Excited si Raffy sa first day of classes niya sa magic school. Pagdating niya sa dead end ay napakamot siya at pinagmasdan ang mahiwagang pader. “Oh boy, I forgot to ask grandmama how to enter” bulong niya sa sarili at pagtingin niya sa kanyang relo ay alas siyete palang ng umaga. “Good Morning mister Gonzales” bati ni Peter na biglang sumulpot sa tabi ng binata. “Good morning sir, sorry po kahapon. Wag niyo po ako papatayin” bulong ng binata.
“Kung nagtanim ako ng sama ng loob kahapon ka pang nasa ospital o kaya tineleport kita sa malayong lugar” sabi ng propesor. “Okay sir pero sorry parin at mukhang napahiya kayo sa harapan ng ibang students. Dibale sasabihin ko sa kanila aksidente ang lahat” sabi ni Raffy. “No need, panindigan mo nalang yung celebrity status mo. Hinukay mo sarili mong libingan” bulong ni Peter at kinilabutan ang binata.
“Anyway ano pang tinatayo tayo mo diyan? Pumasok ka na sa loob” sabi ng guro at ngumiti ang binata at napakamot. Pasimple siyang humawak sa braso ni Peter kaya tumaas ang dalawang kilay ng guro. “Pinapakita mo ba totoong kulay mo? Bakit ka nakahawak sa akin?” tanong ni Peter. “Sir di ko alam pano pumasok diyan?” pacute ni Raffy. “Students enrolled in that school can come in and out of this wall. Pero pag nagstart ang classes no one can come out. Non enrolled students cannot simply enter even if they have magic capabilities”
“You were officially enrolled as of yesterday so go ahead pumasok ka na” sabi ni Peter at napangisi si Raffy at dahan dahan lumusot sa pader. Nakapasok yung dalawa sa loob ng campus ng magic school at agad nag inat ang binata. Humawak si Peter sa balikat ng binata at biglang nagpalit ng anyo ang kanyang mga damit. Sa isang iglap nakasuot na si Raffy ng isang dark blue polo with gold lining with matching dark blue slacks at shiny black shoes.
“Wow! Gusto ko din sana itanong yon kahapon e, yung uniform pero ganon pala yon. So sir bawat umaga bibihisan niyo ako?” banat ng binata. “No choice kasi wala kang kwenta, wala kang magic” sabi ni Peter. “E di yaya na kita?” landi ni Raffy at muling humawak si Peter sa kanyang balikat at ngumisi, “Sige ulitin mo yung sinabi mo at bibihisan kita na parang sanggol” banta niya. “Sir naman nagbibiro lang po ako” sabi ni Raffy.
Tumawa si Peter at hinaplos ang bumbunan ng binata. “So how do you like the school?” tanong niya at napangiti ang binata at pinagmasdan ang buong campus. May two storey building na mahaba malapit sa sentro ng malawak na grounds. Sa likod ng mahabang building ay apat na four storey buildings at may malaking gymnasium din sa kabilang dulo ng malakaw na grounds. Madami pang maliliit na building sa paligid pero sa palibot ng lahat ay naglalakihang mga puno, madaming bulaklak at may malaking bundok sa malayo.
“Come Rapahael walk with me at ituturo ko sa iyo ang mga dapat mo malaman about this school” sabi ni Peter kaya naglakad yung dalawa pero ang binata napapalingon sa mga pretty girls sa paligid. “Ganda ng uniform nila, dark blue sleeveless polo tapos short dark blue skirt na hanggang tuhod” bulong ng binata at bigla siya binatukan sa ulo ni Peter. “Focus Raphael” sabi niya. “Grabe sir I was just admiring” palusot ng binata.
Nakarating sila sa isang malaking building sa pinakadulo ng campus. “Eto ang gym, dito nagaganap ang sports events like basketball, volleyball at lahat ng pwede laruin sa loob ng gym” sabi ni Peter. “Oh pero malamang bombastic games din kasi may magic involved. Mga super bakulaw players na kaya magdunk from three point line pero ang susupapalpal sa kanila manggagaling pa sa baseline ng kabilang court” banat ng binata sabay tumawa.
“Sige imagine ka pa loko. This is the only building where magic is nullified” sabi ni Peter. “Nullified? Ibig niyo sabihin walang pwede gumamit ng powers diyan?” tanong ni Raffy. “Exactly iho, kasi we believe that kailangan din ng students to become normal at wag umasa sa kanilang abilities. Imagine pag gumamit ng powers e di wala nang challenge ang mga games or it will just bring violence kasi magpapagalingan. So dito sa gym its pure physical prowess. Talent na talaga pinapairal dito and yes dito nagaganap ang mga PE subjects. We need a healthy body too” paliwanag ng guro.
Sa likod ng gymnasium ay may Olympic sized swimming pool at malapit sa paanan ng bundok ay malaking lawa. Pero sa isang sulok may madilim na gubat kung kaya medyo kinilabutan ang binata at kinalbit ang propesor. “Diyan niyo tinatago ang mga dragon niyo no?” banat niya at natawa si Peter at muli siyang binatukan. “Its just a normal forest iho, diyan ka dadaan pag gusto mo umakyat sa bundok” paliwanag niya at nagtuloy ang kaniang lakad.
Next stop nila ay yung medical clinic. “I am sure dito lagi kita mahahanap” biro ni Peter at napasimangot si Raffy at niyuko ang ulo. “Kung may morgue nga kayo baka doon agad bagsak ko e” sabi ng binata at natawa ang guro at hinaplos niya ang ulo ng binata. “Alam mo sagot ko na kabaong mo” sabi ni Peter. “Wow! Akala ko naman sasabihin mo ako ng inspiring message kasi hinaplos mo ulo ko. Tapos lalo mo pala ako idodown?” reklamo ni Raffy at humalakhak ang guro.
Habang naglalakad pabalik sa main building nakayuko si Raffy at kinakabahan. “Sir bakit kailangan ng mga students niyo maglaban?” tanong niya. “Practicality iho. Noong unang panahon daw walang laban laban. This school just teaches magic. Pero may mga ibang students before ang umabuso at nag take advantage ng magic. Ginamit nila para makasakit to get what they want. Di maiiwasan sa tao ang greed. So nag evolve yung school at nagturo narin sila how to fight using magic”
“Alam mo itong school ay tinayo para lang naman hindi maglaho ang magic. Yes there are only a few who has magic kaya tinayo itong school yon para maenhance yung powers nila and to teach the kids how to use it properly. Pero since yung iba mas ginusto gamitin ang magic in a bad at di sila nadadaan sa pakiusap we have to fight. We have to teach the students how to fight”
“When you graduate here may college degree talaga kayo. Don’t ask how anymore. You can just go back to the real world and live normally or you can work for the Magical Institute, pero kailangan magaling ka talaga” kwento ni Peter at namangha si Raffy. “So sir teka pag nag graduate tapos nag live ng normal life ang isang graduate, he or she can use magic everyday?” tanong ng binata.
“No! Kahit simple magic bawal. Its enough for them to know how to use pero gamitin araw araw? Hindi pwede. Bawal yon at matindi ang parusa sa mga susuway. But iho there are exceptional reasons, lets say may nasunog na building at may natrap na tao sa loob. To save a life you can use magic pero make sure no one notices. But after that magkakaroon ng mga hearing and you have to justify your use of magic” paliwanag ni Peter.
“Ha? Di ko gets. Ano pang use ng mag aral dito pag di mo din lang gagamitin?” tanong ni Raffy. “Well iho, to keep the legacy of magic users alive. Imagine two magic users nagkaroon ng anak and they don’t tell their child about it. Eventually matutuklasan ng bata powers niya, at matetempt yan gamitin magic niya to his or her advantage. Hindi pwede yon. That is why the magic users enroll their children here para matuto sila sa tamang pag gamit at maturuan narin sila ng tamang values” sabi ng guro.
“I see, tapos some children wont even know they have it. Pag tumagal makakalimutan na ang magic” sabi ni Raffy. “Yes hanggang sa mamatay na talaga ang legacy ng magic users. Ayaw namin mangyari yon, kahit kokonti lang ang magic users we still have to keep the legacy alive” sabi ni Peter. “Hmmm pero sir sino nagbabantay sa users? May alarm ba pag gumamit ka?” tanong ng binata. “Trabaho ng mga taga Institute yon, and yes meron mga devices to detect magic use”
“You see iho sabihin natin may two magic users sa isang area. May isa gumamit, madedetect ng Institute yon at alam nila kung sino yung user na yon. Bawat isa may unique trace sa magic nila. Parang sa tao unique DNA natin, pati sa magic ganon. After graduation lahat magpaparegister ng kanilang magic traces para alam ng Institute kung sino ang lumalabag” sabi ng guro.
“Pero sir meron din ba yung hindi nadedect? Or yung mga hindi nakaregister?” tanong ni Raffy. “Sad to say iho meron, yung mga tao na hindi nila alam may magic sila at accidentally nakagamit sila. At yung mga masasamang magic users” sabi ni Peter. “So you mean to say may school din ang masasamang tao for magic?” tanong ng binata at napasimangot ang propesor.
“Sa totoo may isang school which has a different view on magic. Dapat daw kung meron kang magic malaya kang gamitin yon sa kahit anong gusto mong paraan” sabi ni Peter. “Oh bakit wala ginagawa ang Institute? Dapat pigilan sila” sabi ni Raffy. “They already did iho. That school has already stopped kaya lang di maiiwasan yung mga secret teachings. For sure meron yung mga patagong nagtuturo parin ng mahika in a bad way” sabi ng guro.
“So sir if nagtrabaho ka sa institute may sweldo ba?” tanong ng binata at natawa si Peter. “Of course. Alam mo iho may mga graduates from this school ever since na yumaman na in the normal way ha and not using magic. They donate yearly to keep the schools running and also the Institute. Ayaw din nila na masira yung legacy ng magic users that is why we are okay financially. May mga invenstments din ang Institute so they can pay their workers well”
“Isa pa, there are rich people who hire magic users to do bad deeds, oh yes some people know about us. The really good graduates becomes hunters and fighters to stop those bad magic users. Meron naman ibang graduates who work like spies and if you are really good iho you can work the magic Institute of other countries” sabi ni Peter.
“Whoa! Totoo ka? Other countries? May ganon?” tanong ng binata sa gulat. “Natural! Alangan na Pilipinas lang ang mapalad na may magic. Hay naku tama na ang kwento sa ngayon” sabi ni Peter. “Wait sir, yung bad school ba yung sinasabi nilang Norte? Kasi ang alam ni Giovani doon ako galing e” sabi ni Raffy at natawa ang guro.
“No iho, forget about that bad school kasi wala na yon. The Magic school of the North or Norte is just like us. Meron din isa pang school sa South at tayo yung nasa center. Karamihan ng mga fighters at hunters ay graduates ng Norte kasi sila hard core ang training nila when it comes to fighting” paliwanag ni Peter at napalunok si Raffy. “Kaya sigurado ko gigil na gigil ang mga upper years dito makaharap ka para subukan” bulong ng guro sabay tumawa na parang demonyo.
Natakot lalo si Raffy at pinagmasdan ang guro. “Talagang di mo ako mapatawad sa nangyari kahapon ano?” bulong niya. “Relax iho, nakatulong sa iyo yung nangyari kahapon. Sigurado ako nakaabot na yung tsismis ni Giovani sa buong school saying na galing ka sa Norte. Kung may magbabalak na sumubok sa iyo maalala nila na naisahan mo ako kahapon so matatakot din sila at magdadalawang isip”
“At eto pa, si mister Javier pag hinamon hindi umuurong yon. Balita ko hinamon mo pa siya pero hindi siya kumagat after seeing what happened. So maybe youre safe for now” sabi ni Peter at nakahinga ng maluwag ang binata. “Bakit may maybe pa?” tanong niya. “Syempre hindi ka man nila hahamunin sa dwelyo but still they will look up to you. So kailangan mo panindigan na galing ka nga Norte” sabi ng guro.
“How will I do that sir?” tanong ni Raffy. “Ewan ko sa iyo, ang maganda the students don’t know much about the other schools. So for now you can lie. And never pa nagkaroon ng interaction yung three schools for a long time now. Safe ka at magdasal ka na walang get together ang magaganap. First time nila makakita ng student that comes from the other magic schools, enjoy your celebrity status but be really careful iho” payo ni Peter.
“Raffy!!!” may sumigaw at paglinon ng binata nakita niya si Giovani papalapit. “Don’t be late for your classes iho, your schedule is written in the small piece of paper in your left pocket” sabi ng guro at bigla siya naglaho. “My men! Ano pinag usapan niyo ni Sir Peter?” tanong ni Giovani nang makalapit. “Ah wala naman, pinapayuan ko lang siya tungkol sa mga weak spots niya” pasikat ni Raffy sabay ngisi. “Astig ka pare! Grabe pare lahat bilib sa iyo ha. As in wow pare napatumba mo si sir Peter, wala pang nakakatalo sa isang propesor dito. May mga nagtry pero poporma palang sila talo na sila agad. Ikaw isang iglap lang tumba agad si sir” sabi ng kaibigan niya.
“Well wag na natin pag usapan yon. Gusto ko sana matuto from this school. Kasi doon gulpe de gulat pagtuturo e. So dito kunwari wala akong alam at magstart ako sa zero” sabi ni Raffy. “Wow pare humble ka pala. O teka naka uniform ka nga pero nasan name plate mo?” tanong ni Giovani at pagtingin ni Raffy sa uniform ng kaibigan niya meron maliit na silver name plate na may five silver bars. “Cruz ka pala, Giovani Cruz, ano yang limang silver bars? Five silver general ka?” biro ng binata at nagtawanan yung dalawa.
“Ha? Wala kayong name plate at magic status rank doon?” tanong ni Giovani. “Ah wala e, memorized namin lahat ng school mates namin. Sa utak lang yon pre, hinahasa din nila memory namin” palusot ni Raffy. “Ah kasi dito may name plates kami at doon mo makikita magical status rank ng student. Kaya pag gusto mo makiduel pagmasdan mo muna rank niya baka mapahiya ka” sabi ni Giovani.
“So pare five bars ka ibig sabihin bigatin ka din pala dito” sabi ni Raffy. “Sira! Isa nga ako sa mga mahihina e. Pero malapit na ako sa one gold bar. Kasi lahat magstart sa zero, then one silver bar, two then basta pag umabot ka sa five ang next level ay one gold bar. So far ang highest rank si Javier na may three gold bars. Sa college si Teddy na may four gold bars” paliwanag ni Giovani.
“Ah I see, ayaw ko magsuot ng name plate. Gusto ko start from zero” banat ni Raffy. “Don’t worry matagal ang pag gawa ng name plate pare. Kasi pupunta ka sa metal forging room tapos may ritual sila na gagawin sa bakal. Mag aadapt yung bakal sa magic energy mo tapos siguro one week yon” paliwanag ni Giovani.
“One week? Bakit ang tagal?” tanong ni Raffy. “Syempre pare kasi di naman normal na name plate ito e. Parang in synch siya sa magic power mo. So lets say natuto ka sa lessons tumataas magic knowledge mo, then pag naapply mo sa duel tataas din magic points mo. Pag deserving ka automatic magkakaroon ka ng bar ka sa name plate”
“Kaya ang daming atat makipag duel e. Ako takutin kasi ako at pinipili ko lang mga kayak o kaya eto stuck at five silver bars habang ibang batchmates ko nasa one gold bar na sila. Si Javier walang patawad yan kahit sino kinakalaban. May rule dito na wag mo lalabanan ang lower years pero pag mataas rank nila pwede. Si Javier natalo na niya lahat sa year level niya, kaya nag aabang yan sa mga lower year levels na magkakaroon ng gold bar. Kasi considered mataas na rank mo pag one gold bar ka”
“Kaya takot din ako mag one gold bar kasi sigurado makakalaban ko siya. Lahat ata takot magka one gold bar e” kwento ni Giovani. “Edi bored siya lagi kasi wala na siya makalaban” sabi ni Raffy. “Hindi rin, minsan may mga naglalakas loob at hinahamon siya. Tapos pag feel niya basta nalang siya haharang ng student at makikilaban. Kaya pag bad mood siya lahat iniiwasan siya o kaya lahat nagtatago” sabi ni Giovani.
“Karne Norte!” may biglang sumigaw at napalingon yung dalawa at nakita nila si mister Javier na may kasamang limang binata. “Patay” bulong ni Giovani. “Bakit sino yung mga kasama niya?” tanong ni Raffy. “Sila yung Chicos De Oro, mga elite students ng school. Top ranked students from all levels” bulong ni Giovani. “Hoy Karne Norte! Humarap ka pag kinakausap ka namin!” sigaw ng isang binata.
“Yo! Boy kidlat! Nakidlatan mo ba sarili mo kaya kumulot ang hair mo?” banat ni Raffy at nagtago sa likod niya si Giovani. “Mayabang kang bagong salta ka ha” sabi ni mister Javier. “So golden boys ang tawag sa group niyo? At ikaw si Goldilocks?” hirit ni Raffy at tumawa lang si mister Javier. “Ako nalang kaya haharap diyan? Sige na Adolph” sabi ng isang binata na may two gold bars sa kanyang nameplate.
“Wow Adolph, Adolph Hitler na kulot” biro ni Raffy sabay ngisi. “Wag mo babuyin pangalan ko! My name is Adolphus Javier!” sigaw ng kulot na binata. “Adolphus Javier aka Goldilocks and the five golden monkeys” sabi ni Raffy. “Sige Wilfredo, patikman mo nga yang bagong salta na yan” sabi ni Adolph at nag inat yung katabi niyang binata at humarap kay Raffy. Humawak sa balikat ni Raffy si Wilfredo at agad sumigaw. “Hinahamon kita sa isang duwelo!”
“Giovani anong nangyayari?” tanong ni Raffy nang hindi siya makagalaw. “Pare hinamon ka sa duwelo. Ganyan talaga dito, pag hinamon ka di ka pwede tumanggi. At yang nararamdaman mo na paninigas nararamdaman din niya, nag uusap ang mga name plate niyo, pag talo ka mababawasan ka ng magic points at kung ano nawala mo dadagdag sa kanya. Good luck pare” bulong ni Giovani at lumayo na.
Yung dalawang binata nabalot ng maliwanag na dilaw na bola at nateleport sila sa sentro ng campus. Naalerto ang lahat ng estudyante kaya nagtipon sila sa grounds para panoorin ang duwelo. Samantala sa loob ng library nagbabasa si Abbey ng isang libro nang may sumugod na estudyante. “Duwelo!! Yung taga Norte hinamon ni Wilfredo!” sigaw niya at lahat ng mag aaral na nandon sa loob ng library agad nagtayuan at agad lumabas para manood.
Pati si Abbey napatakbo papunta sa grounds at nakita ang dalawang binata na nasa gitna. “Uy Abbey did you know while sir Peter was running after that guy he was shouting your name. Do you know him?” tanong ng isang dalaga. “Uy Yvonne, nope I don’t know him” sagot ni Abbey. “Ows? Baka ayaw mo lang aminin?” landi ni Yvonne. Tahimik lang si Abbey at habang nakatitig siya kay Raffy may iba siyang nararamdaman.
“This fight should not happen” bulong niya. “Ha? Bakit naman hindi?” tanong ng kaibigan niya. “Mamatay yung bagong salta” sabi ni Abbey. “Oh wow ano ka fortune teller? You can see the future?” tanong ni Yvonne. “No, I can sense wala siyang powers” sagot ng dalaga at napatawa ng malakas ang kaibigan niya. “Yeah right, he beat sir Pete yesterday. Nagpapatawa ka nanaman Abbey” sabi ng kaibigan niya.
Naglabasan din ang mga propesor kasama na si Peter at principal Hilda. “We must stop this” sabi ni Peter pero hinawakan ni Hilda ang kamay niya. “The duel has started and no one can stop them now, nakalimutan mo na ata makidwelo iho” sabi ng principal at napatapik si Peter sa kanyang noo. “Tsk first day in school pa naman libing agad mamaya” bigkas niya at natawa ng malakas si Hilda. “Tandaan mo anak ni Felipe yan, I have a good feeling he will survive” bulong ng principal.
Sanay na si Raffy sa mga competition pero kakaibang laban ito ngayon kaya nangangatog sa takot ang kanyang mga tuhod. “Go Raffy!” sigaw ni Giovani at lalo pa siya natakot pagkat ramdam niya lahat ng estudyante inaantay siyang magpakitang gilas. “Ah excuse me, sa totoo peace lover ako. Ayaw ko gumamit ng magic. Kaya pag ayaw mo masaktan umatras ka nalang” sabi ng binata at tumawa ang kaynang kalaban. “At sa tingin mo madadaan mo ako sa sindak?” sumbat ni Wilfredo.
Pinagdikit ni Wildredo ang kamao niya sa palad niya at pabirong gumaya si Raffy. Nagliyab ang mga kamay ni Wilfredo kaya napangiti si Raffy at tinaas ang mga kamay niya. “Ayaw talaga kita saktan e. Sige na kung ikakatuwa mo panalo ka na” bigkas niya pero sumugod si Wilfredo kaya napatakbo ang binata. “Sabi ko panalo ka na nga e, wag mo ako pipilitin kasi lumaban ayaw talaga kita saktan!” sigaw ni Raffy.
“Duwag! Eggless!” sigaw ni Wilfredo kaya napatigil si Raffy at humarap sa kanya. “Hindi ako duwag! Naawa lang ako sa iyo. Talagang gusto mo masaktan? Sige halika sasaktan kita” sabi niya at naglakad siya papalapit sa kanyang kalaban. Lahat ng manonood naging excited, si Wilfredo naman ang nakaramdam ng takot at napapaatras konti. “O sino ang duwag ngayon?” tanong ni Raffy sabay nag inat ng mga kamay.
Magkalapit na yung dalawa, si Wilfredo unang sumuntok gamit ang nagbabagang kamao niya. Ang bilis umilag ni Raffy gamit ang isang side step, tinapik niya yung likod ng ulo ng kalaban niya kaya nainis si Wilfredo at humarap sabay nagtapon nanaman ng isa pang suntok. Umulit lang si Raffy, ginamit lang ang liksi niya at natapik nanaman ang batok ng kalaban. “Pag gusto kita saktan kanina ka pa sana naglulupasay sa sakit” pasikat niya at namangha ang lahat sa cool na cool niyang asta pero sa totoo naiihi na siya sa takot.
Sobrang cool ni Raphael, nakakabilib ang kanyang footwork, parang nag bounce lang up and down paikot sa kanyang kalabang. Si Wilfredo suntok ng suntok, bumabawi lang si Raffy sa pagtapik sa kanyang noo at batok kaya naaliw ang lahat ng manonood.
Naglevel up si Wilfredo sa inis at lalong nagbaga ang mga kamao niya. Bumilis din ang mga suntok niya kaya ilag nalang ng ilag si Raffy. Isang napakabilis na straight punch binitawan ni Wilfredo, kita ng lahat todo pwersa ito at may gigil pa sa kanyang mukha. Si Raffy nakailag muli at lumuhod sa isang tuhod, sinalubong niya ang papalapit na katawan ng kalaban niya ng isang suntok sa tiyan.
Sakto ang kasa ng kamay ni Raffy, tumama ng buong pwersa ang suntok niya sa papalapit na katawan ni Wilfredo kaya nagmistulang napakalakas ng suntok niya. “Agaw hinga punch!” sigaw niyang pabiro. Napuruhan sa solar plexus si Wilfredo kaya hindi siya nakahinga at napaluhod hawak ang kanyang tiyan. Tumayo ng tuwid si Raffy at pinagmasdan ang bagsak niyang kalaban, “Ay oo nga tao din pala kayo like me. You also feel physical pain” bulong niya. “Wilfredo tayo! Lumaban ka!” sigaw ni Adolph pero ang kakampi niya bumagsak ng tuluyan at napahiga at pilit hinahabol ang hininga niya.
Humarap si Raffy sa crowd at ngumiti sabay nagbow kung saan naghiyawan ang lahat at pinalakpakan siya. “Nais ko ibahagi sa inyo na hindi lagi kailangan gamitin ang kapangyarihan natin. Hindi ba ito ang tinuturo sa atin ng ating mga paaralan? Ang kapangyarihan ay gagamitin lang natin sa tamang paraan, kahit na duelo, ito ang pinakamagandang pagkakataon para iapply natin yon”
“Wag sana tayo lahat umasa lagi sa ating mga kapangyarihan. Saka nalang natin gamitin ito pag gipit na tayo o pag may gusto tayo protektahan” sabi ni Raffy at lalong humanga ang madami sa kanya. Sumugod si Giovani at agad inakbayan ang binata, ilang segundo lang dinumog na sila ng mga estudyante at nakisaya sa kanyang pagkapanalo.
“He is so cool” bulong ni Yvonne at kinilig habang si Abbey huminga lang ng malalim at napangiti konti. Sa malayo nakahinga ng maluwag si Peter habang si Hilda tuwang tuwa. “Manang mana sa ama, I told you mananalo siya” sabi ng matanda. “I told you mananalo siya e ang tindi ng kapit mo sa akin at halos ayaw mo pa manood” banat ni Peter at bigla siya binatukan ng principal. “Natural lang yon, kung kayo ni Felipe tinuturing kong anak, mga anak niyo tinuturing ko naring apo. Gather everyone sa auditorium immediately” sabi ni Hilda.
Lumipas ang sampung minuto lahat ng estudyante at mga guro nagtipon sa auditorium ng paaralan. Tumayo sa stage si Hilda at pinatahimik ang lahat. “As usual nauna nanaman ang tsismis” sabi ng matanda at nagtawanan ang lahat ng estudyante maliban sa grupo ni Adolph. “Okay alam niyo na siguro so let me just formally introduce your new schoolmate. Everyone I introduce to you Raphael Gonzales!!!” sabi ni Hilda at nagpalakpakan ang lahat nang nagtungo si Raffy sa tabi ng principal.
“Raphael is a transfer student and he is a junior” dagdag ni Hilda at nagsayaan ang lahat ng mga junior highschool students. “Why are they so happy?” bulong ni Raffy. “Kasi feeling nila may alas na sila na panlaban sa higher years lalo na sa mga graduating” bulong ni Hilda at napangiti nalang ang binata at napalunok. Lumapit si Peter at may dalang nameplate na nakapatong sa isang maliit na unan.
Kinuha ni Hilda yung nameplate sabay kinabit sa kanang bahagi ng dibdib ng binata. “Sigurado ba kayo? Baka magkaroon ng reaksyon sa katawan niya” bulong ni Peter. “Well we will just have to find out” sabi ni Hilda at pagkatapos ikabit ay agad lumayo ng konti yung dalawa. Ang daming estudyante ang lumapit para makita nang malapitan ang nameplate. Ang grupo ni Adolph nakisiksikan at lahat napanganga sa kanilang nakita. Yumuko si Raffy para tignan din ang nameplate niya. “Gonzales…pero bakit po may malaking diamond?” bulong niya pero di siya sinagot ni Hilda at Peter na dahan dahan siyang nilapitan.
“Di po ba dapat blanko nameplate ko?” bulong ni Raffy. “Im sure may nag explain sa iyo. After five silver bars you get the gold. After five gold bars you get a diamond. This will protect you from the higher years iho” paliwanag ni Hilda na pinupunasan pa ang nameplate. “Tignan mo nalang itsura ng grupo ni mister Javier” bulong ni Peter at si Raffy tinitigan si Adolph sabay nginisian.
“Oh my God teachers I am so happy for you helping me. This means hindi pa ako mamatay soon” bulong ni Raffy at napatawa sina Peter at Hilda. “Now iho makakarelax ka na. By the way nice speech kanina, please keep up that act. Kasi alam mo madami sa mga students gusto talaga lagi laban. You are a positive influence if you manage to keep professing that belief, so in advance maraming salamat iho” bulong ni Hilda at tuloy parin ang paglilinis niya sa nameplate.
“Of course grandmama, pero yung promise mo ha. Ipapakilala mo siya sa akin” landi ni Raffy. “Iho bad taste naman ata pag gagamit ka ng bridge. Di ba mas maganda pag magpakilala ka sa kanya mismo? Tutal youre a student here already” sabi ng matanda. “Okay grandmama pero bakit po ba ganyan kadumi nameplate ko bago palang yan?” tanong ng binata. “Palpak yung pagkagawa” banat ni Peter. “Ikaw siguro gumawa at sinadya mo papangitin. Ilang beses ba ako magsosorry?” sabi ni Raffy.
“Iho why don’t you join your schoolmates, im sure madami ang gusto makipagkilala sa iyo” bulong ni Hilda. Masayang bumbaba ng stage si Raffy at agad siya dinumog ng mga kapwa niyang juniors. Si Hilda di maitago ang tuwa niya pero si Peter pasimple siyang kinalabat. “I think you need to talk to the other professors” bulong niya.
“Yes I know, declare the suspension of classes tomorrow but give the students activities. Ipatawag mo ang lahat ng propesor para isang pagtitipon bukas ng umaga” sabi ni Hilda.