Kinabukasan sa lungga ng dragon lord maagang nakatambay sina Abbey at Raffy. “Ang aga aga pa baka magalit si supahgramps” bulong ni Raffy. “E di na ako makatulog e kaya pumunta na ako dito” pacute ng dalaga. “How did you teleport me pala here?” tanong ng binata. “Hmmm di ko alam, sinubukan ko lang isummon kita” sabi ni Abbey. “Saan mo nabasa yon? Pabasa nga din. Ang damot mo talaga sabi natin mag share tayo pag may matutunan tayo e. Bakit alam mo tong summon magic tapos ako hindi” tampo ni Raffy. “Hindi ko nabasa, basta nung malungkot ako kanina dito naisip kita. Tatawagan nga dapat kita pero naisip ko lang magtry” sabi ni Abbey. “Uy did you use the…you know” bulong ni Raffy. “Oo e” sagot ng dalaga. “Hala sabi ni supahgramps wag natin gagamitin yon e” bulong ng binata. “E pag sa normal

