- Emiliana - "Umiyak siya?" "Yeah." "Marami ba talagang sinabi sa kanya na masasakit?" "I think so." "Parang hindi ako makapaniwala. Si Emiliana ba talaga 'yan? Nasanay akong palaban at 'di sumusuko 'yan." "Yes, sadyang naubos lang pasensya nito." "Hindi mo na siya napilit pumasok?" "Hindi na. Wala na ako sa lugar para makielam sa kanila." "Grabe, hindi mo man ba lang dinamayan 'yang kaibigan mo?" "I already did, Primrose. She cried in me for the whole night and I can even say na napuno na talaga 'tong babae na 'to. Kung andoon lang ako..." Naipatong ko ang kamay ko sa tuhod ni Keegan at mahina siyang kinurot para senyales na huwag na niyang ituloy ang sasabihin niya— na ginawa naman niya. Narinig ko ang mahinang pagdaing niya. Nakapikit ang mata kong dinama ang tusok

