Emiliana's POV Sa ilang araw na nagdaan ay walang bumanggit na member ng Oblivion about sa nangyari sa pag-upload ni Creed ng picture naming dalawa sa i********: niya. Hindi na rin nila nagawang magtanong ng kahit ano. Nakakapagtaka dahil parang walang nangyari. "Okay ka lang ba?" Ocean asked habang nag-aayos kami ng tables sa hall ng Avantenso. May mga staff naman na nag-aayos pero tumulong na rin kami para madaling matapos. It will be just a simple early dinner para sa mga employee. "Oo naman, why?" Nakangiti kong tanong. Napansin ko naman na napatingin sa amin sila Tobias, August at Primrose na naglalapag ng flowers sa mga mesa. "Wala naman. Napansin ko kasi na tahimik ka, may problema ka ba?" tanong pa niya. Naiiling akong ngumiti sa kanila. "Wala! Kayo talaga, kung ano-ano

