Part 17

1231 Words
SA KASAL ni Nancy ay natural nang makaagaw din sila ng eksena. Sa pagitan ng pagbati sa mga bagong kasal ay ang kasal naman nilang dalawa ni Matthew ang halatang inaabangan ng lahat. At ngayon pa lang ay nakakatanggap na rin sila ng mga pagbati. At siyempre pa ay masayang-masaya naman si Geraldine sapagkat ang pagbating tinatanggap niya ay hindi na para sa pagpapanggap lamang. Ang mga paghawak-kamay sa kanya ni Matthew, ang mga ngiting ipinupukol nila sa isa’t isa ay hindi na pagpapanggap. Ang pagbulong sa kanya ni Matthew ng I love you ay ikinagugulat niya subalit kiliting-kiliti rin naman ang puso niya. But more than that, she knew that the s****l tension arose last night didn’t leave them. Sa mga pagkakataong lumilipas ang tawanan at magtatagpo ang kanilang mga mata, alam na alam din niya kung ano ang kahulugan ng pagtitig nitong iyon sa kanya. And her throat would instantly go dry. Balewala ang kung gaano man kaikli o kalayong pagitan sa kanila. Tila mayroon silang sariling invisible na kable upang makatulay sa isa’t isa ang mensaheng iyon. “Ate, hindi ko na ito ihahagis. Ibibigay ko na lang sa iyo,” wika ni Nancy na lumapit pa sa mesang inokupa nila ni Matthew. Umiling siya ng sunud-sunod. “No, sis. Maiinsulto naman ako niyan,” magaang tanggi niya. “Don’t spoil the program. Pinaghandaan iyan ng mga pinsan natin. And I’m sure, hindi lang isa o dalawa sa kanila ang umaasam na makasalo ng bouquet mo.” “Oo nga naman,” kaswal ding sabad ni Matthew. “Your sister won’t need that dahil tiyak namang pakakasalan ko siya.” Nakangiting tinitigan siya nito at saka inakbayan siya. A display of masculine ownership very cliché yet still effective. Namilog naman ang mga mata ni Nancy. “Sige na nga. May request lang ako, Bayaw-to-be. Mamanhikan kayo pagkatapos ng honeymoon namin ni Bremond. Kasi kung bukas ka na agad mamanhikan, siyempre, nasa honeymoon pa kami nu’n!” “Don’t worry, kid. Hindi naman ganoon kabilis. Sige na, bumalik ka na roon kay Bremond. Mukhang napipilitan lang iyong makipag-usap sa mga groom’s men niya. Tingnan mo, kandahaba ang leeg sa iyo.” “Okay!” “ANO, HIJO, kailan namin kayo aasahan dito?” tanong ni Dr. Jimenez kay Matthew nang gumagayak na sila pauwi. “Pang, baka naman isipin ni Matthew na pinipikot na siya kapag ganyan,” nahihiya ring namang agaw na sagot niya. “Okay lang, babe,” nakangiti namang wika sa kanya nito. “Kung hindi nga lang nag-request si Nancy, di puwede rin namang bukas ay bumalik tayo dito at isasama ko ang parents ko.” “Anong request?” sabad ng mamang niya. Napabungisngis siya. “Ano pa, di pagkatapos na lang daw ng honeymoon nila mamanhikan itong si Matthew. I’m sure, makikialam iyon sa detalye. Feeling wedding planner yata.” Nahawa sa tawa niya ang mamang niya. “Nagmana lang sa akin. Pero unahin na muna natin ang pamanhikan bago ang mga detalye. Saka mukhang kay Eve mo naman ipagkakatiwala ang kasal mo kaysa sa amin.” Sa huli ay tila naging seryoso ang tinig nito. Kilala na rin nito si Eve at iba pang kasama niyang wedding supplier. “Mang, nagtatampo ka?” Niyakap niya ito. “Huwag ang mag-alala. Kayo ni Eve ang bahala. Hindi ako makikialam sa ideas ninyo. Gusto ninyo, pati wedding cake ko, kayo na rin ang bahala,” pabiro pang dagdag niya. Tumikhim si Matthew. “Babe, hindi naman yata ako papayag. Parang gusto ko nga yatang tayong dalawa ang gumawa nu’n. Significant yata sa atin ang wedding cake.” Sadyang nakaarko ang mga kilay niya nang bumaling dito. “Ikaw, tutulong sa aking gumawa ng cake? I doubt it, Matt. I’m sure, manggugulo ka lang,” tudyo niya. “No, I’ll be your inspiration.” He winked at her. Nangingiti namang napahilig siya dito. “Sige na, lumakad na kayo’t baka gabihin pa kayo sa daan,” banayad namang taboy sa kanila ng papang niya. Ang aliwalas ng mukha nito ang ebidensya na masaya din ito sa nakikita. “Mag-iingat kayo sa biyahe,” paalala naman ng mamang niya. PALABAS ng Montilla ay inihinto ni Matthew ang sasakyan. Napakunot ang noo niya. Liblib na pook iyon at balitang pinamumugaran ng mga taong labas. Baka mapagkamalan pa sila roon at kung ano ang nangyari sa kanila. “Matt, nasiraan ba tayo? Ano ang problema?” kabadong tanong niya. “Ito ang problema.” Pumihit sa gawi niya si Matthew at agad na kinabig ang batok niya. His lips closed hungrily on hers. At bagaman nabigla, dama rin naman niya agad ang init na dulot ng halik na iyon. She opened her mouth, his tongue intruded in one swift move. His lips was firm, yet his tongue was soft… and so hot. The questing was bone-melting delicious it made her knees shook. “Dindin, babe,” daing ni Matthew at sandaling iniwan ang mga labi niya. Gusto niyang magprotesta. Pero nang maramdamang bumaling iyon sa kanyang tenga, touching the rim of her ear with the tip of his tongue, nakalimutan na niya ang pagtutol. Napayakap na lang siyang lalo sa leeg nito. “Matt…!” she moaned. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso niya. Tila hindi nagkaroon ng ilang oras na pagitan ang ginawa nila kagabi. Parang ngayon-ngayon lang ay nakakulong sila sa silid na iyon at hindi nalalayo sa ganito ang ginagawa. And then he stopped kissing. Ibinaon nito ang mukha sa palitan ng leeg at balikat niya. She could feel his ragged breathing. Tila nagbabanggaan sa dibdib ng isa’t isa ang malakas na kabog ng dibdib. At nang humiwalay ito, isang malalim na paghinga ang ginawa nito. “I… I have to do that,” he said huskily. “I want you so much, babe. Baka hindi ako makapagmaneho nang matino kung ang buong sistema ko naman ay nakatuon sa iyo. Somehow, I have to do something to ease it.” Hinaplos niya ang mukha nito. “I love you,” she said with so much love. “G-gusto mo, lumipat na lang ako sa backseat?” “What?” marahas na wika nito. She smiled gently. “Baka kasi kung ganitong magkatabi lang tayo, kung ano pa ang mangyari sa atin. I want you, too, Matt.” He groaned at minsan pa ay siniil siya ng halik. Subalit bago pa niya magawang gumanti ay ito na rin ang mabilis na tumapos niyon. “Dito ka lang sa tabi ko, babe. I don’t want you anywhere else.” Inayos nito ang seatbelt nila na hindi niya napansing nakalas pala. Binuhay na nito ang makina. “I love you, Matt,” she whispered. Inabot niya ang kamay nitong nasa stick gear. She touched it gently saka lumipat iyon sa hita nito. Mas may diin at mas may kahulugan ang pisil niya doon na gumagapang pa paitaas. Siya mismo ay nagulat sa kanyang pangangahas but the desire that seem to simmer in her every nerve ending was so powerful. Isang pag-ungol ang pinakawalan ni Matthew at inabot ang kamay niya. “Dindin, don’t,” he said hoarsely. “You don’t want our first time to be at the backseat, do you?” Napalunok siya. “I… I just want to show you I want you too,” mahinang sabi niya. He inhaled sharply. “Later, baby. Later.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD