Halos umusok ang ilong ko sa narinig mula kay Creed. Humigpit ang hawak ko sa car key niya at tumingin sa kanya. "S-Seriously?" usal ko. Bumaba ang tingin ko sa suot ko at sumimangot ako. Mukha na ba akong driver ngayon? Nakita ko ang pag-ngisi niya. Hindi na niya ako sinagot at dali-daling sumakay sa passenger seat. Kumalma ka self, si Creed lang 'yan. Kung hindi ko siya susundin, hindi ko magagawa ang dapat kong gawin. Huminga ako ng malalim at umikot na sa kabila para makasakay sa driver's seat. Mabuti na lang talaga at marunong ako mag-drive mapa-manual or automatic man dahil na rin kay Keegan. I looked at Creed with smiling face. Pilit 'yon sa totoo lang pero kailangan ko magmukhang desidido sa harapan niya para mas pumayag siya. "Saan po tayo pupunta mahal na hari?" malambin

