PART 12

1617 Words
“Drake ilang oras na lamang ikakasal na tayong dalawa. Excited ka na rin ba? Ito na siguro ang pinaka-masayang araw ko. Ang tuparin mo ang pangako mo sa akin noon.” Nangingilid ang luhang sambit ni Nadia habang nakayakap sa leeg ni Drake. Ngunit hindi man lang siya nito tinatapunan ng tingin. “Drake, alam kong labag sa loob mo ang pagpapakasal natin. Pero diba minahal mo rin naman ako bago pa kayo magkakilala ni Eliza? Isang taon? Dalawa? Kahit ilang taon pa handa akong maghintay.” dagdag pa nito. Bumaling sa kanya si Drake. “Ni minsan hindi ko inakalang darating ang araw na ito Nadia, kung sino pa yung mukhang anghel siya pa ang kayang gumawa ng kasamaan makuha lang ang gusto niya.” “Pagmamahal mo lang naman talaga ang kailangan ko Drake. Wala naman akong paki-alam sa pera mo…Ikaw lang naman ang gusto ko at wala nang iba. Ikaw Ang naging dahilan kaya nagkaroon ako ng pag-asang mabuhay ulit at ngumiti. Hindi mo lang alam kung gaano kita kamahal na handa kong talikuran ang nangyari sa aming pamilya para sayo. I'm willing to give up everything for you. Pero hindi ko kayang ibigay ang kaligayahan mo dahil magiging kapalit noon ay kalungkutan ko Drake. Sana maunawaan mo din ako…sana bigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka. Pangako magiging mabuting asawa at Ina ako sa mga magiging anak natin.” nagbagsakan ang pinipigilan niyang luha at pinahid ito ni Drake. “Nadia, kung tatanungin mo ako ngayon. I still want to save you. May oras ka pa para ipatigil ang kasal na ito. Para na lamang sa pinagsamahan natin. Please…I’m begging you…stop this now…” Bumitaw si Nadia sa kanya at tinalikuran siya nito. “Halos Isang buwan mo nang hindi nakikita si Eliza, umaasa ka pa rin ba na magkakabalikan kayo? Hindi na yun mangyayari Drake. Sa mga nakalipas na araw updated siya sa lahat ng nangyari sa pagitan natin. Alam na rin niyang sa iisang bahay tayo nakatira. Kahit ang mga intimate mome–” “Walang nangyari sa atin Nadia. At kahit pa isipin ni Eliza na may nangyari sa ating dalawa sa akin parin siya maniniwala.” “Ganun ba talaga kalaki ang tiwala niya sayo? Babae din ako, at masasaktan pa rin ako kapag Nakita kong may ibang kalambingan ang asawa ko. Baka nga iniisip noon ngayon tuluyan mo na siyang kinalimutan–” “Nakalimutan mo na ba? Handa siyang magparaya para sayo Nadia sa pag-aalalang Ikaw pa rin ang mahal ko. Yun ang isang bagay na hindi mo kayang gawin dahil selfish ka–” “Enough! Wala akong paki-alam kung ano ang tingin mo sa akin. Isa lang ang gusto ko ang maging asawa mo Drake! Sa ayaw at gusto mo!” Singhal ni Nadia sa kanya. Pagkatapos ay tinalikuran na siya nito. Dinukot ni Drake ang bulsa niya upang tumawag. “Grandma, kahit na ano pa ang mangyari…huwag na huwag Kang aalis sa safe house. Kahit na ano pa ang mabalitaan mo tungkol sa akin diyan lang kayo…naintindihan niyo?” mahinang bulong at paalala ni Drake sa kanyang Lola. “Apo, mag-iingat ka…Iligtas mo ang asawa mo. Iligtas mo si Eliza…” “Trust me Grandma.” seryosong Sabi ni Drake sa kanya bago niya patayin ang tawag. Dumating ang oras ng kasal nilang dalawa. Nauna na sa hotel si Nadia upang mag-aayos dahil malapit lang ito sa simbahan. Habang siya naman ay napapaligiran ng mga men in uniform sa labas ng condo na parang VIP kung bantayan masiguro lang na hindi siya tatakbo sa kasal. “Westley, handa na ba Ang double ko?” Ani ni Drake nang tawagan niya ito. “Oo, nasa loob na siya ng building, Ang angas nga eh, hawig na hawig mo siya. Para kayong pinagbiyak na anidoro. Maganda ang make up at prosthetic na nilagay sa kanya.” paliwanag ni Westley nasa ika-siyam na palapag lang sila ng kadouble ni Drake at anumang oras ay bababa ito upang sumakay sa bridal car. “Yung mga tauhan na sasama sa convoy? Napalitan mo na ba?” paniniguro ni Drake. “Of course, ako pa ba?” Go signal mo na lamang ang hinihintay namin. Kapag nakasakay na Ang fake groom sa car ay susunod na ang mga security nito. Saka tayo tatakas sa likuran ng building kaya maghanda ka na Drake at isuot mo ang bullet proof mo incase–” “Alam ko, ilang linggo nating pinlano ito. Kaya hindi Tayo puwedeng mabigo.” Paniniguro ni Drake sa kanya. “Yes, Boss!” Ani ni Westley sa kanya. “Salamat sa lahat ng natulong mo, gaya ng pangako ko sa'yo. Hindi ko ga2lawin si Nadia, hayaan kong batas ang magparusa sa kanya. Pero si Eliazar! Tatapusin ko siya!” nagtatangis ang bagang sambit ni Drake. “I understand, Drake. Kahit ako pa ang nasa posisyon mo yun din ang gagawin ko para sa babaeng mahal ko. Kahit step brother pa siya ni Nadia hindi ko siya papatawarin.” pagsang-ayon ni Westley sa kanya. Two weeks ago nang malaman nila ang tungkol sa katauhan ni Eliazar Mondragon, Anak ito sa unang asawa ng papa ni Nadia, Hindi alam ng publiko ang tungkol sa kanya dahil itinago siya ng kanyang Ina sa ibang bansa. Pero nang mamatay ang Ina nito sa sakit sa puso ay kinilala ito ng papa ni Nadia bilang tunay na anak at pinag-aral pa rin sa ibang bansa gamit ang ibang apilyido. Kaya walang nakakaalam tungkol sa kanya dahil iniwasan nilang ma-exposed ito sa media. Kaya siya ang naging kasabwat ni Nadia na pabagsakin si Drake sa pamamagitan ni Eliza. Tuloy na rin nila ang kinaroroonan nito kaya ano mang oras ay maliligtas na niya ito. “Eliza…antayin mo ako mahal ko…magkikita na rin tayo.” sambit ni Drake habang tinitignan ang picture ni Eliza na nakatali sa ibabaw ng kama at walang kagalos-galos dahil yun ang kundisyon na hiningi niya Kay Nadia. “Ang ganda mo naman, sayang lang at wala ako diyan sa kasal mo.” Ani ni Eliazar nang maka-video call si Nadia habang lulan ng bridal car patungong simbahan. “Kuya, sana Ikaw na lang ang naghatid sa akin sa altar. Nakakalungkot lang kasi mag-isa akong lalakad.” emosyonal na Sabi ni Nadia sa kapatid. “Okay lang yan, kahit naman Wala ako personally Mararamdaman mo pa rin ang presensiya ko.” “Ramdam na ramdam ko nga. Dami mo ba naman pinakalat na tauhan sa loob at labas ng simbahan ay.” Litanya nito. “Naniniguro lang ang Kuya mo. Mahirap na baka mag-run away groom ang fiance mo.” natatawang sabi nito. “Hindi niya gagawin yun, alam niya ang mangyayari Kay Eliza kapag tinakbuhan niya ako.” Siguradong sagot ni Nadia. “Sige na tatawagan ko pa si Drake.” Paalam sa kapatid. “Sige, best wishes!” “Salamat Kuya.” Pagkatapos ay tinawagan naman niya si Drake. “Nasaan ka na? Papunta na kami sa church.” Ani ni Nadia sa kanya. “Papunta na.” walang emosyon na sagot ni Drake. “Okay, see you later. I love you…” nakangiting Sabi ni Nadia sa kanya. Pagkatapos ay hindi na niya sinagot ito kaya napabuntong hininga si Nadia bago patayin ang tawag. Samantala, naghanda na si Drake sa pag-alis nila. Lumabas siya sa pinto at bumungad sa kanya ang dalawang security na naghihintay sa kanya sa labas. “Pagtulungan niyong bitbitin ang malaking TV na regalo ko para kay Nadia. Mahilig kasi manuod yun ng kdrama kaya paniguradong magugustuhan niya yun.” Utos ni Drake sa dalawa. “Sorry Sir, pero malinaw ang utos sa aming dalawa na ikaw lang ang dadalhin namin pababa. Ipapasunod na lamang namin yun sa mga bodyguards.” katwiran nito. “Why? Hindi niyo naman siguro iniisip na tatakasan ko kayo ano? Hindi ko gagawin yun kaya kunin niyo na bago pa um!nit Ang ulo ko.” banta ni Drake sa kanila. “Sorry–” Isang suntok lang bumulagta ang lalaking sumagot sa kanya. Tinutukan siya ng Isa pang lalaki ng bar!l sa ul000. “Sir! Nanlalaban si Mr. Almonte!” kausap ng lalaki na may hawak na earpiece. “Ako na ang bahala, bumaba ka na.” “Sir? Pero?” “Ngayon na!” Singhal ng kausap sa lalaki at kaagad na siyang tinalikuran. Ilang sandali pa ay tangan na ng mga security na tauhan ni Westley ang fake groom at sumakay na ito sa kotse papuntang simbahan. Hindi na nag-aksaya ng oras si Drake at Westley dumaan sila sa likod at sumakay ng big bike patungo sa private airport kung saan naman sila sasakay ng helicopter patungo sa kinaroroonan ni Eliza. “Andyan na groom!!! Humanda na ang mga kasama sa entourage!!!” Ani ng wedding organizer. Nagsimulang magpasukan ang mga tao sa loob. Nagkikislapan ang maraming media na mag-co-cover ng kasal nilang dalawa. “Ms. Nadia. Nasa loob na daw po ang groom at nagsimula na rin ang entourage kaya bumaba na po kayo.” Nakangiting Sabi ng wedding organizer nila. Tinulungan pa siyang bitbitin ang kanyang traje de boda na mermaid design. Dala ang isang bouquet na red roses at may ngiti sa labi ng tumayo sa likuran ng malaking pinto at magkahalong emosyon ang kanyang nararamdaman. Hangang sa unti-unting bumukas ang pinto. Paghanga ang nakikita niya sa mga mata ng taong dinadaanan niya at hindi niya mapigilan ang maging emosyonal dahil sa wakas natupad na Ang kanyang pangarap para sa kanyang sarili. Ang makasama si Drake– Nabura ang ngiti sa labi ni Nadia nang matitigan niya ang mukha ng lalaking nakatayo sa harapan ng altar. “N-no…hindi…imposible…hindi siya si Drake!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD