Chapter 5

1606 Words
Kaya’s POV It felt like my head was splitting when I woke up. As I opened my eyes, they widened immediately upon realizing that I was in a beautiful room. Kahit masakit ang ulo ko, napabangon agad ako. At doon, biglang lumaglag ang kumot na gamit-gamit ko at saka lumitaw ang naglalakihan kong mga dibdib. I let out a loud scream upon realizing that I was completely naked. Puta, Did that damn Kohen and I have séx? Bumukas ang pinto ng room na kinaroroonan ko. Niluwa nito si Kohen na bagong ligo tapos hubu’t hubad din. Nakangisi siya nang tignan ako. Hindi ko tuloy mapigilang mapatingin sa tité niyang nakabuyangyang na naman. Ang laki talaga, puta! Kinuha ko tuloy ulit ang kumot para itakip sa dibdib ko. Tumawa naman siya bigla. “I saw everything last night. There’s no point in covering yourself with a blanket anymore,” sabi niya. “Gusto ko nang umuwi. Aalis na ako rito,” tanging sagot ko na lang sa kaniya. Hindi siya sumagot. Naupo lang siya sa table niya at saka binuksan ang laptop niya. Sa pagkakataon na ‘yon, I was able to stand up to pick up my scattered belongings on the floor. Ang mahalaga sa ngayon, hindi niya natuloy ang pagtapon niya sa akin kagabi sa dagat. I am safe now, so I can finally leave this hellish yacht. Nagmadali akong magbihis para makaalis agad dito. Habang naglalakad na ako sa labas at papunta na sa room nila Kellan at tatay, nagtaka ako dahil niyuyukuan na ako ng mga taong nakakasalubong ko. Lalo na ng mga crew dito sa yate. “Good morning, Madam,” bati ng isang babaeng crew na todo-ngiti sa akin. Pagdaan ko naman sa isang hallway, sunod-sunod na bati rin ang natanggap ko galing naman sa mga bisita ni Kohen kagabi. Takang-taka na tuloy ako kaya inalala ko na kung ano bang nangyari kagabi. Ang natatandaan ko, uminom kami ni Kohen ng alak. Sinamahan ko siyang uminom kagabi dahil ayaw na niya akong paalis sa room na ‘yon. Natatandaan ko pa na si Kellan pa ang nagdala ng mga pagkain at alak namin doon. Sobrang daming mamahaling pagkain kagabi. Nung una, tahimik at kabado pa ako. Pero nang lumaon, naging maingay na rin ako dahil sa tama ng alak. At hanggang doon na lang ang natatandaan ko. Wala na akong ibang matandaan pa. Kinapa ko tuloy ang pagkababaé ko. Medyo masakit at parang may pinasok dito na something kagabi kaya mukhang nag-s*x nga kami nung hayop na Kohen na ‘yon kagabi. “Good day po, Madam.” “Congrat’s po, Madam Romano.” “Madam, magandang umaga po.” “Magandang araw po, Madam Romano.” My face involuntarily frowned. My surname isn't Romano, so why do they call me Romano? Isa pa, ako, madam? Patawa ata ang mga tao ngayon. Kapag ganitong badtrip ako dahil nakipag-s*x ako kay Kohen kagabi nang hindi ko naman gusto, huwag silang luluko-luko. Makakasapak na talaga ako ng tao. Nang sa wakas ay makarating na ako sa room nila Kellan at Tatay ay nadatnan kong nakaupo roon si Kellan. Agad siyang napatayo nang makita ako. “Aalis na ako rito. Ihatid mo ako sa labas, Kellan,” sabi ko agad sa kaniya. Tinignan niya lang ako at hindi sumagot. “Hindi ka na lalo makakatakas pa sa kamay niya,” sabi niya na kinagulat ko lalo. “B-bakit? Anong ibig mong sabihin?” tanong ko pa. “W-wala ka bang naaalala sa nangyari kagabi?” Napansin ko na kakaiba ang awra ng mukha niya ngayon. Parang dismayado at malungkot. Ano ba kasing nangyari kagabi? Bigla niyang inabot sa akin ang cellphone niya. May video siyang pinanuod sa akin. Nanlumo ako nang mapanuod ko ang mga pinaggagawa ko at ang nangyari kagabi. “Sabihin mo, Kellan. Trip lang ‘to ‘no? Hindi naman puwedeng magkasal sa yate na ito? Hindi puwedeng magkasal ang mga kapitan ng barko ‘di ba?” Umiwas siya ng tingin sa akin at saka muling naupo sa kama niya. “Isa ka nang Romano ngayon, Kaya. Asawa ka na ni Kohen kaya hindi trip ang nangyari kagabi. Kasal ka na kay Kohen at may bisa ‘yon. Hindi lang pari, mayor o mga pastor ang may kakayahang magkasal. Puwede ring magkasal ang mga kapitan ng barko.” Napaupo ako sa sahig. Nawalan na naman ako ng lakas dahil sa sinabi niya. Hindi marunong mag-joke si Kellan kaya mukhang seryoso na nga talaga siya na kinasal na ako sa Kohen na ‘yon. I just slept last night, and when I woke up, I’m suddenly married to that billionaire Mafia boss? Putang-ina. Isa itong malaking kalakohan. Ngayon, alam ko na kung bakit madam na ang tawag sa akin ng lahat. Kaya naman pala niyuyukuan na nila ako. Kinasal ako kay Kohen kagabi sa harap ng mga tao sa Yate na ito. Para pa akong tanga kagabi dahil sa kalasingan ko. Sa napanuod ko sa video na kuha ni Kellan sa akin. Parang tuwang-tuwa pa ako habang kinakasal kami ni Kohen. Diring-diri ako nang makita kong nakailang halik ako sa labi ni Kohen kagabi habang pinapalakpakan kami ng mga tao. “Kellan, ayoko. Ayokong maging asawa si Kohen. Ayoko dito. Gusto ko nang umalis. Tulungan mo akong makaalis sa yate na ito,” pagmamakaawa ko sa kaniya. “Hindi ka agad-agad makakaalis dito. Nasa karagatan tayo. Lumalayag tayo ngayon dahil patungo tayo sa isang island na pagmamay-ari ni Kohen. Doon itutuloy ang selebrasyon ng birthday niya at ang pagiging bagong kasal niya. Iyon ang inanunsyo sa amin kanina.” Nag-iiyak na lang tuloy ako. Mukhang kahit si Kellan ay wala ng power para matulungan ako. “Kellan, natatakot ako sa kaniya eh. Baka kung anong gawin sa akin ni Kohen. Sobra akong natatakot talaga,” sabi ko sa kaniya. “Nakakatakot talaga. Pero kasi wala talaga akong magagawa para tulungan ka ngayon. Mafia boss ang napangasawa mo. Napakarami niyang galamay. Nag-iisa lang ako. Hindi naman sa pagiging duwag, pero mahal ko pa rin ang buhay ko. May pamilya rin na umaasa sa akin kaya kahit gusto kita, wala na akong magagawa dahil kinasal ka na sa kaniya kagabi. Ang tanging magagawa ko na lang ay ipagdasal ka na sana ay maging okay ka sa kamay niya.” Bumukas ang pinto ng room na kinaroroonan namin. “Madam Kaya, kung ayaw niyo pong mamatay si Kellan. Mas mabuti pa ho sana ay bumalik na kayo sa room ninyo ni Boss Kohen. Mapapahamak po kasi si Kellan kapag nakita sa CCTV na magkasama kayo sa iisang kuwarto. Isa pa, narinig ko na pinapahanap na kayo ngayon ni Boss Kohen. Mag-aalmusal na raw po kasi kayong dalawa,” sabi ng head chef ng Yate na ito na tila pinapahalagahan ata si Kellan. Naintindihan ko naman ang sinabi niya. Ayoko rin na mapahamak si Kellan kaya tumayo na lang ako at saka umalis ng room na ‘yon. Habang pabalik na ako sa room namin ni Kohen, panay pa rin ang pagtulo ng luha ko. Kahit umiiyak ako, panay ang yuko at pagbati sa akin ng mga taong nakakasalubong ko. Tiyak na mag-aalala ang mga magulang ko sa akin kapag matagal akong hindi bumalik sa bahay. At siguradong magagalit si Tatay kapag nalaman niyang pinakasalan ko pa ang lalaking dahilan kung bakit nag-stroke siya. “Kaya, ayoko sa lahat ‘yung pinaghihintay ako sa harap ng pagkain. Maupo ka na dito at kumain na tayo,” sabi ni Kohen sa akin nang makabalik na ako sa owner’s suite. “Busog ako. Hindi ako kakain,” malamig kong sagot sa kaniya at saka ako tumuloy sa loob ng bedroom. Tumayo siya at saka sumunod sa akin. “Mamili ka, Kaya. Gusto mo ba ng mabait na asawa o walangyang asawa? Kasi kung ako ang tatanungin, pinili kong maging mabait na asawa kaya gusto ko sabay tayong kumain ngayon. Kung walangya ako, bakit pa kita hihintayin at gustong makasabay kumain? Just last night, we were so happy. You agreed to marry me. You were amazing in bed, and I really said last night that I would be serious about you. But why is it like this now? Parang naging cold at natatakot ka na naman sa akin.” “Kohen, I was just drunk last night. Getting married wasn’t part of my plan.” “Ang tanong ko ang sagutin mo. Gusto mo ba ng masamang asawa o mabuting asawa?” Heto na naman siya sa pinapapili ako. “Wala akong pipiliin dahil hindi ko pa gustong mag-asawa, Kohen. Please, pakawalan mo na ako. Please, gusto ko pang maging dalaga. Hindi ko pa kaya na-e-enjoy ang buhay pagkadalaga ko eh.” Nagulat ako nang bigla niya akong hinila palabas ng kuwartong ‘yon. Sa sobrang lakas niya, nabigla na lang ako nang itulak niya ako sa lamesa. Napahiga ako sa maraming pagkain. Halos nasayang ang maraming pagkain na nakahanda sa lamesa dahil sa akin. Napunta ang mga pagkain sa katawan ko. Habang ang iba naman ay nalaglag sa sahig. “Ayoko sa maarte. Diyan lumalabas lalo ang sungay ko, Kaya. Tang-ina ka, nawalan na tuloy ako ng ganang kumain ngayon!” Nanlilisik ang mga mata niya nang tignan ako. Nakakatakot siya, grabe! Lumabas siya ng owner’s suite at saka padabog na sinara ang pinto. Habang nakahiga ako sa lamesa, napatulo na lang ang mga luha ko. Ano itong pinasok ko? Nakakatakot nga pala siyang magalit. Pakiramdam ko, may mas malala pang mangyayari sa akin dito. Kailangan ko talagang makatakas sa kamay niya. I don’t want to be here. I don’t want that Kohen. He’s a devil!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD