PART 8

2024 Words
Nang magising si Eliza ay wala na si Drake sa kanyang tabi. Babangon na sana siya ngunit pakiramdam niya ay may kadagan pa rin sa kat@wan niya. Nakagat niya ang ibabang labi nang maramdaman din niya ang pagh@pdi ng kanyang perly shells. “Jusko, ano na lamang ang sasabihin ni Lola kapag nakita niya ako sa kuwarto ng ganito? Kailangan kong bumaba–” Natigilan siya sa pagkausap sa sarili at tangkang pagbaba sa kama nang pumihit ang seradura ng pinto. Kaagad siyang nahiga ulit at binalot ang hvbad na katawan sa kum0t. May naamoy agad siyang masarap na pagkain na marahil ay dala nito. Narinig pa niyang tumunog ang pingan pagkatapos ay naramdaman niya Ang paglundo ng kama. “Mahal, wake up.” malambing na tawag nito sa kanya. Nakaramdam siya ng hiya dahil sa ginawa nila sa buong magdamag at hindi niya alam kung paano haharapin ito. Hangang sa napadilat siya nang maramdaman niya ang l@bi nito sa kanyang l@bi. “Goodmorning.” nakangiting bati ni Drake Kay Eliza. “Kumain na tayo, binigyan din ako ni Grandma ng paink!ller at para sa lagnat na rin. Pagyakap ko kasi sayo kanina parang mainit ka. Anong masakit sayo?” “Alam mo na naman tinatanong mo pa.” Kunot ang noo at nakanguso niyang sagot dito. “I’m sorry–” “Sinabi mo ba Kay Lola?” “Ang alin?” “Yung ginawa natin? Hindi ba siya nagtaka kung bakit masama ang pakiramdam ko?” Napakamot si Drake sa ulo niya na parang may sinabi siya. “Sinabi ko sa kanya na nag-overtime tayo kaga–aray!” hampas ni Eliza sa kanya. “Bakit mo naman sinabi yun? Nakakahiya Kay Lola.” nag-iinit ang pisngi na sabi niya. “Eh ano naman? Siya nga itong palaging nangungulit sa akin na bigyan ko na siya ng maraming apo sa tuhod.” “Kahit pa, baka isipin noon–” “Ano bang iisipin noon? Don't worry understand na yun ni Lola. Ang mabuti pa, dalhin na kita sa banyo. Naghanda ako ng maligamgam na tubig at essential oil para makapagrelax ka.” Ani ni Drake. Nagulat siya nang buhatin siya nito. Napakapit na lamang siya sa leeg nito at pagkatapos ay binaba siya sa tabi ng bathtub. Kinuha ni Drake ang nakabalot niyang kumot sa katawan at pagkatapos ay inalalayan itong pumasok sa bathub. “Aayusin ko lang yung bed natin. Babalik ako.” Paalam nito sa kanya. Sinandal niya ang likuran at inilapat sa dulo ng bathtub upang mas makapagrelax siya. Kahit paano nakatulong naman sa kanya. “Need help?” “Huwag na.” pigil nito. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa lamesa at pagkatapos ay kumain na sila. “Inumin mo itong gamot para gumaling ka agad.” Sinunod naman niya ito. “Kailan tayo babalik sa city? Marami pa akong naiwan na trabaho.” “May gagawa naman noon para sayo. Hindi natin kailangan na magmadali.” Ani ni Drake. “Eh yung grand launching ng series? Bukas na yun diba dapat nandoon ka?” imporma nito sa kanya. “Ako na lang ang pupunta, paniguradong andun si Trace.” “Ano? Dahil lang doon ayaw mo akong umattend? Matagal na pinaghandaan yun ng kompanya at isa pa, maraming mahahalagang highlights ang kakailangan namin para sa website.” “Okay, ganito na lang…isasama kita pero make sure na hindi ka aalis sa tabi ko.” “Ha? Paano kung pag-usapan tayo? Paano kung malaman nila–” “Eh ano? Mag-asawa naman tayo. Saka aminin ko din sa public ang relasyon natin. Ang pagsama mo sa akin bukas ang magbibigay ng hint sa kanilang Ikaw Ang asawa ko.” “Ayoko, ang alam nila na-aksidente ka dahil nanglalaki ang asawa mo. Alam mo naman kung gaano mapanghusga ang mga tao sa nakikita at naririnig nila. Hindi ako ang tatargetin nila pati narin Ikaw.” “Hindi na bago yun Eliza. Kahit naman simpleng tao ka lang at wala kang ginagawang masama. May masasabi pa rin ang mga taong walang ibang ginawa kundi punahin at kainggitan ang iba. As long as alam mo sa sarili mong wala ka namang ginagawang masama. I will handle all the critics in case na may Sabihin silang masama tungkol sayo. Kaya don't worry okay?” Napabuntong hininga si Eliza. Alam naman talaga niya sa sarili niyang sumama lang siya kay Trace para malayo Kay Drake at Nadia kaya lang pumayag din siyang maging boyfriend nito para paselosin si Drake. Kaya lang mahalagang okasyon ang magaganap bukas. Ito ang first project niya nang pumasok siya sa network. Kinabukasan ay naghanda na siya ng kanyang susuotin para sa night launching ng Sweet seduction island series. Maraming mahahalang tao ang dadalo sa event kabilang na rin ang mga artista na kasama sa series kaya star studded din ang naturang event. “I think Ikaw Ang pinakamaganda sa event mamayang gabi.”Pagpuri ni Drake nang makita ang susuotin niyang black gown na dinala pa mismo ng mga well known designer. “Ikaw din naman.” nakangiting Sabi ni Eliza. Ilang oras ang lumipas ay dumating na rin make-up artist na mag-aayos sa kanya. “Drake, ano pala sasakyan natin papunta doon? Malayo tayo sa hotel kung saan gaganapin ang event hindi ba?” Nagtataka at ngayon lang naalala na tanong ni Eliza. “Hindi yan problema, ako ang bahala.” Ani nito sa kanya pagkatapos ay ipinagpatuloy na nito ang pag-aayos. “Wala pa ba si Eliza?” Usisa ni Madam Almonte nang madatnan niya si Drake na naghihintay sa ibaba ng hagdan. “Pababa na yun La.” Ani nito. Maya-maya pa ay napatingala sila nang marinig ang pagbaba sa hagdan ni Eliza. Awang pa ang labi ni Drake na mapansin kung gaano kaganda ang kanyang asawa. “I told you hindi ako nagkamali sa pagpili sa asawa mo. Bukod sa mabait na matalino at napakaganda.” nakangiting Sabi ng kanyang Lola. “Thank You Grandma.” sambit ni Drake at pagkatapos ay nilapitan si Eliza upang alalayan sa pagbaba. “Ang ganda ng misis ko.” may ngiti sa labing Sabi nito sa kanya. “Thank you.” Pagkatapos na purihin din siya ni Madam Almonte ay nagpaalam na rin sila sa kanilang Lola. Sa isang private plane sila sumakay at lumapag ito sa isang private property pagkatapos sumakay naman sila sa kotse wala pang 2o minutes nakarating na sila sa hotel. Isa-isang nagbabaan ang mga bisita patungo sa red carpet. “Sabay na tayo.” Ani ni Drake. “Ha? Pero–” “Let’s go hon.” Kinuha nito ang kanyang kamay at inalalayan na bumaba. Kaagad na napunta sa kanila ang mga camera at kanya-kanya itong kuha ng larawan. May mga nadidinig din silang bulungan at inaalam kung ano si Eliza sa buhay ng CEO. “Huwag Kang kabahan, nasa tabi mo ako.” Nakangiting Sabi ni Drake. Pagpasok nila sa hall ay marami na agad ang nakapansin sa kanila. Marami din ang nagkikislapang ilaw ng camerang nakatutok sa kanila. Kahit ang mga co-employee ni Eliza ay nagtataka at kanya-kanya silang bulungan dahil sa kanilang Nakita. Nahagip ng mga mata ni Eliza si Trace na nakaupo sa isang glass table na sumisimsim ng white wine habang nakatitig sa kanya. “Sa akin lang ang tingin wife.” paling ni Drake at hinawakan pa ang kanyang baba. “Drake! Congratulations. Lunching pa lang ng new series ng network mo mukhang papatok na ito. Kung nag-audition ba ako bilang lead actor papasa ba ako?” Pagbibiro ni Brandon sa kanya nang salubongin siya nito kasama pa ang dalawa niyang kaibigan na si Westly at Thirdy. “Ang ganda naman ng asawa mo.” Ani naman ni Thirdy habang nakatingin Kay Eliza. “Back off, huwag mo siyang titigan ng ganyan.” Kunot ang noo na Sabi ni Drake. “Hindi lang ako ang nakatingin sa asawa mo pati na rin si Trace.” bulong naman ni Westley. Kaya napunta ang mata ni Drake sa kabilang table kung nasaan si Trace na hindi inaalis ang tingin Kay Eliza at tinakasan niya ito ng kilay. “Drake…congratulations!” Nabaling ang tingin nilang lahat nang lumapit si Nadia sa kanila. Napatingin si Drake Kay Westly. “What's the meaning of this?” mahinang tanong ni Drake. “Gustong sumama eh, Wala naman daw siyang gagawin.” Ani Ni Westly. Mabilis na bumitaw si Eliza sa kanyang braso nang tuluyan na makalapit si Nadia. “Hi! Eliza, ang ganda mo naman.” Puri nito sa kanya. “Ikaw din.” Nakangiting Sabi ni Eliza sa kanya. Nakasuot kasi ito ng puting long dress at bagay na bagay sa kanyang body type. Nakipagbeso-beso pa ito sa kanya. “Nakita ko yung trailer ng series. Lalo na yung Kay Trace at Katrina. Maganda ang plot at storyline bagay din sa kanila yung role.” Puri ni Nadia. Pangarap ni Nadia ang maging director sa movie kaya may criticism na agad ito sa series na ilalabas ng network. “Can I talk to you?” ani ni Drake Kay Nadia na hindi inasahan ni Eliza. “Me? Sure.” nakangiting Sabi nito. Bumaling si Drake Kay Eliza. “Wait for me, huwag kang aalis dito.” Wika ni Drake sa kanya at bumaling sa mga kaibigan. “Kayo muna ang bahala sa kanya.” Bilin nito at kaagad na umalis. “Nagulat ako na magkasama kayo, mukhang hindi na kayo tuluyang maghihiwalay.” Ani ni Westly sa kanya. “Siguro.” Tipid na ngiting sagot ni Eliza habang nakasunod ang mga mata sa papalayong asawa at ni Nadia. “Don't worry, baka tapusin na nang tuluyan ni Drake ang relasyon nila ng pinsan ko.” Ani nito sa kanya. Nalulungkot siya para kay Nadia. Nararamdaman niya kasing mahal na mahal talaga ito ni Drake kaya lang siya na ang mahal nito. Mas mainam nga siguro ng ngayon na tapusin ni Drake ang tungkol sa kanilang dalawa ni Nadia. Napatingin si Thirdy sa phone niya at pinakita naman nito Kay Westly. Sabay na tumingin ang dalawa Kay Eliza. Pati ang ibang tao ay nakatingin na rin sa kanila. “Bakit?” Kinakabahan na tanong ni Eliza sa kanila. “May nagleak ng wedding photos niyo ni Drake Tinabi pa nila sa stolen shots niyo sa Batangas ni Trace. Tinignan ni Eliza ang post mula sa isang sikat na online journalist at may caption pa itong. “ASAWA NI DRAKE ALMONTE, KABET NI TRACE BARCENAS.” “Eliza, mabuti pang umuwi ka muna. Mukhang pagpi-fiestahan ka dito.” wika ni Brandon Kay Eliza. “Pupuntahan ko lang si Drake.” Ani naman ni Westly na agad umalis. “Ms. Eliza? Totoo ba ang tungkol sa viral post?” Ani ng mga katrabaho niya sa opisina. “May katotohan bang Ikaw nga ang asawa ni Drake Almonte? Kabit mo nga ba si Trace?” tanong pa ng isang reporter. Kanya-kanya pang bulungan ang mga ito. Pati ang mga ibang paparazzi ay naglapitan na din hangang sa dumami na ang mga taong gustong makuha ang kanyang panig. “Tama na.” “Itigil niyo na ang pagtatanong.” Pigil ng dalawang kaibigan ni Drake. Nakaramdam ng pangmamaliit si Eliza dahil sa mga mata at mga salitang binabato laban sa kanya. “Kaya ba na-aksidente si Mr. Almonte? Dahil sinundan ka niya sa Batangas? Sagutin mo kami Ms. Eliza!” Ani pa nang isang paparazzi na pakiramdam niya ay Wala na sa lugar magtanong. Umatras si Eliza at akmang aalis ngunit hinarang siya ni Trace. “Ilalayo muna kita dito.” Ani nito sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay. “Pero Trace–” “Ms. Eliza!” “Eliza!” Tawag sa kanya ng dalawang kaibigan ni Drake nang tangayin si Eliza ni Trace palabas ng hotel. “Brandon ako na ang bahala dito puntahan mo si Drake magmadali ka!” bulalas ni Thirdy na abala sa pagharang sa mga gustong humabol Kay Eliza at Trace. “Drake!!!” salubong ni Brandon sa kaibigan na pabalik na sana sa event. “Anong nangyari?” “Your wife! Tinangay siya ni Trace!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD