- Emiliana - Dumaan ang mga araw at linggo, ganoon pa rin ang trato sa akin ni Creed. Mas tumindi nga lang. Dumadalas na nga rin ang pagtaas at pagsigaw niya ng boses kapag may ginagawa akong ayaw niya, ayaw ng paningin niya. Kahit pagngiti ko, sinusuway. I'm always greeting him every morning pero ang lagi niyang ibinabalik ay 'Did I told you to always greet me?' Edi hiyang-hiya ako pero hindi ako nagpapatinag sa kanya. Gusto ko maayos at maganda ang umaga ko. At saka boss ko siya, kailangan maging magalang ako kahit na gaspang na gaspang na ako sa ugali niya. Kulang na nga lang magdala ako ng liha at lihain ko ang kanyang balat dahil sa gaspang at gigil. Miss na miss ko na nga rin si Primrose. Pasimple siyang umaakyat dito sa taas pero nahuhuli kami ni Creed dahil may CCTV sa loob at

