Sa isang village sa lungsod ng Maynila may mga nakabarikadang mga gamit, barbed wires at mga basag na bote. Nagkakagulo ang hanay ng mga illegal settlers at mga pulis at nagtatakbuhan palayo ang mga media pagkat nagkakahagisan na ng mga bato. Mga isang daan na pulis ang mga sumugod, full body armor sila at may mga shields. Mga tao sa lugar nilalabanan ang magaganap na demolition sa kanilang mga bahay kaya lalo lang sila nagpapalipad at nagpapasabog ng mga motov bombs papunta sa hanay ng mga pulis. Madami na ang nasugatan sa magkabilang kampo, mga taga media walang tigil parin sa pagcover ng kaganapan. Dalawang araw na itong pakikipaglaban at matatag ang mga illegal settlers kaya mga pulis sobrang nahirapan makalapit para masimulan na ang demolition. Sa di kalayuan may isang itim na S

