- Emiliana- Mabilis akong napamulat ng mata sa munting ingay na narinig. Agad akong bumangon at napatingin sa orasan. Alas-sais pa lang ng umaga. Inaantok pa kaya ako! Muli kong ibinagsak ang katawan ko sa kama at umungol. Nakarinig pa ako ng pagkalansing ng kaldero. Mukhang napaaga ang pagpasok ni Keegan sa bahay ko ha? Natural na lang din sa aming dalawa ang ganito. He has my duplicate key, meron din ako ng sa kanya. Lalo na kapag lumalabas kaming dalawa at isa sa amin ay wasted na wasted na. Kung sino ang bagsak, doon kami magi-stay sa apartment no'n. Eh, sa aming dalawa ni Keegan, ako lagi ang makulit. Ang ending, siya ang tagabantay ko. Sa sala siya matutulog. Napatakip ako ng unan sa mukha dahil narinig ko ang pagkanta ni Keegan, though maganda naman ang boses niya. Isa rin 'yan

