Emiliana's POV "Can you come with me?" Napatigil ako sa pagwawalis nang marinig ang boses ni Keegan. Napalingon ako sa kanya at abala pa rin siya sa pag-aayos ng gamit niya sa pagta-tattoo. Dahil maaga naman kaming nakauwi galing sa trabaho ay dumiretso agad ako rito para tulungan siya. Katatapos lang ng last customer niya at naisipan niya na magsara na. "Saan ka pupunta?" tanong ko. "Mall. Birthday ni Daddy, ako ang inutusan ni Mommy na bumili ng regalo." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Iba talaga mommy mo. Gagawa talaga ng paraan. Batiin mo na kasi Daddy mo," natatawa kong sabi. He rolled his eyes. "Huwag mo akong kakausapin ha!" aniya. I just stick out my tounge and let him be pissed of because of what I said. Hanggang sa matapos at sa mag-dinner ay nakakunot ang noo n

