bago siya tumango. "Yes," mahina pa rin ang tinig na aniya. "I mean, siguro gusto ko na siya kahit dati pa at mas na-develop lang noong madalas na kaming magkasama dahil sa project na pinagsamahan naming dalawa." "Nanliligaw ba siya?" Ngumiti si Tori dahil sa tanong na iyon ni Taj. Dama niya ang alinlangan at selos sa boses nito. Mula sa pagkakasandal ay dumapa siya sa dibdib nito bago niya matamang pinagmasdan ang mukha ng lalaki. "Yes," tapat at seryosong sagot niya. Kumislot ang magkabilang panga ni Taj ngunit hindi ito nagsalita. "but before I met you, wala sa vocabulary ko ang salitang commitment, love." Natigilan si Taj. Puno ng pagtatakang tinitigan niya si Tori na mabilis naman siyang ninakawan ng halik sa labi. "I mean, oo, gusto ko si Evie pero hanggang doon lang iyon. Ayos lang naman sa kanya as long as alam niyang gusto ko siya." Aniyang nagkibit pa ng mga balikat. "Hindi ko naman alam na sa pagpunta ko rito sa Guimaras para magbakasyon ay masusubok pala ang paninindigan ko." dugtong niyang napangiti pa nang pumasok sa isip niya ang unang beses na nakita niya si Taj. "Ah, so na-love at first sight ka sa akin?" may himig ng pagyayabang na untag ni Taj. "Love at first sight or kung anuman ang tawag doon," Ani ni Tori. "Basta ang alam ko lang ay nakuha mo ang atensiyon ko noong una kitang nakita—" "Ah, noong nagkabanggaan tayong dalawa." Tumatango-tango na sabi ni Taj. Umiling si Tori. "No..." Kumunot ang noo ni Taj. "No?" takang ulit niya sa sinabi ni Tori. "Before that ay nakita na kita pero nakatalikod ka. Nasa loob ako ng sasakyan ni Uncle Ansen then dumaan ang fire truck tapos nakita kitang nakalambitin ka sa likod—" "Ah, sorry na lang pala si Everett kasi likod ko pa lang ang—" Natatawang hinampas ni Tori ang dibdib ni Taj. "Ang yabang mo, love." naka-irap na aniya bago muling nagseryoso. "Love, magulo ang mundo ko at maraming isyu pero kahit ano ang mangyari o marinig mo, tandaan mong mahal kita. Hindi lang kita gusto dahil mahal kita, Taj Sebastian—mahal na mahal kita..." madamdaming aniya sa lalaki. Nabura ang ngiti sa mga labi ni Taj. Matiim ang mga mata na tinitigan niya si Tori. "And I love you too, love..." aniya bago tuluyang sinakop ang mga labi ng nobya na kaagad namang tumugon. Bumalikwas si Taj mula at napa-ilalim si Tori.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD