Isang buwan na si Raffy sa magic school pero ilang araw na siyang malungkot. Pagpasok niya sa magic wall ay nandon si Peter para bihisan niya. “Thank you sir” sabi lang ng binata at niyuko ang ulo at dumiretso papunta sa kanyang building. “Are you alright Raffy? You seem sad” sabi ng guro. “I am fine sir Peter, thank you for asking” sagot lang ng binata.
Napadaan si Abby at agad nilapitan ng kanyang ama. “Whats wrong with Raffy?” tanong niya. “Di ko po alam. Wala ako alam about him kasi iniiwasan ko na siya at di ko na pinapansin” sabi ng dalaga. “Wag naman ganon anak, di naman namin sinabi na ganyan ang gawin mo” sabi ni Peter. “Well its safer this way isn’t it? E ano kung malungkot siya, mas importante safety ng school diba?” sumbat ni Abbey at agad siya naglakad palayo.
“Abbey! I am not saying that. Sinasabi lang namin ng lola mo control your powers” sabi ni Peter. “Oh so you want me to make pansin him? Okay” sabi ng dalaga sabay ngumisi.
Sumapit ang recess at mag isa ni Raffy nakaupo sa may lawa. Biglang tumabi sa kanya si Abbey at inabutan ng sandwich. Natulala ang binata at napatingin sa langit, “Lord nakikinig ka pala sa mga dasal ko? Thank you po” bulong niya at natawa ang dalaga at siniko siya. “Bakit ano naman dinasal mo?” tanong niya. “Na pansinin mo ulit ako. Di ko alam ano nagawa ko pero ayaw ko na alamin kasi mukhang napatawad mo na ako e” sabi ni Raffy.
“O drama king wag ka magpalipas gutom kain ka na” sabi ng dalaga at pagkagat ni Raffy sa sandwich ay agad siya napakamot. “Nagtitipid ba sila sa canteen? Bakit walang laman tong nabili mo?” tanong niya. “kasi kinuha ko yung ham and egg na laman niya nilagay ko dito sa sandwich ko” sabi ni Abbey sabay nagpacute. Halos maglaway ang binata sa double layered sandwich ng dalaga pero tinuloy parin niya kinain ang kanyang mga tinapay.
“Tapos kinain mo parin kahit walang laman” tukso ni Abbey sabay tawa. “Wala ngang laman masarap parin kasi bigay mo e” sagot ni Raffy at sarap na sarap niyang nginuya ang kanyang pagkain. Nakiliti damdamin ni Abbey at biglang kumulo ang tubig ng lawa. “Wow tignan mo pwede nang maging foot spa” sabi ng binata pero agad kinontrol ng dalaga ang kapangyarihan niya.
“Ay alam mo may naisip akong secret technique na panakot sa susunod na lalaban sa akin” bulong ng binata. “Ows? Ano naman?” tanong ni Abbey. “May nakita ako book sa library…inaaral ko pano palitan skin color ko” sabi ng binata. “Ha? Para saan?” tanong ng dalaga. “Kasi siyempre maglalaban kami, tapos kunwari galit na galit ako tapos magiging green skin ko parang incredible hulk…o kaya magiging super red kunwari demonic. O ha! Sigurado matatakot kalaban ko diba?” kwento ng binata at sobrang natawa si Abbey at pinaghahampas ang braso niya.
“Wag mo naman ako tawanan, hirap ako mag aral ng magic e. So in order to survive longer here nag iisip ako ng mga deception moves” sabi ni Raffy. “Hay naku its so easy to drop out of this school” sabi ni Abbey. “Oo nga e, actually naisip ko nanaman yon lately pero inisip ko sinabi ni grandmama. Sabi niya may positive effect daw ako sa mga students so di ko tinuloy”
Sumandal si Raffy at tumingin sa langit. “But hey who am I kidding? I stayed kasi I know papansinin mo ulit naman ako e. I actually prayed for it, naging religious ata ako lalo dahil sa pagdedma mo sa akin” sabi ng binata at lalong kumulo ang tubig ng lawa. “Ikaw ba nagpapakulo sa water?” tanong ni Raffy at pagtingin niya wala na si Abbey sa tabi niya at tumigil narin ang pagkulo ng tubig.
Kinabukasan sa library nahanap ni Abbey si Raffy na nakatago sa isang gilid habang nagbabasa ng basic magic book. “Talagang gusto mo matuto?” tanong ng dalaga. “Oo naman kaya nga ako nagtatago kasi nakakahiya pag nakita nila tong binabasa ko” sabi ng binata. “I can teach you pero secret natin. I know an easier way” bulong ng dalaga at nanlaki ang mga mata ni Raffy. “Really? Can you teach me now?” sabi niya. “May kailangan kang important. Alam mo naman ano yung wand diba?” sabi ni Abbey.
“Oo pero I don’t see anyone using it here” sabi ng binata. “Kasi pag may wand madali nalang ang lahat. Kaya forbidden ang pag gamit ng magic wand. Pero sa iyo ko lang sasabihin ito ha. The wand can channel magic faster at after several months of use masasanay na body mo kahit wala ang wand. Pero let me tell you si lola may magic wand yon na tinatago. If she uses it mas malakas siya, parang amplifier kasi ang wand din e” kwento ni Abbey at kuminang ng todo ang mga ng binata.
“Saan ako makakakuha ng wand? Nabibili ba yon?” bulong ni Raffy. “No, pero alam mo yung sa mga puno near the forest. Don gawa yung mga wand, so for now you can use a twig or thin branch basta diretso. Dali kuha ka tapos meet mo ako sa lake at doon kita tuturuan after classes” bulong ng dalaga sabay kumindat at umalis.
Nakahanap si Raffy ng wand niya at masaya siyang nag antay sa may lawa pagkatapos ng klase. Dumating si Abbey at agad pinasikat ng binata ang wand niya. “Sira ulo ka may makakita. Itago mo naman konti” sabi ng dalaga at agad nagpasimple si Raffy. “Dali upo tayo” sabi ng dalaga at naupo yung dalawa sa tabi ng lawa. “E pano tayo magpractice kung nakatago?” tanong ng binata.
“Pwede yan basta dapat wala makakita so you can take it out pero make sure wala nakakakita from the back” bulong ni Abbey. “Okay, so pano ba to gamitin?” tanong ni Raffy habang hawak niya yung wand malapit sa mga hita niya. “Sige try mo pailawin dulo ng wand. Same process but trust me its easier” bulong ng dalaga at pagsubok ni Raffy pasimpleng pumitik ang dalaga at agad nagkailaw sa dulo ng wand.
“Oh shoot! Hanep! Ang bilis o!” sigaw ng binata at tinakpan ni Abbey ang bibig niya. “Ano ka ba? Sabi ko sa iyo illegal yan e” bulong ng dalaga at agad kumalma si Raffy pero para siyang kiti kiti na sobrang saya. “Wait pag illegal to e how wil I use this?” tanong niya. “Duh! Diamond rank, as if magdududa pa sila why you know that” sabi ng dalaga. “Oo pero how about the professors? Si grandmama at sir Peter?” tanong ni Raffy. “E ano ngayon? Just say you read it in the library e di mabibilib pa sila dahil nag eeffort ka talaga matuto. O sige na now try to shoot balls of light…hoy wag masyado excited ha…sa tubig mo lang itama” sabi ng dalaga.
Tinapat ni Raffy ang wand sa tubig. “Focus, now produce light” bulong ng dalaga sabay pinitik ulit niya kamay niya at nagkailaw sa dulo ng wand. “Now…hoy wag kang bungisngis” sermon ng dalaga. “Sorry naman naaliw ako e” sabi ni Raffy. “Now focus konti and shoot the light…basta isipin maigi” sabi ng dalaga at pumitik ulit at mula sa wand lumabas ang isang maliit na light ball na tumama sa tubig.
“Oh yeah!” sigaw ng binata at parang lauran pinagbabaril niya ng ilaw ang tubig pero sa totoo si Abbey lang naman pala ang may gawa non. Lumipas ang sampung minuto, “Itago mo na yan dali” bulong ng dalaga. “Pero gusto ko pa itry yung iba” sabi ni Raffy. “As if naman madami ka nang alam. Itago mo na bago pa may makahuli sa atin. Itago mo yan dalhin mo everyday” sabi ni Abbey. “Okay fine…hey Abbey…salamat ha. I like you even more” bulong ng binata. Agad nagwalk out ang dalaga pagkat nagsimula nanaman kumulo ang tubig sa lawa.
Kinabukasan may kakaibang asta si Raffy na kinagulat nina Hilda at Peter na nakatambay sa school grounds. “Good morning grandmama at sir Peter” bati ng binata. “Hello Raphael, you seem happy and confident today” sabi ng matanda. “Life is good grandmama” banat ng binata at nagtawanan yung tatlo.
Samantala sa malayo dumaan si Abbey at Yvonne sa grupo ng golden boys. “Alam mo sis Raffy’s magic got drained yesterday” bigkas ni Abbey. “Ows? Pwede ba mangyari yon?” tanong ng kaibigan niya at naintriga ang mga golden boys at nakinig. “Oo kaya, kaya tignan mo kasama niya si Principal at professor Peter para wala maglakas loob na maki duel sa kanya” sabi ni Abbey sabay pasimpleng ngumisi.
Sumandal si Adolph at kinalabit ang katabi niya. “Please go take care of him Bert” bulong niya at agad tumayo ang matangkad na binata. “Drain pala ha. Ano testing lang ba o lumpuin ko na?” tanong ni Bert. “Lumpuin mo na kung pwede” sagot ni Adolph at biglang kinabahan si Yvonne. “We should tell him” bulong niya. “Shhh…kaya niya yan. Tara lets go watch” sabi ni Abbey.
Habang nakikipagkwentuhan si Raffy sa dalawang guro nakalapit si Bert at nahawakan ang balikat ng binata. “Excuse me sir Peter and Madam Hilda…hinahamon kita sa isang duelo!” sigaw niya at nateleport bigla yung dalawa sa sentro ng grounds at naglabasan ang lahat ng estudyante para manood. Tulala si Peter at Hilda at medyo nag aalala. “Bert is a really good fighter” sabi ng matanda. “I know, hindi siya uto uto tulad ng ibang nakalaban niya. Should we stop this?” tanong ni Peter at napadaan sina Abbey at Yvonne na nagbabangayan.
“Look pinasubo mo siya e. Why did you have to shout out loud na drain yung magic powers niya?” sabi ni Yvonne. “She did what?” tanong ni Hilda. “Madam si Abbey she said out loud that Raffy had drained powers kaya narinig ng golden boys” sumbong ng dalaga. “And why would you do that iha?” tanong ng matanda. “If he gets really hurt then maybe he drops out. Wala na kayong problem” sagot ng dalaga gamit isipan niya at lalo natulala sina Hilda at Peter.
Sa gitna ng grounds nangangatog sa takot si Raffy pagkat si Bert nagwawarm up ng kung fu skills niya. Nagpalakpakan ang crowd at naghiyawan nang buksan ni Raffy ang botones ng polo niya at may dinudukot sa loob. Paglingon niya nakita niya si Abbey na nagsisimangot at sumesenyas na wag niya itutuloy. “I need to” bulong niya. “You want me to get expelled?” sagot ng dalaga gamit ang kanyang isip.
Napabuntong hininga si Raffy at biglang napangiti. “Since the match hasn’t started…baka you can help me change my skin color” inisip niya at ngumiti ang dalaga. Pinagsusuntok ni Raffy ang dibdib niya kaya napatigil si Bert. “Umagang umaga binabadtrip mo ako!” sigaw ni Raffy at lalo pa niya pinagsusuntok dibdib niya at dahan dahan nagpapalit kulay ng balat niya sa berde.
Napalunok si Bert pero nakiliti bigla nang magpalit anyo mukha ni Raffy at naging kamukha ni Shrek. Napatawa siya ng todo at sumabay narin ang crowd. “Tinatawanan mo pa ako ha” bigkas ni Raffy pero lalo lang tumawa ang lahat pagkat boses niya sinliit ng boses ng dwende. Napahawak si Bert sa tiyan niya, napalingon siya kina Adolph na umaariba din sa pagtawa.
Nakita ni Raffy ang reflection niya sa isang bintana, nainis siya konti at napatingin kay Abbey na halos namamatay na sa tawa. Binuhos niya ang galit niya sa pagsugod, napakabilis niya tumakbo at tatlong hakbang palang layo niya tumalon siya sa ere para sa isang flying kick. Too late na magreact si Bert, tinakpan nalang niya mukha niya. Di pa tumatama ang paa ni Raffy sa dibdib ng kalaban ay napatapis na ito paatras konti. Si Raffy nagpaikot pa sa ere para sa isang back kick na tumama sa dibdib ni Bert ng napakalakas.
Ang layo ng tinalsik ni Bert at paglanding ni Raffy ay kitang kita ng lahat ang kakaibang liwanag na bumabalot sa mga paa ng binata. Napatigil si Abbey sa pagtawa pagkat may kakaibang kapangyarihan siyang naramdaman bigla. “Did you help him?” tanong niya agad sa tatay niya pero agad tumalikod si Peter at Hilda. “You know that once the duel has started no one can interfere” sabi ng matanda at naglakad na sila palayo.
“Iba din pala magalit ang curse dragon wing” bulong ni Peter. “Indeed, his first kick didn’t even connect pero nakita mo epekto kay Bert, it stunned him and set him up for the second kick” sabi ni Hilda at pasimpleng nagbungisngisan yung dalawa.
Bidang bida ulit si Raffy at bago siya dumugin ay binalik na ni Abbey ang natural niyang anyo at kulay. “Always remember schoolmates pag duel always keep your focus. Tignan mo nangyari sa kanya nagfocus sa iba kaya ayun easy opening” pasikat niya at lalo siya pinagkaguluhan. Hindi ganon ang inaasahan ni Abbey na mangyari, pinipilit niya mainis sa kanya ang binata ay baliktad ang nangyari at lalo pa siya napahanga.
Naglakad siya palayo pero nagulat siya pagkat naglakad sa tabi niya ang binata. “Im sorry” bulong ni Abbey. “For what?” tanong ni Raffy. “You know…making you look funny” sabi ng dalaga. “Nakatulong nga e, so thank you” sabi ng binata. “I saw you got mad…” bulong ni Abbey. “I saw happy ka naman so its alright. I won in the end so no harm done” sabi ni Raffy at tahimik yung dalawa bumalik sa kanilang classroom.
Kinabukasan after recess naglambing si Abbey at may pinahawak na malaking illustration board sa binata. “Hmmm I need help. Can you hold this up here in the grounds facing our building? Kasi I have to go up sa classroom and do some measurements at tatantyahin ko ilang illustration board magagamit para sa opening ng grand duel event” sabi ng dalaga.
“Aha! Alam ko yan. Siguro may design sa harap na iba tapos pag nagdikit dikit magform ng big picture. Then sa kabila ibang design din na picture no” sabi ni Raffy at ngumiti ng malaki ang dalaga. “Something like that. So can you hold it up? Okay lang ba kasi maarawan ka” sabi ng dalaga. “Sus para sa iyo kahit ano, akin na yan and take all the time you need” sabi ng binata.
Mag isa ni Raffy sa grounds at tinaasan niya paghawak sa illustration board. Si Abbey nakabalik sa classroom at sumilip sa bintana at agad tumawa. Naintriga ang mga kaklase niya at lahat nagtungo sa window at nagtawanan agad. Si Raffy pakembot kembot at nagpapatawa pa sa grounds, ilang saglit lahat na ng mga estudyante sa lahat ng classroom pinapanood siya at nagtatawanan.
After ten minutes may lumabas na propesor sa grounds, si Professor Ernie Chua. Galit na galit ang guro na kinaladkad ang binata papunta sa administration building. “Wait sir, ano problem?” tanong ni Raffy. “Ikaw mayabang kang loko ka ha. Di porke inaalagaan ka namin lahat it does not mean pwede mo kami bastusin” sabi ni Ernie.
Sa loob ng opisina ni Hilda nagwala si Ernie at si Raffy napayuko nalang sa takot. “Ang kapal ng mukha nitong alaga mo! Is this how he repays for our kindness? Ganyan ba?” sigaw niya. “Calm down Ernie, iho why did you do this?” tanong ni Hilda. “Do what grandmama? I don’t know why sir Ernie is so mad at me” sabi ng binata.
“You don’t know? Seryoso ka? Basahin mo tong nakasulat sa illustration board” sigaw ni Ernie at pinaharap ang board sa binata. “Sir…wala naman nakasulat e” sabi ng binata. “Anong wala? Niloloko mo ba ako? Ang linaw linaw o!” sigaw ng guro at tumayo si Hilda at siya naman ang sumigaw. “Ernie! This boy has no magic powers! The ink used sa board is magical ink!” sabi niya.
Napatingin si Ernie sa board at napansin ang glowing letterings. “Its glowing! Di mo ba naisip muna to analyze things before getting mad? Hindi mo ba naisip? Think why he was doing it? Or was he set up to do it?” tanong ni Hilda at huminahon si Ernie at siya naman ang napahiya. “This is embarrassing…sorry iho…I am really sorry” sabi ni Ernie.
“Ano po ba ang nakasulat?” tanong ni Raffy at nagtakip ng bibig si Hilda at nagpipgil ng tawa. “Sir ano po ba ang nakasulat?” hirit ng binata at nagsisimula nanaman uminit ulo ng guro. “Ernie the Shiny bunot” bulong ni Hilda at si Raffy napatingin kay Ernie at sa makintab na bunbunan nito.
Nanginginig na mga labi ng binata at nagpipigil siya ng talaga ng tawa. “Sige dagdagan mo pa, tawanan mo ako at maniniwala ako na ikaw gumawa nito” sabi ni Ernie. “Im trying my best sir to not laugh pero mas mahirap pa to gawin kesa mag aral ng magic” bulong ng binata at talang natawa si Hilda kaya bumigay narin si Raffy.
Napahaplos nalang si Ernie sa noo niya at nakitawa narin sa dalawa. “Di ko alam bakit ako maiinis e totoo naman. Naririnig ko naman students say it behind my back pero eto lang yung lantaran” sabi niya. “Pero sir kahit na di ko po talaga alam I want to say sorry. I really didn’t know. And if I have offended you sir sorry talaga” sabi ni Raffy.
“Its okay iho, just tell me who gave you the board” sabi ni Ernie. “Will it matter? Everyone saw me holding it. And please don’t read my mind, alam ko kaya niyo gawin yon and please don’t make me take truth serum kasi lalabanan ko talaga kayo. I will never tell” sabi ni Raffy at napangiti si Hilda. “Oh well whats done is done. No harm done na iho. You can go back to your class” sabi ni Ernie.
“No, you have to punish me. Everyone saw it. I am a student here kahit na special reasons. You have to treat me like everyone else. So you have to punish me” sabi ng binata at nagulat yung dalawang guro. “If they see wala ako punishment maeengganyo lang sila gumaya. So you have to punish me for what I did to let them see kahit na ako pwede maparusahan” dagdag ng binata.
After classes bumisita si Abbey sa office ni Hilda. “It was me” bulong niya. “Oh I know, you didn’t need to come here to tell me” sabi ng matanda. “Pero lola why did you punish Raffy? I saw him cleaning and scrubbing the walls of the gym using a small toothbrush” reklamo ng dalaga. “Ernie and I didn’t want to punish him pero sabi niya he must be punished as a regular student. Since ayaw namin he made up his own punishment” sabi ni Hilda at lalong naawa si Abbey.
“Don’t worry di niya sinabi na ikaw nagpahawak sa kanyang ng board. He said kahit na basahin namin isipan niya lalaban daw siya. So Professor Ernie doesn’t know it was you. Just tell me why iha” sabi ni Hilda at naupo si Abbey at huminga ng malalim. “Lola, I am trying my best not to like him pero he keeps amazing me. So I said I am going to make him hate me” kwento ng dalaga.
“It seems it didn’t work iha. If he did hate you sinabi niya agad na ikaw nagpahamak sa kanya. But look at him taking the blame and punishment for you” sabi ng matanda. “Lola I heard what you were talking about with daddy. Totoo na hindi ko makontrol powers ko when I am with him…ewan ko pabigla bigla mga sinasabi niya and it sounds good to hear…so sabi ko maybe it’s the emotions…if I get rid of them then everything will be okay” sabi ng dalaga.
“Ano ka robot? Love is such a happy feeling” landi ni Hilda. “Lola I am not in love with him. I just…ewan ko amazed siguro” sabi ng dalaga. “So you like him?” tanong ng matanda. “No! Amazed lang ako that’s it….maybe konti…nope just amazed lola” bulong ng dalaga at nagtawanan yung dalawa. “Hmmm so iha yung mga ginagawa mo ba tanggap mo yung magiging epekto? Why did you come here? Kasi di mo matanggap in the end yung aftermath diba? What if I expelled him? What would you do?” tanong ng matanda.
“I would plead to you to take him back” bulong ng dalaga. “Bakit naman?” tanong ni Hilda. “Kasi di naman niya kasalanan” sabi ni Abbey. “Oh? Di ba pag wala na siya dito wala ka narin problema?” landi ng matanda. “I like him being around…I feel…happy…I don’t know but something I never felt before” sabi ng dalaga.
“Abbey you should learn from Raphael” sabi ni Hilda at natawa ang dalaga. “Lola hindi ba baliktad at dapat matuto siya sa akin?” sabi ng dalaga. “Well yes but you should learn from him. Look iha, he knows wala siyang powers but he is still here. How many duels has he won already? He adapts and keeps his cover, yes he lies but you have to ask why is he doing that? Why does he keep risking everything everyday by coming to school?”
“Because he is amazed at you too” landi ni Hilda at nagtawanan yung dalawa. “Ikaw naman you see danger and you take the easy way out to avoid that problem. Siya hinaharap niya. Sabi mo you want him around so you too have to adapt. Learn to control your powers”
“All students undergoing amazement ay ganyan din tulad mo. Oh yes iha its normal to lose control of your powers due to emotions. Kaya lang special case ka iha and you know what I mean” sabi ni Hilda at napangiti si Abbey. “So its normal to be amazed?” tanong ng dalaga at natawa ang matanda at napahaplos sa noo niya. “Kung yan ang gusto mo itawag don, yes it is iha”
“Alam mo ang problema ng kabataan ngayon minsan nagpapadala sila agad sa ‘amazement’ na yan. So they end up doing stuff before thinking and regretting in the end. To many they cherish it and take their time and they become happy. It has a positive and negative effect and let me tell you that you can control it” sabi ng matanda.
Sa isang gilid ng gym busy si Raffy naglilinis gamit ang maliit na toothbrush. Napatigil siya saglit pagkat may tumabi sa kanya at nakilinis din. Pagtingin niya nakita niya si Abbey na may hawak din na maliit na toothbrush. “You don’t have to do that, this is my punishment. Don’t worry di kita sinumbong” sabi ng binata.
“Alam ko, umamin ako kay lola. I know youre mad at me so let me say sorry” sabi ni Abbey. “Pero sa dami ng punishment bakit naman ganito pa napili mo?” hirit niya. “Para matagal ako matatapos. At least may rason ako para di na kita pepestehin, yun naman ata gusto mo e. It could have been easier if you said go away” bulong ng binata.
“If I didn’t want you around sa tingin mo pupuntahan pa kita dito at sasamahan?” sumbat ni Abbey. “Nakonsensya ka siguro” sabi ni Raffy. “So why didn’t you drop out?” landi ng dalaga. “Kasi may positive effect ako dito sabi ni lola” banat ng binata. “Yun ba talaga ang rason?” hirit ng dalaga at napangiti si Raffy at huminga ng malalim. “Kung galit ako sa iyo nag drop out ako. Oo galit ako kanina at naisip ko yon pero I cant stay mad at you for a long time e. Its hard staying mad at someone you like” bulong ng binata.
Napapikit si Abbey at nagfocus pagkat unti unti nalulusaw ang hawak niyang toothbrush. “Ei Raffy, I have trust issues. There is something about me that you must know but I cant tell you yet” bulong ng dalaga at napatingin sa kanya si Raffy. “Something about you?” tanong niya.
“Yeah, you have a secret and I have one too” sabi ni Abbey. “You know my secret so maybe you can tell me your secret” sabi ni Raffy. “Hmmm I want to tell you but right now di pa pwede e” sabi ng dalaga. “Ah you don’t trust me yet?” tanong ng binata. “I do but remember bago ka palang dito and we barely know each other. Pero alam mo no one else knows my secret, not even my closest friends” sabi ni Abbey.
“Ah kaya pala pabago bago mood mo sa akin. I get it, you were testing me ano?” tanong ni Raffy. “Hmmm parang ganon siguro” sabi ng dalaga. “Ikaw palang nakakaalam na may tinatago akong sikreto” bulong ni Abbey at napangiti ang binata. “At ako ang unang makakaalam ng sikreto mo kasi sasabihin mo sa akin” banat ni Raffy.
“And what makes you think I will tell you?” tanong ni Abbey at nagkatitigan sila. “Because I will make you trust me. I will earn your trust. And look we have all the time to make kwentuhan kasi ang laki ng lilinisin natin o” sabi ni Raffy at nagtawanan sila. “Bitawan mo brush mo” sabi ng dalaga at sabay sila bumitaw at automatic na naglilinis ang mga toothbrush.
“Boring magkwentuhan pag ganyan, tara libre mo nalang ako sa labas” sabi ni Abbey at napalingon sa paligid si Raffy. “Baka magalit si grandmama” bulong niya. “Tara na ako bahala kay lola. Tara dali gutom na ako” udyok ng dalaga at nagmadali sila lumabas ng campus.