- Emiliana - "Yehey! Magkakasama na ulit tayo sa iisang floor! Babalik na ulit ako as your assistant secretary!" masayang sambit ni Primrose. Tumalon-talon pa siya at niyugyog ako. Bakas na bakas sa kanya ang tuwa kanina pa pagkakita sa akin. Para siyang bata na inalayan ng candy. Halos umikot naman ang mata ko sa kinilos niya. Ayokong ipahalata na pati ako ay natutuwa sa nangyayari kahit nagtataka na talaga ako. Halos hindi na nga ako makatulog kakaisip. "Anong assistant secretary ka riyan? Papalipat nga ako diba?" Nawala ang ngiti sa kanya at napapapadyak kaya kinurot ko siya sa tagiliran para magtigil. Pinagtitinginan pa kami! Naglalakad na kami ngayon papuntang canteen dahil inaya niya ako bigla kumain. Kakarating ko lang kaya! "Aray naman! Masama ba maging masaya? At saka hindi

