"Kung susundan mo siya, dapat malaman natin kung saan siya nagpupunta!" suhestyon ni Primrose. Andito kami ngayon sa may cafeteria at kumakain na ng lunch. Sinabihan ko kasi si Tatay kagabi na bigyan niya ako ng info sa kung nasaan si Creed para mapilit ko siya na huwag akong palitan. "Kaya nga eh, baka kasi mamaya naghahanap na 'yon ng magiging secretary niya and then he'll just come back here with his chosen one." May diin na itinusok ko ang tinidor sa fish fillet at kinain ko 'yon. Primrose chuckled. "Looks like I'm watching a survival show. Hindi pa nga nagsisimula pero natutuwa na ako," aniya. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Nakakatuwa ba 'yon? Nakita mo naman kung gaano kainit ang ulo sa akin nung lalaking 'yon. Sa 'yo ba hindi siya ganoon?" tanong ko rito. Nailing naman

