Lunes ng umaga maaga pumasok sa school si Abbey. Didiretso na sana siya sa clinic nang magsigawan ang mga estudyante sa grounds. Napatingin ang dalaga sa battle screen at nakita na sila pala ni Raffy ang naka schedule na lalaban. Napahaplos si Abbey sa noo niya, agad siya nalungkot at nagtungo sa gitna ng grounds mag isa.
Ang mga kalaban nila nakahanda na, dalawang kapwa junior students. “Miss Hizon we cant begin the duel without your partner” sabi ni Ernie na nakatayo sa tabi. “Pero sir…alam niyo naman…” bulong ng dalaga at lalo sumama ang loob niya at dahan dahan lumuhod. Lahat ng mga estudyante nagulat nang itinaas niya isang kamay niya. Ang kanilang mga kalaban nagkatinginan at di makapaniwala sa nangyayari. “Are you going to give up?” tanong nung isa.
Pinikit ni Abbey mga mata niya, masama sa loob niya ang gagawin niya pero wala na siyang magagawa. Kamay niya nanginginig sa ere, huminga siya ng malalim at sinusubukan bumigkas. Biglang nagtilian ang mga babae sa crowd, si Abbey nagulat nang maramdaman may naglagay ng isang manipis at matigas na bagay sa kanyang kamay. Minulat niya mata niya at nakita niya ang isang pulang rosas, paglingon niya nakita niya si Raffy nakatayo sa likod niya.
“Bakit ka nakaluhod Abbey?” tanong ng binata at inalalayan tumayo ang dalaga. “Uy okay ka na?” tanong niya sabay pinisil pisil ang dibdib ng binata. “Oo naman, ano bang ginagawa mo?” tanong ni Raffy. “You don’t remember?” tanong ng dalaga. “Ah excuse me, you are here to duel” paala ni Ernie at natawa yung dalaga. Lumapit si Abbey kay Felicia at pinahawak ang kanyang rosas.
Pagbalik niya sa gitna bigla siyang nag inat at tumayo sa harapan ni Raffy. “Alam ko di ka pa naka recover. Alam ko kaya ka lang nagpakita dito kasi ayaw mo matalo tayo ng default. Kaya diyan ka lang sa likod ko at ako naman muna bahala” sabi ng dalaga. “Abbey? Ano ba pinagsasabi mo?” tanong ni Raffy at tinaas ng dalaga kamay niya at isang daliri sumara sa mga labi ng binata. “Basta steady ka lang diyan, sagot kita” sabi ni Abbey at pagkatapos nila mag bow ay agad nag init ang dalaga.
Sumugod si Abbey, humabol si Raffy sa kanya kaya nagalit yung dalaga. Pinagdikit ni Abbey ang mga kamay niya, nanlisik ang kanyang mga mata at nagbulong siya ng isang dasal. Napalibutan ng apoy bigla ang dalawang kalaban nila, si Raffy napatigil sa pagtakbo pagkat lalong lumaki yung apoy na nakapalibot. Ang dalawang binata napahawak sa dibdib nila, hindi naman sila takot dun sa apoy sa paligid pero may kakaiba silang nararamdaman na tila nagsusunog sa loob ng katawan nila.
Tumigil si Abbey sakto sa harapan ng kanilang mga kalaban, lalo niya pinagbaga ang mga apoy kaya nagsisigawan na yung dalawang binata. “If you don’t surrender im really going to burn you two” bulong niya at dahan dahan niya pinaluwangan yung nakapalibot na apoy para makaluhod yung dalawa. Takot na takot yung mga binata sa seryosong titig ni Abbey. “Don’t make me wait” bulong niya kaya sabay lumuhod yung dalawa at sumuko.
Pinatay ni Abbey ang mga apoy at pacute siyang humarap sa crowd at nagbow. Palakpakan ang kanyang mga batchmates habang yung ibang nanonood ay di nagustuhan ang kinalabasan ng duelo pag inaasahan nila mapanood si Raffy. “Ikaw naman inuuna mo pa tong duel kesa sa pagpapagaling mo, halika na balik tayo sa clinic” sermon ni Abbey sabay kinuha ang kanyang rosas.
“Abbey I am okay” sabi ni Raffy. “Ah shut up ka diyan, by the way salamat sa rosas. Bakit mo pala ako binigyan?” tanong ng dalaga. “Wala lang kasi binantayan mo ako nung wala ako malay” sabi ni Raffy. “O you see, alam mo palang nawalan ka ng malay tapos nandito ka nagmamagaling na kaya mo. E so what pag natalo tayo may magandang rason naman. Tsk nakakainis ka talaga alam mo ba yon?” sermon ng dalaga.
Pagdating nila sa clinic pinilit ni Abbey na mahiga ang binata. “Abbey okay na ako” sabi ni Raffy pero tinaas ng dalaga ang dalawang kilay niya sabay inistrap pa yung binata sa kama. “Ah iha he is okay already” sabi ni Erwin. “Isa ka pa! Bakit mo siya pinayagang lumabas at maki duel? Kagagaling niya lang sa sakit. You should know that” sermon ng dalaga at natatameme ang guro.
Kumuha ng sponge ang dalaga at pinunasan ang noo ni Raffy. “Abbey…” bigkas niya pero kinurot siya ni Erwin. “Makisama ka nalang…nakakatakot siya pag magalit” bulong ng guro na kunwari naman chinecheck up ang binata. “Abbey late ka na sa klase” sabi ng binata. “Mag aabsent ako at babantayan kita. Wala na ako tiwala kay sir Erwin kasi akalain mo pinayagan ka lumabas at maki duel. Tsk no no” sabi ng dalaga sabay piga sa sponge.
“Ah excuse me ha, may ipapa konsulta lang ako sa mga matatanda” sabi ni Erwin. “Sir sabihin niyo okay na kasi ako” bulong ni Raffy. “Ah Abbey alam mo he seems to be okay now” hirit ng guro at tinitigan siya ng masama ng dalaga. “I don’t believe you” bigkas ni Abbey sabay ngisi. “When I say okay, I mean out of danger. Tama ka bed rest nalang muna siya” sabi ni Erwin at nagmadaling lumabas.
Pagkalabas ng clinic ay biglang hinila ni Peter si Erwin at sumulpot sila bigla sa opisina ni Hilda. “Bakit nasa clinic ulit si Raffy? Sabi mo kanina he was okay already” sabi ng principal. “Opo madam, he is perfectly in good health to be honest kaya lang si Abbey mapilit na inconfine pa siya” paliwanag ni Erwin at nagtawanan ang mga guro habang si Peter pasimpleng tumatalikod.
“Pero madam may konting kakaiba lang kay Raffy. Pinatay ko yung electronic sensors para sa fake magic body niya. Akala ko nagloloko yung device kasi may magic body na natira. Tinanggal ko yung sensors at meron na po talaga siyang magic body” sabi ni Erwin at natulala ang lahat. “Are you sure?” tanong ni Prudencio. “Yes sir, kaya lang…baby yung magic body niya” sabi ng guro. “Baby? Pinagloloko mo ba kami?” tanong ni Hilda.
“No madam, sure po ako baby po. Dapat po magic body natin halos pareho sa katawan natin pero yung sa kanya sa sanggol po e” sabi ni Erwin at lahat napatingin kay Prudencio at Franco. “Nung lumabas si Raffy sa mama niya nasense ko agad may magic powers siya. Pero a few days later bigla ito nawala kaya nagtaka ako. Ang natatandaan ko lang ay nasense ko yung apat na bruha sa ospital pero nung hanapin ko sila wala na sila doon”
“Kaya ko pinatawag yung mga bagong bruha, mukhang tama ang hinala ko” sabi ng matanda. “Anong hinala?” tanong ni Hilda. “Ano pa nga ba Hilda?” sumbat ni Franco. “They took away his magic body? Tapos sinoli nila?” tanong ni Peter. “Witches cannot take away magic bodies, they can detach them pero alisin ng buo? Hindi nila kaya” sabi ni Franco at lahat nagkatitigan.
“Why would he do that Franco?” tanong bigla ni Hilda at nagkatitigan yung dalawa. “Hindi ko alam, siguro to protect my apo. Alam niyo naman na mainit ang mga mata ng lahat kay Felipe noon kahit dinetach na ang magic body niya. When the Institute visited iniscan nila agad apo ko, they found no magic traces. Maybe it was to protect him” sabi ng matanda.
“Hayaan na natin yan, pero Franco pano talaga nagkaroon ng magic body si Raphael e nanay niya ay non magic user?” tanong ni Prudencio at tumalikod si Franco at biglang nagpaalam. “Maayos na kalagayan ng apo ko, kailangan ko pa hanapin sino yung Froilan na yon” bigkas niya at bigla siya nawala.
“Ganyan ba talaga ang mga elder? Masyado malihin? Akalain mo alam pala niya lokasyon ng apat na dakilang bruha. Pero bilib ka din pano niya napagsama sama yung apat” sabi ni Prudencio. “Hayaan niyo na, at least kakampi natin siya. Buti nalang umayos si Raffy kung hindi di ko alam ano mangyayari sa atin” bulong ni Hilda.
“Pedro, yung anak mo kanina nagparamdam ng kapangyarihan, she used a spell” bigkas ni Ernie. “Oo alam ko, kakausapin ko siya mamaya” sagot ni Peter. “Let her be Pedro, hindi siya makikinig sa iyo. She is still blaming herself for what happened to Raffy. Yesterday afternoon nakita ko siya sa lawa nagprapractice mag isa ng attack skills niya at yung spell na yon. She was saying something like Dragon Temple pero di ko sure. She practiced it around a tree, and nabilib ako she could control her magic that way. One click napalibutan yung puno ng apoy. Just remind her to control it, yung kanina masyado malakas. Pinaghahandaan niya yung pagbalik ni Raffy” sabi ni Hilda.
“And if she loses control of her powers? Dudumugin nanaman tayo ng Institute at mga kalaban. Ayaw ko maging target anak ko” sabi ni Peter. “Your daughter knows that, sa tingin ko lets give her the chance to grow. Wag na natin siya kulungin. If ever maulit yung nangyari noon, we fight. Ayaw ko na magpaapi at ayaw ko na may magsakripisyo para sa lahat. Let your daughter grow, let her learn to use and control her powers. At least she is doing it for someone” paliwanag ng matanda.
“Pero bawat laban nila dapat may nagbabantay na dalawa lagi” sabi ni Hilda. “Bantayan si Abbey?” tanong ni Ernie. “No. Bantayan si Raphael, wag na wag niyo siya hayaan gamitin yung ginamit sa kanya nung Froilan. The moment bigkasin niya yung first word I give you all the authority to stop the fight immediately. Or else mamatay yung kalaban nila” banta ng matanda.
Samantala loob ng opisina ni Gustavo, masaya si Froilan at pinagmamasdan ang kanyang bagong gintong singsing. “Sir are you sure I deserve this already?” tanong niya at tumawa yung matanda. “Ikaw Froilan masyado kang malihim. Binasa mo utak ko at bilib ako nahanap mo si Raphael at napatay mo siya” sabi ni Gustavo.
“Im sorry sir” bulong ni Froilan. “Oh don’t be, im proud actually pero iho di ka nag isip” sabi ng matanda. “Sir, handa ako mamatay para sa inyo. Alam ko naman na maaring may dadating para subukan siyang salbahin at maari ako mamatay. I almost did, ang bangis pala nila lalo na yung elder Franco na yon” sabi ng binata.
“They wont kill you if ever. Iiwanan ka nilang buhay, long enough para pigain utak mo ng lahat ng iyong nalalaman. Sakto ang pagdating ko doon para salbahin ka iho pero ayos lang good luck sa kanila para hanapin ka” sabi ni Gustavo. “Sir…pano niyo pala ako nahanap?” tanong ni Froilan at tumawa yung matanda. “Madami ka pa kailangan matutunan iho. Kahit hindi ko naman ituro sa iyo sigurado ako malalaman mo…just like the forbidden flames you used…itatanong ko pa ba pano mo natutunan yon?” sabi ng matanda at napangisi ang binata.
Muling pinagmasdan ni Froilan ang singsing niya sabay ngumiti. “So sir nagbago na ba yung mga plano niyo?” tanong niya. “Yes, pero I have to give you another task” sabi ni Gustavo. “Kahit ano sir gagawin ko, just tell me what it is” sabi ng binata. “Kailangan mo linisin ang mga kalat, I need you to kill three students. Diego, Henry at yung kinuha niyang partner. Pero kailangan magmukhang aksidente lang” sabi ng matanda. “Ngayon na po ba?” tanong ni Froilan at natawa yung matanda.
“Oh no need to rush, take your time. Sa ngayon enjoyin mo muna yung pagsali mo sa Order of Karura. Soon you will meet the others iho and sigurado ako tatanggapin ka nila. At pag natanggap ka nila…how would you like to be the headmaster of this school?” tanong ni Gustavo at nanlaki ang mga mata ng binata. “Sir? Me? Pano po kayo?” tanong ni Froilan. “Matanda na ako, makaluma. Sa tingin ko kailangan ng fresh perspective at alam ko kaya mo ibigay yon. So if ever will you accept? Don’t worry mananatili akong adviser or Headmaster Emeritus” sabi ng matanda at nagngitian yung dalawa.
Nung gabing yon sa isang hotel malapit sa dagat nagkaroon ng pagtitipon ng mga matatandang magic users. May apat na masculadong lalake ang tumayo sa bawat poste ng hotel, lahat sila humawak at sa isang iglap nabalot ang hotel ng magic barrier. Sa loob ng conference hall may mahabang lamesa sa harapan kung saan nakaupo sa gitna si Franco, sa kaliwa niya nakaupo si Elder Redentor Palos at sa kanan ay si Elder Rizal Enan.
Sa front row nakaupo si Diosdado Cuevas ang pinuno ng magic Institute, katabi niya ang mga pinuno ng Fin De Laluz na sina Hilda Linares, Ricardo Pascua at Lani Madrid. Sa Second row nakaupo naman ang mga pinuno ng Escuela de Magia del Norte, college dean Ernesto Tibayan, highschool principal Luz Castro, at elementary principal Elizardo Cruz. Sa third row nakaupo ang mga taga Escuela de Magia del Sur na pinamumunuan ng kanilang college dean na si Janina Del Carmen, highschool principal Ismael Wayan at elementary principal Yves Diocno.
Sa likuran ay lahat ng faculty members ng lahat ng paaralan pati na yung mga magiging na mandirigma at mga espiya. “I think we should begin since everyone is here” sabi ni Franco at sumangayon ang dalawa pang elders. Tumayo ang matanda at pinakalma ang lahat. “Magandang gabi sa inyong lahat, napapansin niyo na tatalo lang kaming mga elders ang nandito, para sa hindi pa nakakaalam ay si elder Ignacio Dumo ay nasa kabilang panig na habang si elder Tadeo Marcos ay hindi parin matagpuan”
“Alam niyo din lahat ang nakaraan natin. Kamakailan lang ay inatake ang aking apo na si Raphael, muntik na siya namatay at ang salarin ay isang…Phoenix magic user” bigkas ng matanda at biglang nag ingay sa loob ng conference room. Tumayo si Redentor at siya naman ang nagpatahimik sa lahat. “Naalala niyo siguro na may apat tayong magic school noon. Ang norte, ang silangan, kanluran, at ang del sur. Alam niyo naman lahat gaano kabangis ang mga taga south noon, alam niyo din gaano sila nagmalabis”
“Nagsanib sanib ang norte, silangan at kanluran para pataubin sila. Nagsanib sanib tayo para itigil ang kanilang pagmamalabis sa kanilang kapangyarihan. Kinailangan natin sila tumbahin at matapos natin magtagumpay ginawa natin tatlo nalang ang mga paaralan. Ang Norte ay norte parin, ang silangan ay nakilalang centro at ang kanluran ay nakilalang bagong del Sur dahil mas mababa ito geographically kumpara sa silangan. Ang mga estudyante ng lumang del sur ay kinupkop ng tatlong paaralan habang ang kanilang mga guro at pinuno ay niligpit na natin” paliwanag ng matanda.
Tumayo si Redentor at niyuko ang kanyang ulo, “Alam ko lahat kayo nagdududa sa akin pagkat isa ako sa natirang Phoenix user. Akala ko ako yung natira ngunit mukhang meron pang iba. Nais ko lang ipaalala sa inyo na ako yung unang sumugod sa aking dating paaralan, oo kumalas ako pagkat di ko nakayanan ang kanilang pagmamalabis. Alam niyo naman na kakampi niyo ako at labis kong ikinahihiya ang nangyari” bigkas niya at bigla siya inakbayan ni Franco.
“Kaibigan hindi kita pinagbibintangan. Matagal na tayong magkaibigan Redentor at kung nagduda man ako sa iyo hindi kita sinama dito. Pero sa totoo ikaw pa ang unang kong pinagbalitaan nung nangyari” sabi niya. “Pero para walang duda pumapayag akong magpakulong pansamantala habang hindi nareresolba ito. Maniwala kayo sa akin wala ako kinalaman dito” sabi ni Redentor.
Tumayo ang isang matandang guro at tinaas ang kanyang kamay. “Pano tayo nakakasiguro na Phoenix magic user ang umatake sa apo mo?” tanong niya. Tumayo bigla si Eric at nagtungo sa harapan, tinaas niya dalawang kamay niya at may lumitaw na magical screen. “Sa tulong ni professor Erwin ay binasa namin yung isipan ni Raffy at Abbey. Etong mapapanood niyo ay mga actual na kaganapan nung araw na yon ayon sa mga nakita nila” sabi niya.
Nang matapos ang palabas ay tulala ang lahat, “Ang bata nun! How did he learn how to use Phoenix magic?” tanong nung isang guro. “How did your apo survive several attacks?” hirit ng isa at huminga ng malalim si Franco at siya naman ang inakbayan ni Redentor. “So you all know the llama Paja Rojo is one of the ultimate spells intent to kill and obliterate the opponent. Its also known as the Phoenix flame pero dapat niyo din malaman na hindi madali ito matutunan, it takes years. Namaster ko lang yon after ten years pero tignan niyo yung Froilan, he looks so young and he has already mastered it” paliwanag niya.
“Si Raphael…ayon sa mga guro niya ay magaling sa depensa. My grandson has this unique skill to put up a defense so strong that he can withstand strong magic. Hindi niya namana ito sa akin o sa tatay niya. Di ko alam pano pero ang alam ko ang apo ko mahina sa magic attack pero kung ano kahinaan niya doon ay labis siyang malakas sa depensa…still he almost died” sabi ni Franco at nagkatinginan sila saglit ni Hilda para itago ang sekreto ng kanyang apo.
“Do you think we should let all the students stay in school so they can be guarded well?” tanong ng isang guro. “No! That would bring panic to their parents, lalo lang magkakagulo” sabi ni Franco. Tumayo si Elder Rizal at nagtungo sa harapan, “Since Franco and Redentor are involved they decided I should take charge” sabi niya.
“Yang Froilan na yang bata pa pero malakas na. Tama si Redentor, may nagturo sa kanya and I fear that buhay nanaman yung fourth school. Ang gusto ko mangyari ay hanapin natin ito, huliin si Froilan kung maari. Hindi natin ginagawa ito dahil apo siya ng isang elder. Isipin niyo nalang pano kung ibang estudyante ang inatake niya, what if hindi marunong dumepensa? So wag niyo isipin na porke apo siya ng elder kaya gagawin natin ito”
“Lately sina Gustavo at elder Ignacio nagtungo sa centro para tignan si Raffy. Should we connect the dots? At isipin sila ang may sala? Sigurado ako si Ignacio ay di taga del sur pero si Gustavo…walang nakakaalam kung saan talaga siya galing. According sa mga nakaharap niya dati ay he shows powers coming from the North…pero kahina hinala na masyado na tinatarget nila si Raffy”
“Masyadong madaming tanong na di pa natin kaya sagutin. So with this I insist everyone to stay alert. Lahat ng mga espiya inuutusan ko hanapin ang bagong fourth school na ito. Ang mga top students niyo kailangan niyo bantayan ng maigi, baka sila din ang isunod na target o kaya irecruit. Nagkamali ba sila sa unang target nila? What if iba yung inuna nila? Naabo nalang yung bata at hindi natin malalaman ang rason. Pasensya ka na Franco, nagpapasalamat ako si Raphael ang naunang target, nagpapsalamat ako naka survive siya para malaman natin ito lahat”
“Diosdado ikaw na ang magbigay ng utos para sa lahat bilang pangwakas” sabi ni Rizal at muling naupo. Ang pinuno ng Institute of Magic at tumayo at hinarap ang lahat. “Bilang pinuno ng Institute, I order all schools to be on alert and all professors prepare yourselves for battle. Battle guards shall be assigned to all schools”
“Lahat ng mga espiya at mandirigma binibigyan ko kayo laya gamitin ang inyong kailangan para hanapin ang mga salarin. Halughugin niyo ang buong bansa para hanapin ang fourth school kung meron man. Pero wag kayong umabuso, may awtoridad ako binibigay basta nasa tama parin dapat ang lahat ng inyong ginagawa. Magmalabis kayo at alam niyo ang kinalalagyan niyo” utos niya.
Nang natapos ang pulong ay natira sa conference hall ang mga elders kasama si Diosdado at Hilda. “Franco do you want me to assign a guard for Raphael?” tanong ng pinuno ng Institute. “Hindi na, may magbabantay sa kanya na mas karapat dapat” sagot ng matanda. “Pero kailangan ko ng permiso galing sa iyo” hirit niya at lahat nagkatitigan.
“Sige, kahit ano papayag ako. Sino ba yon?” tanong ni Diosdado. “Ang tatay niyang si Felipe” sabi ni Franco at nagulat si Hilda. “At pano proprotektahan ni Felipe ang anak niya e wala na siyang kapangyarihan?” tanong ng matandang babae. “Kaya nga ako humihingi ng permiso kay Diosdado” paliwanag ni Franco. “Payag ako, do what you need to do” sabi niya.
“Franco hindi mo parin pinapaliwanag sa amin pano nagkaroon ng kapangyarihan ang apo mo. Alam namin normal na tao lamang ang nanay niya. May kinalaman ka ba dito?” tanong ni Hilda at huminga ng malalim ang matandang elder at tumingin sa malayo. “Franco wag ka na magtago ng mga sikreto, alam mo naman mapagkakatiwalaan mo kami lahat dito” sabi ni Rizal.
“Tama kayo pag isang magic user nakapangasawa ng non magic user, ang anak nila non magic user. Wala ako ginawang kakaiba at hindi rin totoo galit ako sa anak ko” sabi ni Franco. “Anong ibig mo sabihin?” tanong ni Hilda. “My grandson is not a half breed” sabi ni Franco at nagulat ang lahat.
“What are you trying to tell us?” tanong ni Redentor. “Masaya ako sa napili ng anak ko bilang asawa niya kahit non magic user. Nung lumabas si Raffy may nasense ako agad sa apo ko. He has magic kaya nagtaka ako sa anomalyang yon. Pero after a few days tulad ng kwento ko sa kanila ay biglang nawala ito”
“Imposible sabi ko pagkat sigurado ako meron ako naramdaman. Nagresearch ako…kinailangan ko paniwalain ang lahat na galit ako sa anak ko para maniwala din ang lahat na normal si Raffy. Trust me he is not normal, he was born a true magic user. A true magic user naintindihan niyo ba yon?” paliwanag ni Franco.
“Nagresearch ka? Violeta is a magic user?” tanong ni Hilda at di sumagot si Franco. “Imposible na yan. We all know she is not, even her parents are not magic users” sabi ni Rizal at napangiti si Franco at huminga ng malalim.
“Yang ang pagkakaiba natin, tumigil na kayo sa magulang ni Violeta. Samantala ako naintriga at nagresearch pa. And all I can tell you now is my grandson is a legitimate magic user. Di ko lang alam bakit tinanggal ang magic body niya nung bata siya…but after his coma he came back with a magic body of a child. His true magic body was returned to him after seventeen years” sabi ng matanda.
“Nakita niyo lahat ano kaya niya sa grand event…take note wala yung magic body niya sa kanya that time. He survived the Phoenix flames without a magic body. What more now he already has a magic body? Madami kayong tanong pero wala na akong sagot, maaring ang mga tanong niyo tanong ko din. Instead of finding out the truth and wasting my time, ilalaan ko nalang oras ko sa pagprotekta sa apo ko” sabi ni Franco.