Chapter 9

1132 Words
Kaya’s POV Pagdating namin dito sa dulo ng island, tahimik na at walang tao. Naupo kami sa buhangin na kung saan ay malapit na malapit na kami sa dagat. Napaluha ako bigla pagdating doon. Hindi ko na kinayang maglabas ng sama ng loob sa kaniya. “Gustong-gusto ko nang umuwi, Kellan. Gustong-gusto ko nang makita sina nanay at tatay. Gustong-gusto ko nang makawala sa kamay ni Kohen. Ayoko na talaga dito,” sabi ko sa kaniya kaya bigla niya akong niyakap. Kaka-drama ko lang pero agad naman nakasunod dito ang demonyo. “Hindi ka ba natatakot na baka mapátáy ko ‘yang si Kellan dahil sa pagkikita ninyo palagi ng palihim?” Napalingon kami ni Kellan nang sabay sa likuran namin nang marinig naming magsalita si Kohen. Galit ang mukha nito na nakatingin sa amin habang may hawak siyang báril. Sa likuran niya, may kasama pa siyang limang tauhan niya na may hawak-hawak ding báril. Agad naman akong tumayo para lapitan siya. “Kohen, inaya ko lang siyang magpahangin kasi wala naman akong kakilala kahit na isa dito. Wala naman kaming ginagawang mali, saka kaibigan ko siya ‘di ba?” “Ang sabi ko mamahinga ka sa kuwarto, hindi makipaglandian!” sigaw niya. Halatang galit na galit na naman siya ngayon. Tumayo na rin tuloy si Kellan para magpaliwanag. “Boss Kohen, nag-uusap lang naman kami. Wala po kaming ginagawang iba,” sagot na rin ni Kellan. Halata sa mukha niya ang takot kaya naawa ako bigla sa kaniya. Tinutok naman bigla ni Kohen ang báril niya kay Kellan. Hindi ko inaasahan na ipuputok niya iyon. Tinamaan si Kellan sa braso niya kaya natumba ito sa buhangin. “Tang-ina, Kohen, bakit mo ginawa iyon!” sigaw ko habang gulat na gulat. “Kellan!” sigaw ko dahil sa gulat. Sa galit na naramdaman ko, bigla kong sinampal ng malakas si Kohen sa mukha niya. “Hoy, bawal iyan!” sigaw sa akin ng isang tauhan niya. Agad nila akong dinampotnang gawin niya iyon. “Bitawan ninyo ang asawa ko! Hindi ninyo siya puwedeng ganyanin, huwag na huwag ninyong hahawakan si Kaya” galit naman niyang sabi sa mga tauhan niya na dinampot ako. Isa-isa niyang pinagsasápák sa mukha ang mga ito. Isa-isa din niya itong tinutukan ng báril niya. Tinulak ko na rin tuloy ang mga tauhan niya para lapitan si Kellan. Naawa ako sa kaniya kasi nakangiwi siya habang iniinda ang dumudugo niyang braso. Tinignan ko si Kohen. “Paano na ito ngayon? Sa layo ng private island na ito, tiyak mauubusan siya ng dugo dahil sa iyo,” galit kong sigaw sa kaniya. “Madadala ka na siguro ngayon, Kellan. Sa susunod, hindi na sa braso ang tama ng bala ng báril ko. Kapag hindi ka pa lumayo sa asawa ko, sa utak mo na susunod na lulusot ang mga bála ng báril ko,” sabi ni Kohen na lalo kong kinagalit. “Tumigil ka na, Kohen, parang awa mo na,” sabi ko habang panay na ang pag-iiyak ko. Nayakap ko tuloy si Kellan dahil sa awa na nararamdaman ko sa kaniya. “Boss, hindi ko na po uulitin ito. Hindi na po talaga,” sagot naman ni Kellan kahit na duguán na siya. “Sorry, Kellan. Sorry talaga,” sabi ko na lang sa kaniya. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na dapat ako bumaba kanina sa terrace ng villa. Hindi ko na dapat siya nilabas at kinausap. Kawawa naman si Kellan. Halatang nasaktan siya sa ginawa ni Kohen. Mabuti na lang pala at may maliit na hospital dito. Doon siya dinala ng mga tauhan ni Kohen. Ako, heto, nasa villa na ulit kasama si Kohen na hindi pa rin maipinta ang mukha. Hindi ko na siya kinausap simula nang pumunta kami dito. “Kakasabi ko lang kanina na huwag na tayong mag-aaway, pero heto, gumawa ka na naman nang ikakaaway natin. Kakakasal lang natin pero panay away agad,” inis niyang sabi. Sino ba kasing may sabing magpakasal kami? Siya lang naman itong tanga na nilaban iyon kahit na alam niyang lasing lang ako nung gabing iyon. “Pauwiin mo na ako, Kellan. Ganoon na lang siguro ang magandang gawin mo,” sabi ko sa kaniya. “Sige, umuwi ka na pero hindi ka sasakay sa kahit na anong yate, eroplano o bangka ko. Maglalangoy ka pauwi, papayag ako, sige,” sagot niya kaya napangisi ako. “Tang-ina mo pala e, bakit hindi mo na lang ako patáyin?” sagot ko. Punong-puno na ako. Galit na galit na ako sa kaniya. “Gusto mo ba talaga?” tanong niya habang seryoso ang tingin sa akin. “Oo, patáyin mo na ako. Sige na, ngayon na para matapos na ito,” matapang kong sagot kaya napatayo na siya at saka hinugot ang báril sa tagiliran niya. Tinapat niya sa akin ang báril niya habang gigil na gigil ang mukha niya. Hinihintay ko na lang na pumutok ang báril niya at tumama sa akin kaya napatulo na lang ang luha ko. Pero hindi natuloy kasi dumating si Serena. Humarang ito sa harap ko at saka inawat si Kohen. “Boss, asawa niyo po ‘yan. Tama na, baka kung ano na namang magawa mong mali gayong galit ka. Mabuti pa, maghiwalay muna kayo ngayon at magpalamig muna kayo pareho ng ulo,” sabi niya saka ako hinila. Hinatid ako ni Serena sa isang kuwarto. Inakay pa niya ako hanggang sa makaupo sa kama. Tumabi rin siya sa akin sa pag-upo doon. “Mag-ingat ka, Kaya. Kapag galit si Kohen, gagawin niya talaga lahat ng gusto niyang gawin. Huwag mo siyang hahamunin kasi walang inuurungan si Boss kohen. Huwag mo nang uulitin iyon kung ayaw mong mámátáy talaga ng maaga,” pangaral niya sa akin habang tumutulo pa rin ang mga luha sa mata ko. Hindi ako kumibo, pero panay pa rin ang pangaral sa akin ni Serena. Hindi niya ako nilayasan nang hindi gumagaang ang loob ko. Sa huli, nagpasalamat pa ako sa kaniya kasi niligtas niya ako. Kung hindi pala siya dumating, baka bángkay na ngayon ang katawan ko. Naging matapang ako kanina dahil sa galit ko. Kasi naman, muntik na niyang mapátáy si Kellan. Ngilong-ngilo talaga ako nang makita kong tinamaan ng bála ng báril si Kellan. Akala ko sa dibdib o puso na siya tinamaan. Mabuti at sa braso lang. “Nga pala, bukas mag-ready ka. Mag-start na kasi ang training mo,” sabi niya bago pa siya lumabas sa kuwarto ko. “Training? Anong training, Serena?” tanong ko pa. Ngumiti lang siya at hindi na sumagot. Sinabi na lang niya na abangan ko na lang bukas. Nagtaka tuloy ako. Anong training naman kaya ang mangyayari? Pagtatrabahuhin ba ako dito ng Kohen na iyon? Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD