Emiliana's POV "So what's your plan?" Napatingin ako kay Keegan nang magsalita siya. Tatlong araw na ang nakalilipas pero ngayon ko lang nagawang ikwento sa kanya ang mga nangyari. Keegan knows everything about me kaya siya na rin ang una kong pinagsasabihan ng mga kadramahan ko sa buhay. Nang lumayo ako kay Easton after Cianna died. Si Keegan na ang sunod kong naging kaibigan. Siya na rin ang nagtagal then si Primrose naman ang naging ka-close ko sa Avantenso. "Hindi ko alam," sagot ko sa kanya. Natawa naman siya. "You don't know but you're avoiding him for days, Lia. Primrose told me that you're acting cold in the office." Napairap naman ako sa narinig. "Tsismosa talaga ang babaeng 'yon. Hindi ko naman iniiwasan. Ganoon naman dapat tratuhin ang boss diba? Alangan naman maging

