Ang Sigbin.

6375 Words
KABANATA 3 ANGELO Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ramdam ko ang pag sakit ang ulo ko, na para bang may hang over ako. Tumatama ang liwanag sa aking mukha na nag mumula sa nakabukas na bintana. Nang makapag adjust ang mata ko sa liwanag, ay iginala ko ang aking paningin sa paligid. Napansin kong, hindi ito ang kwarto ko. "Hello!" Tinig ko subalit parang dighay lang yun na lumabas sa bibig ko, animo'y may nakabara rito. Napaka hina nun at nananakit rin ang lalamunan ko. Nakakaramdam din ako ng pag ka uhaw. Nasaan ako? Teka ano bang nangyari? Anong ginagawa ko rito. Paano akong napunta rito? Pumikit muli ako upang alalahanin kung bakit ako naririto sa silid na ito. At kaninong bang silid ito? Unti unting bumalik sa akin ang mga alala. Lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko ng may mapag tanto ako. Ang malaking lobo, ang pula nitong mga mata na parang naka shabu at ang tangka nitong pag kaen sa akin. Puta! Ang sugat na ibinigay sa akin nito. Agad kong kinapa ang dibdib ko ng maalala ko na kinalmot iyon ng mabangis na lobo. May mga tapal iyon ng dahon. Maraming dahon. Actually, Buong katawan ko pala puro dahon. Chopseuy ka boy? Napabalikwas tuloy ako para umupo dahilan para mag kandahulog hulog ang mga tinapal na dahon sa buong mukha at katawan ko. Napasigaw na lamang ako ng makita ko na may mga uod na kasama iyon. "Aaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh!!!!!! Putang ina!" Sigaw ko at diring diri na parang kiti kiti na nag sayaw. Matanggal lamang ang lahat ng dahon sa katawan ko. Takot talaga ako sa mga insekto lalo na sa mga uod. Putang ina talaga. Sino bang gago ang nag lagay non sa katawan ko, Putang ina! Mayamaya ay may pumasok na isang batang lalaki na may puting buhok. Hanggang bewang ko lamang ang taas nito. May dala dala itong malaking palayok o sisidlad. Hirap na hirap pa nga itong mag lakad dahil sa bitbit nito. "Abaw! Bakit ba ang ingay mo, iho ah. Natutuliling ang tenga ko sa boses mo. Tang ina ka! Humiga ka ngang bata ka at kagagaling mo lang, buwakanang ina to! Hirap na hirap akong pagalingin ka, tapos mag sasayaw ka dyan." Sabi nito sa akin na galit na galit habang nilalapag nito sa may lamesa ang bitbit nito. "May uod kasi, saka bakit nakasigaw ka? Mas matanda pa ako sa'yong bulinggit ka" Naguguluhan kong tanong at sagot rito. "Tangina mo, ikaw ang bastos! Wala kang ideya kung ilang taon na ako, kaya manahimik ka. t***d pa lang sa bayag si Enrile ng tatay nya, ay senior citizen na ako. Kaya umupo ka ng kingina ka rito, bago ko pa maihampas sa'yo tong palayok na dala ko" sagot ng bata na hindi ko pa rin maunawaan. Sumunod naman ako rito. Subalit maingat pa rin akong umupo palayo sa mga uod na ngayon ay nag kalat na sa kung saan saan. Tumatayo ang balahibo ko sa mga iyon. Gago talaga. Kadire! "Hidiputa ka, hindi mo man lang naisip kung nasaan ka pag kagising mo? Uod talaga muna ang inalam mong king ina ka! Gamunggo ba yang utak mo?" Komento pa rin nito. Kanina pa ako minumura nitong batang ito. Hindi portket kulay puti lamang ang buhok nito ay mag aasta na itong matanda sa akin. Ang sarap sapakin ng gago. Bata lang talaga, eh. "Bakit ka ba nag mumura? Kung pingutin ko ang tenga mo, ha?" Pananakot ko rito. "Bakit hindi mo subukan, lintek kang bata ka. Bastos ka!. Wala ka na ngang galang sa matanda, ngayon naman mananakit ka pang NaDIMUNYU ka!" Asik na sagot din nito sa akin. Ano bang pinag sasabi ng batang ito? Nalilito na ako.? Lumapit ito sa akin, at may kung anong hinahanap sa katawan ko. Buong katawan ko ang chineck nito. Pinisil pisil pa nito ang dibdib ko. Nang makuntento ito ay napangiti na lamang ito. "Ano bang nangyari? Teka nasaan ba ako? Anong lugar ito? At sino ka ba?" Sunod sunod na tanong ko rito. "Isang tanong lang ang kaya kong ihandle sa isang araw. So alin dun ang gusto mong sagutin ko?wag kang gahaman, ulol." Tanong nito sa akin. Pinalagpas ko na lang ang pag mumura nito. "Anong nangyari sa akin?" Tanong ko rito. "Ah, magandang tanong yan. Inatake ka ng mabangis na pagala galang hayop" sagot sa akin nito. "Whaaaaat? Anong hayop yun?" Tanong ko muli rito. "Isang tanong lang, diba? Bukas ka na ulit mag tanong. Na check na rin naman na kita at okay ka na, magaling ka ng tukmol ka!. Kaya lumayas ka na sa harapan ko bago pa kita gawing kulisap sa asar ko sa'yo. Hala! Layas." Pag tataboy nito sa akin matapos ihagis sa mukha ko ang isang puting T-shirt at cotton short. Hindi na ako nakapag react o nakapag tanong man lang kung Bakit ako narito sa lugar na ito? Kung ano ang ginagawa ko rito at putang ina bakit ako naka brief lang sa loob ng working place nito. Seriously? Nananaginip ba ako.? At bakit feeling ko nasa isang veterinary clinic ako. Sinuot ko na lamang ang ibinigay nito sa aking damit at nag madaling lumabas. Subalit ng papalabas na ako sa pintuan ay bigla ako nitong tinawag. Napalingon tuloy muli ako rito. "Dalhin mo iyang maliit na supot na yang nasa lamesa." Sabi nito sa akin. Napatingin naman ako sa lamesa na may laman na hindi ko malaman. Dinampot ko iyon at binuksan. Buhanging pino ang laman nito, na kakulay ng buhangin sa Boracay. "Ano to? Teka, Buhangin ba to?. Ano naman ang gagawin ko rito?" Tanong ko rito na naguguluhan. "Ilagay mo sa sinigang, nyeta ka!" Sagot nito. "Ha? Ano?" Tanong ko rito, hindi ko kasi naunawaan ang unang sinabi nito. "Hindi yan basta basta o isang ordinaryong buhangin lang, ulol. Dolomite sand yan. Milyon ang halaga nyan. Dalhin mo yan at makakabuti yan sa mental health mo." Sabi nito habang may kinakalikot sa sisidlan na dala dala nito kanina. "Paanong makakabuti sa mental health ko ito, Puta?Hindi ko ma gets?" Tanong ko rito. "Hindi ko rin alam, inaalam ko pa. Wag mo rin ako tanungin. Basta dalhin mo na lang yan. At tatawagan ko pa yung kontak ko sa Manila bay. Lumayas ka na!" Sigaw pa rin nito habang pinapaalis ako. Dinampot ko na lang para matapos na lang. Mukha tuloy ako kumuha ng ayuda ni Mayor sa dala kong supot na ito. Lakas maka relief goods. Pag bukas ko ng pintuan ay may isang babae na super ganda na kamukha ng artistang si Liza Seguerra, ang babaeng nag pabagsak sa zonverge dahil sa powerful tweet nyang, "I am an unhappy customer". Napaka colourful ng kasuotan nito at mukha itong diwata sa itsura nito. "I hope na maging maganda ang gising mo, dahil punyeta! Ako hindi. Walang internet pisti!" sabi nito bago ito may hinipan sa mukha ko na parang harina at nakaramdam na lamang ako ng pag kahilo. Ramdam kong bumagsak pa sa paa nito ang supot ng buhangin na bitbit ko. Nag mura pa ito dahil sa natamaan nitong ingrown sa kuko bago ako tuluyan nawalan ng ulirat. ---------- Bumalikwas ako ng bangon bigla, na naging dahilan para mahulog ako sa kama. Aray ko! Putang ina. Mabuti na lamang at hindi tumama ang ulo ko sa pag bagsak ko. Inilibot ko muli ang paningin ko sa loob ng silid. Nasa sarili kong silid na ako. Thank god! Hayop! Nananaginip ba ako kanina? Takte yan, parang totoo. Agad kong. Tinignan ang buo kong katawan at wala ngang sugat roon o dahon o uod pa. Puta panaginip nga lang. Tumayo na ako at dahan dahan nag lakad papasok sa banyo. Hinubad ang lahat ng saplot ko at tumapat na lang sa shower. Ililigo ko na lang itong weird na nangyayari sa akin. Ilang araw na itong puro ganito ako. May mapapanaginipan na sobrang weird at magigising na lamang na babakliwas at malalaglag sa kama. Nang matapos ako ay tinignan ko ang rekpleksyon ko sa harap ng salamin. Ang gwapo ko talaga. Teka? Doon ko lamang napansin na may suot suot akong kwintas? What the f**k? Bakit ako may kwintas? Hinubad ko iyon at pinag masdan ng mabuti ang pendant nun. May nakaukit roon na phases ng buwan, na nakapalibot sa isang mukhang lobo sa pinaka gitna. Para akong nahalina sa ganda ng pag kakaukit at likha rito. Weird. But I actually like it. Hindi ako mahilig sa mga ganitong cheap na kwintas pero may natural na ganda ito na gustong gusto ko. Kailan ko naman ito sinuot? At kanino ito galing? Well, mukha naman maganda sya sa akin kaya isinuot ko na lamang muli. Lumabas na ako at nag bihis ng damit. Mayamaya lang ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Si Dean ang tumatawag. Agad ko iyong sinagot. "Where have you been, dickhead! Naka ilang tawag at text na kami sa'yo pero hindi mo sinasagot. Nakukulitan na ako sa girlfriend mong kanina ka pa sa amin hinahanap. Isa pang tawag nun, papasabugin ko na ang ang bahay nun. Bakit ba kasi hindi ka pumasok, pakyu ka!" Sigaw at Mahabang lintaya nito sa akin. Fuck! Si Francine! "I don't know, man! Masama lang ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakapasok at mag hapon lang akong tulog" sagot ko na lamang rito. Yun naman ang totoo. Hindi ko rin naman talaga alam ang nangyayari. Basta tulog lang ako. Alangan naman sabihin ko rito ang mga weird na napapanaginipan ko? Pag tawanan pa ako nito. "May sakit ka ba? Nakainom ka na ba ng gamot?" Nag bago agad ang timbre ng boses nito. From galit to pag alala real quick. "Ayos lang ako. Tawagan na lang kita mamaya, Dean. Tawagan ko lang si Francine at mukhang nag aalala na iyon" sabi ko rito at pinatay ko na ang tawag. Agad kong tinawagan ang numero ni Francine. Sumagot naman ito kaagad. "Hey, Babe. I'm sorry hindi kita na tawagan agad. Medyo masama lang ang pakiramdam ko, kaya natulog lang ako mag hapon. Kaya hindi rin ako nakapasok" sabi ko rito. Hindi ito agad nag salita. Naririnig ko lamang ang hininga nito sa kabilang linya. "Babe?? Hello? Francine!??"tawag ko sa pangalan nito. "Yes, naririnig ko Babe. Okay lang. Atleast alam ko na okay ka naman. Next time sabihan mo lang ako at itext para naman hindi ako nag aalala.." sagot nito sa akin. Pansin kong hinihingal ito. At malalalim ang pag hinga nito. "Babe, okay ka lang? Bakit kinakapos ka ng hininga?" Tanong ko rito ng di ko na matiis. "I'm okay, Babe. Medyo inaantok lang ako. Usap na lang tayo bukas sa school, okay. I love you Babe. Mwah" mabilis na sabi nito sa akin. "Wait Babe, may itata--" naputol na sasabihin ko ng ibaba nito ang tawag. I guess, galit nga sya. Anyway, bawe na lamang ako sa kanya bukas sa school. Mag lalaro na lang ako sa computer ng online games. Initsa ko na lamang ang phone ko sa kama at umupo na sa state of the art, gaming station ko sa kwarto. Mayat maya pa rin pumapasok sa isip ko ang mga napanaginipan ko. Palagi rin nalitaw ang imahe ng lalaking iyon. Kahit anong concentrate ko sa laro ay natatalo ako. Cancer pa ang mga ka team ko sa laro, puta yan. -------- "Dude, seriously? Mukha kang sabog. Natulog ka ba?,"tanong sa akin ni Dean. "Hindi kasi ako makatulog kagabi, tangna. Ewan ko ba. Ginawa ko na lahat para makatulog. Nag pa timpla na akong ng isang litro ng mainit na gatas at nag bilang na rin ng puting tupa pero umabot na ako ng isang libo, hindi pa rin ako inantok" Reklamo ko sa mga ito. Narito kami ngayon sa cafeteria ng school. Lunch break namin at sabay sabay na kaming kumain dahil pare parehas naman ang oras ng break namin. "Baka kulang ka lang sa jakol?" Sagot ni Miguel sa amin. Dinampot ko tuloy ang tisyu at ibinato sa mukha nito. Nasalo lang nito iyon ng walang kahirap hirap. "Hindi yan, mag jajakol pre. Sagana sa kantot yan kaya pinapagawa sa iba" komento naman ni Dean rito na natatawa. Isinawalang bahala ko na lamang ang bastos na komento nito. "So, Hindi ka aattend ng practice mamaya?" Tanong sa akin ni Nate. Hindi kasi ako umattend last time sa pa meeting ni Coach Morales. Ang dating ikaanim na miyembro ng the hunks sa asap sa channel 2. "Aattend. Di nasabon tayo ni Coach kapag lumiban ako sa practice. Eh, masyadong strict yun at uhaw na uhaw makuha ang championship ngayong taon. Saka nakainom naman na ako ng kape, at kapag nakapag warm up at pinag pawisan na ako, ay magiging okay na rin ako. Wag kayong mag alala" Sagot ko na lamang rito. "Gago, Hindi kami nag aalala. Tinatanong ka lang namin kung pupunta ka" sagot muli ni Dean. Sinamaan ko lamang ito ng tingin, tumawa lang ang hayop. "Good. Dahil ilang meeting rin ang di mo napuntahan. Saka I'm sure, magugulat ka sa bagong recruit" Sabi ni Nate na ikinangunot ng noo ko. "Bagong recruit? Hindi ko alam na kailangan pala natin ng mga bagong players ngayon?" Tanong ko rito. "Yun din ang alam ko. Mauna na ako at may meeting pa ako sa org . So paano kita kits na lang sa practice." Sabi ni Nate at iniwan na kaming tatlo. "Sino sino ang bagong recruit ni Coach?" Tanong ko kila Dean at Miguel. "Ang hirap iexplain eh. Pero isa lang ang masasabi ko, may makakalaban na tayo sa pagwapuhan at palakihan ng b***t, ay hindi ka pala kasali dun pare. Jutay ka diba?" sagot ni Dean sa akin. "Ulol! Hindi itsura ang tinatanong ko, at wala akong pakielam ron. Ang tanong ko kung sino sino?" Muling tanong ko rito. "Ah, hindi ko kilala eh. Nalimutan ko ang pangalan. Transferee lang silang dalawa rito. Ikaw ba kilala mo?" Tanong rin nito kay Miguel. "Swimming team ako, Bakit ko naman malalaman pangalan nun. Gago ka ba? Di ko pa nga rin nakikita yung sinasabi mo" sagot naman ni Miguel rito. Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sa mga ito. Kaya tumahimik na lamang ako at tinapos ang kinakain ko. Malalaman ko rin naman kung sino ang mga iyon mamaya. Ako na lang ang tutuklas, medyo hindi kasi maganda ang luto ko. Nang matapos akong kumain ay sabay sabay na rin kami umalis ng cafeteria patungo sa susunod naming subject. "And that's for today. Wag nyong kalimutan na kailangan nyong bumuo ng tatlong grupo para sa group assignment na ibinigay ko. Next week na iyon ah. Bye for now class." Paalam sa amin ni Mrs Tabangcura. Ang history prof namin. "Hey, Angelo may ka grupo ka na ba? Kulang kasi kami ng isa nitong si Vincent eh. Sa amin ka na lang makigrupo" Tanong sa akin ni Dennis. Classmate ko ang mga ito at miyembro ito ng taekwondo club sa school namin kaya malalaki rin talaga ang katawan ng mga ito. "Sure, sabihan nyo na lang ako kung anong araw natin gagawin yan. May number mo naman ako di ba?" Tanong ko rito. Umiling ito. "Wala, Bro. Masyado ka kasing famous kaya nahihiya akong kunin. Hahahaha" biro nito sa akin. "Gago. Sige akin na ang phone mo at ng ma save ko" sabi ko rito at ibinigay naman nito ang phone nya, na kaagad kong tinipa ang numero ko. "Text ka na lang namin, Bro kung kailan. Para malaman rin natin kung kailan tayo libre lahat. Yan na yung number ko, paki save na lang rin" sagot nito ng tumunog ang phone ko. "Sige, tol una na ako. May practice pa eh." Sabi ko rito at nag madali ng lumabas sa silid. Nag lalakad na ako sa may hallway ng school ng maka amoy ako ng di kanais nais na amoy. Masangsang ang amoy na ito, para bang patay na daga o tao na nabubulok, dahilan para mapa takip ako sa aking ilong. Tumingin pa ako sa paligid kung saan nanggagaling iyon. Kataka taka rin na ang mga estudyante na nasa salubong ko ay parang hindi naaamoy ang mabahong amoy na iyon. Nag tataka man sa nangyayari ay minabuti ko na lamang na umalis sa lugar na iyon at mag madaling mag lakad. Mabilis lang rin naman ako nakarating sa gym ng school. Diretso punta agad ako sa locker room ng makapag palit na ng damit. Papasok pa lamang ako sa loob mg makabungguan ko ang isang lalaki na ngayon ko lamang nakita. Talsik ako sa laki nito at tigas ng pangangatawan nito, dahilan para matumba ako. At tumama ang katawan ko sa may pahabang upuan. "Tangina naman!" Mura ko habang dahan dahan tumayo sa pag kakasalampak sa sahig. "Sorry, Hindi kita napansin" sagot lang ng baritonong boses na nasa harapan ko. Napatingin tuloy ako rito. Bakas sa mukha nito ang pag kairita sa akin. Tangina to. Ito na nga ang nakabangga sa akin, ito pa ang may ganang magalit. Uminit tuloy ang ulo ko sa inaasta nito. Hindi ba ako nito kilala. Akmang sasapakin ko ito ng biglang mahagip ng ilong ko ang amoy na naman na nakakapag laway sa akin. Tangina naman! May problema ba ako sa pang amoy ko? Kanina mabaho? Ngayon naman napaka bango ng nalalanghap ko. Nabitin tuloy sa ere yung kamao ko. Dahilan para ako sana ang masasapak nito kung hindi lamang dumating si Coach Morales. "Anong kaguluhan ito? Nag sasapakan ba kayo?" Tanong nito sa amin. Kasabay rin nun, ang pag pasok ng dalawang lalaki na nakita ko sa auditorium noong sorpresahin ko si Francine. Mas lalong lumakas ang bango na naamoy ko. At natitiyak ko na ngayon, na sa lalaking ito nga nang gagaling ang nakaka akit at nakakahalinang amoy na iyon. Nag papalit palit ang tingin nito sa akin at sa lalaking bumangga sa akin. Bakas sa mukha nito ang matinding pag pipigil ng galit. Habang ang kasama naman nito ay mahigpit itong hawak sa may balikat. Hindi ko alam pero parang pinipigilan pa nito ang lalaki na sumugod. Tangina. Anong problema naman ng isang to. Wala na ba akong katahimikan sa araw na ito. Seriously, ngayon pa talagang puyat ako at mabilis mag init ang ulo ko. Agad naman umalis ang lalaking bumangga sa akin na animo'y hangin sa sobrang bilis na nawala. "Robredo! Bumalik ka nga rito. Gagong yun. Hoy!" Tawag ni Coach rito. Pumito pa nga ito dahilan para takpan ko ang tenga ko. Hindi ko na lamang pinansin pa ang dalawang iyon at nag tungo na ako sa locker ko. Kinuha ko ang pang practice kong damit at walang kaabog abog na nag hubad ng damit sa harap ng locker ko. Nang mahubad ko ang uniform ko at pantalon ay nakarinig na lamang ako ng mahinang pag ingil o ungol. Animo'y isang lobo na nag pipigil mangagat ang narinig ko. Nag sitayuan tuloy ang balahibo ko sa batok, kaya naman napalingon ako sa likod ko. Kitang kita ko kung paano hawakan muli ng lalaki ang kasama nito sa mag kabilang braso para pigilan itong umatake. Ako ba ang balak nitong atakihin? Putangina. Ano bang isyu ng dalawang ito. Mag jowa ba ang mga ito? At teka baka parang nagiging kulay brown ang mata nung lalaking madalas nasa panaginip ko. "Dude, are you okay?" Tanong ko rito. Agad naman humarang ang lalaking pumipigil rito para matakpan ito sa paningin ko. "Yeah, I'm okay." Malalim at mababang boses na narinig ko mula rito. Nakaramdam ako ng pag kanginig sa boses nito. Tumatagos iyon sa buto ko at buong pag katao ko. Sobrang weird na talaga ang nangyayari sa akin. Ang lala masyado. Hindi ko na maintindihan. Kaya naman nag madali na lamang akong mag bihis at ipinasok na lang basta basta ang gamit ko sa locker ko. Iniwan ko na ang mga ito roon. Bahala ang mga ito sa mga isyu sa buhay at wala akong panahon. Tangina talaga. May mas lalala pa ba na mangyayari sa araw na ito. Please naman tama na. Pag pasok ko sa court ay bumungad sa akin si Nate at Dean na nag wawarm up na. Kasama nito ang iba pa naming team. Pasahan ng bola sa kabilang court. Takbuhan sa isang gilid. At isa isang pag shoot ng bola sa ring ang makikita sa loob ng court. Nilapitan ko ang dalawa kong kaibigan. "Nakita mo na si Derek?" Tanong agad sa akin ni Dean at ibinato ang bola sa akin. Nasalo ko naman iyon at ipinasa kay Nate. "Sinong Derek?" Tanong ko sa mga ito. Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam na bigkasin ang pangalang iyon Nag papasahan lang kami ng bola habang nag uusap. "Yun bagong recruit ni Coach. Nakita ko pumasok sila sa locker room kanina kaya tiyak akong nakita mo sila" sabi ni Dean muli sa akin. Yung dalawang weird na lalaki siguro ang tinutukoy nito kanina. Sino sa kanila si Derek? Yung lalaking panay ba pasok sa isip ko, yung lalaking nag paligo ata ng axe na pabango. Oo nakita ko nga, at oo, sya na ang gwapo putang ina nya. Kung sya nga yung Derek. Pero bakit parang sigurado ako na Derek nga ang pangalan nun. Putang ina weirdo na talaga ako. Tumango na lamang ako at hindi na nag komento. Mamaya madulas pa ako at masabi ko ang nasa isip ko. Pag hinalaan pa ako nito. At baka maasar pa. "So, anong komento mo gunggong. Di ba mas gwapo sayo hahaha" pang aasar pa ni Dean. Sasagot pa sana ako rito ng makarinig na ako ng pag pito na galing kay coach Morales. Agad kaming nag tipon tipon sa gitna at pumaikot rito. Napansin kong naroon na rin si Derek at ang lalaking kasama nito. Hindi ko na lamang ito tinignan baka kasi isipin pa nito na tinitignan ko sya o iniisip. Hindi nga ba, Angelo? Shut up! "Practice game tayo, gusto ko seryosohin nyo kahit laro lamang ito. Ayoko ng lalamya lamya rito. Para saan pang Growling Wolves ang pangalan ng team natin kung lalambot lambot tayo. Naiintindihan nyo ba!" Sigaw ni Coach. Hinati kami nito sa dalawang grupo. Mabuti na lamang ay kagrupo ko sila Dean at Nate kaya tiyak na ang panalo namin, kasama rin namin sa grupo si Ricci at Kobe. Habang ang makakalaban naman namin ay ang grupo ng bagong recruit na si Derek at ang palagi nitong kasama na Kyross pala ang pangalan. Tama talaga ako na, Derek ang pangalan nya. Kasama rin nito ang tatlo pang seniors namin na sina Ryan, Vhong at Jhong. "Bigyan nyo ako ng magandang laban, girls!!!" Sigaw ni Coach at hinagis na nito ang bola. Nakuha iyon ni Nate at agad na hinagis kay Dean. Tumakbo naman si Dean sa kabilang court ngunit mabilis naman itong nahabol ni Kyross. Ang bilis nitong naka takbo at naharangan agad si Dean. Samantalang si Dean na nga, ang pinaka mabilis sa amin pag dating sa takbuhan. Paanong nakatakbo agad ito at naabutan ang kaibigan ko. Matindi rin kung mag bantay si Kyross, dahilan kya hindi makalusot lusot si Dean kahit anong panlilinlang nito. Inagaw ko ang atensyon ni Dean at nakita naman ako nito ang ginawa ko. Akamang ihahagis na nito sa akin ang bola, ng mabilis na maagaw iyon ni Kyross. Mabilis rin nitong naipasa ang bola sa napakalayong si Derek. Sa lakas ng pag kakabato ni Kyross at sa layo na rin ng distansya nito ay kataka takang nasalo pa nito ang bola ng walang kahirap hirap. Pag kasalo ng bola ay konting dribble lang, at inihagis na nito ang bola para maka tres ito. At true enough, naipasok nito ang bola ng hindi tumatama sa ring. Gitnang gitna ito. Sa napakalayo pang distansya para mag three point shoot ito. Tangina! Chamba lang ba yun? Nganga kami sa nakita naming pag lalaro ng mga ito. Totoo bang nangyari yun? Nag apiran lang ang dalawang lalaki na parang wala lang at parang madalas na nilang ginagawa iyon. Habang kami ng mga ka team ko, ay di pa rin makamove on sa napaka bilis na pangyayari. Tang ina! "Magaling, Derek! Ano na girls, wag kayong mag patalo sa dalawang bago. Ang kukupal nyo naman. Nakakahiya kayo!" Rinig kong sigaw ni Coach na nag pabalik sa wisyo ko. Nag tinginan kami nila Dean at Nate. Bakas sa itsura ng mga kaibigan ko ang pag kainis. Mukhang di rin nila inaasahan ang ipinakitang bilis ng dalawa. Nag simula muli ang laban, at this time naging maingat na kami. Ramdam ko na rin ang pag seseryoso ng mga ka team ko. Alam nilang di biro ang lakas ng dalawa. Subalit mukhang nakahanap yata kami ng katapat. Dahil ang mga sunod na mga eksena sa laro, ay parang naging bata kami sa ginagawa nila sa amin. Hindi namin inaasahan na pang pro na mag laro ang mga ito. Panay pa ang rebound ni Kyross, sa tuwing makaka mintis ako ng tira. Sa tangkad ni Nate ay hindi ito makalaban. Banas na banas na ako sa nangyayari sa amin. Nadidistract kasi ako sa Derek na ito. Panay ang tingin sa akin, nakakalalaki na si gago. Maging si Dean ay hindi makalusot lusot sa napaka higpit mag bantay ni Kyross. Dinaig pa nito ang tatlo katao sa pag babantay. Kahit si Ricci at Kobe ay hindi maka lusot rito. Parang ito na nga lang at si Derek ang kalaban namin sa court. Saling pusa na lang sila Ryan, Jhong at Vhong. Sa tuwing ipapasa ni Kyross ang bola kay Derek at titira ito, palagi iyong napasok. Wala pa itong hinagis na bola na hindi nag puntos. Asar na asar na ang mga itsura namin dahil nasa second half na pero hindi pa rin kami nakaka puntos. Tapos hingal na hingal pa ako na bihirang mangyari. Tuwang tuwa tuloy si Coach Morales, maging ang mga seniors. First time sa tinagal tagal naming nag lalaro ng basketball, ang ganitong pang yayari. Hingal na hingal na kaming lahat at grabe na rin ang pag kapagod ng ka team ko. Pinag lalaruan na lamang kami ng dalawang gago. Pikon na pikon na ako sa pag mumukha ni Derek. Kahit madalas lang naman ako nitong titigan. Hindi ito nag sasalita at panay titig lang ang ginagawa sa akin. Wala naman itong ginagawa bukod sa napaka effortless nitong pag lalaro. Kaya ako naasar. Tang ina. Isama mo pa na nalalasing ako sa amoy nito sa tuwing malapit ito sa akin. Pansin ko pa ngang iniiwasan nitong mag kadikit ang mga balat namin. May sakit ba ako sa balat at ganoon na lang kung mandiri ito. Pakyu Derek. Ikaw na magaling, ikaw na mabango, ikaw na maganda katawan. Ikaw na gwapo at ikaw na ang masarap tangina ka!!! Putang ina ka! Sa sobrang inis ko pag pasa sa akin ni Dean ng bola, ay ibinato ko ito ng malakas sa mukha ni Derek. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes nito at nakuha nito ang bola. Naiharang nito ang kamay nito ng walang kahirap hirap. Nag tataka pa itong napatingin sa akin. Inangasan ko lamang ito. Pumito si Coach Morales at pina titigil ang laban. Well, talo rin naman na kami. 80 - 0 sa score. Tanginang yan hindi man lang kami pinag puntos ng mga gago. Sige na kayo na magagaling. Nakakahiya at first line up pa naman kami nila Dean at Nate. Subsob na subsob ang mga ego namin sa ginawa ng dalawa. Puyat ka na nga, talo ka pa sa practice game. Tangina talaga. Agad akong lumabas ng court at nag lakad patungo sa locker room. Hindi na ako sumama pa sa pa-meeting ni coach Morales at baka mas maasar pa akong lalo kapag nakita ko ang pag mumukha ng Derek na yun. Hinubad ko ang tshirt ko na basang basa ng pawis. Umupo ako sa pahabang upuan na nasa gitna ng locker room. Nasa pagitan yun ng mag kabilaang locker sa bawat gilid. Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili. Ang sarap masapak talaga, nag iinit ang kamao ko. Ilang minuto rin ako na nasa ganoong posisyon bago ako tuluyang tumayo at binuksan ang locker ko. Kinuha ko ang bag ko, kinuha sa loob nun ang twalya at lalagyanan ng mga sabon, shampoo, toothbrush at deodorant ko. Nag hubad na ako ng lahat ng saplot ko at pumasok na sa may shower area. Baka sakaling lumamig ang ulo ko kapag nabasa na ng tubig. Pumatapat ako agad sa shower ng buksan ko iyon. Dama ang pag ragasa ng malamig na tubig sa ulo at katawan ko, ay unti unti akong narelax kahit papaano. Kunakalma na rin ang init sa katawan ko. Ilang minuto pa lamang akong naliligo ng makarinig ako ng mga yabag papunta sa kinaroroonan ko. Open shower area kasi iyon. Walang cubicle na mag hihiwalay sa bawat shower, kaya naman mag kaka kitaan talaga kayo ng hubad ng katawan ng isat isa. Wala lang naman sa amin yun, since puro naman kami mga lalaki sa buong team. Hindi uso sa amin ang mahiyain, proud pa nga kaming ibuyangyang ang mga kahubdan namin sa isat isa. Nag susukatan pa kami ng mga b***t minsan. Kaya ng makarinig ako ng mga pag yabag, ay binalewala ko lamang iyon. Sa pag aakalang mga ka team mates ko lang ang mga iyon. Nakapikit lamang ako, habang patuloy na dumadaloy ang tubig sa ulo papunta sa hubad kong katawan. Ilang saglit pa, ay tumigil ang tunog ng pag lalakad at biglang umalingasaw muli ang masangsang na naamoy ko kanina. Binalewala ko lang iyon, sanay na rin kasi ako sa mga mababahong paa ng mga ka team ko. Lalo na kay Dean. Kaya inakala kong muli na sila lang iyon. Nagulat na lamang ako ng bigla akong makaramdam ng matinding sakit sa likuran ko, dahilan para napasigaw ako sa sobrang sakit. "Aaaaaarrrrrggghhhhh!!!!! f**k!!!!!!! Tangina!!!" Para akong nilatigo sa likuran ko. Ramdam ko ang pag katuklap ng balat ko, kung saan tumama ang kung ano mang bagay na pinalo sa akin. "Aaaaaarrrrrggghhhhh!!!!! f**k!!!!!!!" Sigaw ko muli. Kinapa ko ang sugat roon at naramdaman ko ang nilikhang hiwa roon. Napasubsob ako sa may handle na bukasan ng shower. Lumingon ako paharap kung saan nang galing ang humampas sa akin. Iginala ko ang paningin. Subalit wala naman akong nakita na naroon, nag iisa lang ako. Nahihirapan man, ay dahan dahan akong pumatayo at nag lakad palabas ng shower area. Ngunit sa ikalawang pag kakataon, nakaramdam na naman ako ng matinding pag hampas muli sa katawan ko. This time sa dibdib ko naman tumama. Ang init ng nararamdaman kong sakit. Para sinisilaban ang balat ko. Halos mahilo hilo na ako sa sobrang sakit ng pag kalatay sa dibdib ko. Nang tignan ko ang dibdib ko ay isang mahabang guhit iyon na parang latigo talaga ang nililikhang tunog pero sampung doble ang kapal nito. "Tulooooooong!!!!!" Sigaw ko kahit nahihilo na ako sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na kaya ang sakit. Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng pamamanhid ng buo kong katawan. Kasabay nun ang unti unti kong pag bagsak sa sahig. Para akong naparalisado dahil hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Kahit anong galaw ko ay ayaw sumunod ng katawan ko. Nastroke na ata ako. Mayamaya pa ay nakita ko ang isang nakakakilabot na nilalang na unti unting lumalapit sa akin. Inilabas ang mga pangil nito. Nakita ko rin ang napaka haba nitong buntot na natitiyak kong syang humapas sa akin. Mala Cell ng dragon ball Z ang pag galaw ng buntot nito. Dahan dahan na nitong itinutok sa harapan ko ang dulo ng buntot nito. Pumikit na lamang ako sa naka ambang pag tusok niyon sa aking katawan. Nang biglang makarinig ako ng isang malakas na pag alulong na halos mag pa lindol sa buong locker room. Hindi ko alam kung saan nag mula iyon. Naidilat ko tuloy bigla ang aking mga mata. Doon ko nakita ang bagong recruit na si Derek. Namumula ang mga mata nito habang sakal sakal ng kanang kamay nito si Cell. Yun yung tawag ko sa umatake sa akin. Nag lilitawan ang mga muscles sa braso nito. Lumuwa na rin ang mata ni Cell sa tindi ng pag kaka sakal dito. Nang bigla iyong sumabog at parang dolomite sand iyon na bumagsak sa sahig malapit sa akin. What the f**k! Ang lakas naman nito. Superman is that you? Matapos nun ay nilapitan ako ni Derek. Kitang kita ko ang pag balik sa normal ng mga kulay ng mata nito. Mula sa pagiging mabagsik at mapanganib na itsura nito ay bumalik iyon sa pagiging maamo. "Ayos ka lang? Nasaktan ka ba? Anong masakit sa'yo?s**t! may sugat ka. " sunod sunod na tanong nito sa akin. Gustuhin ko mang sagutin ito ay paralisado nga ako. Tanga rin talaga. Sarap pektusan! May maayos bang nakaganito. Tarantado pala ito. Nang pag masdan kong mabuti ito ay nakita ko ang matinding pag aalala nito sa akin. Nakita ko rin sa mga mata nito ang takot. Hindi takot para sa halimaw na sinakal nito kani kanina lang. Kundi, isa iyong uri ng takot para sa akin. Takot na mawala ako. Tang ina ano yun? Bakit ko nakikita sa mga mata nya yun? Bakit kailangan nitong matakot?Kaano ano ko ba tong tang ina na to. At putang ina bakit ako nagiging emosyonal, knowing na nag aalala ito sa akin. Bakit kailangan akong maapektuhan. f**k! Pero ang sarap sa feeling. Wala na! Baliw na ata talaga ako. Kung ano ano ng emosyon ang nararamdaman kong kapag malapit ito. Namatanda ata ako ng di ko nalalaman. Ano bang nangyayari sa akin? Kailangan ko na bang mag pa ospital? "I'm sorry pero kailangan ko itong gawin. I know magiging weird ito sa'yo, pero kailangan natin itong gawin para matigil ang pag durugo ng sugat mo. So, please try to understand and dont judge me" Nakikiusap na tinig nito. Tangina. Bakit ganun ang sarap sa tenga ng speaking voice nito. Para akong inihehele. At anong ibig sabihin nito? Dahil nga sa paralisado pa ang katawan ko at hindi ko talaga maintindihan kung ano, ang pinag sasabi ng gagong to. Mayamaya lang ay nanlaki ang mga mata ko ng maunawaan ko ang binabalak nito. f**k! Unti unti itong yumuko at dinidilaan nito ang mga natamo kong sugat. Putang ina! For real. Literal na dinidilaan nito ang katawan ko. Anong trip nito. Aswang ba tong hayop na ito o mahilig lang sa dinuguan tong lalaking ito. Wala akong nararamdaman sa ginagawa nito pero alam kung dinidilaan ako nito, base na rin sa nakikita ko. Shit! Pero bakit ganun. Bakit ang hot lang isipin na dinidilaan ako ni Derek. Na kahit manhid ako, ay parang nararamdaman ko ang init na nanggagaling sa dila nito papunta sa balat ko. King ina talaga. Nababakla na ba ako? Mayamaya pay tumigil ito bigla at napatingin sa hubad na katawan ko. Lalo na sa may bandang gitna ko. Bakit nakatitig ito roon. "Oh my.. f**k! Hahahaha" rinig kong boses na bigla na lang sumulpot sa kung saan. "Tang ina mo, Kyross lumabas ka rito ngayon din, kung ayaw mong baliin ko lahat ng buto mo sa katawan!." Matinding banta na narinig ko mula kay Derek. "Grabe naman makabakod, Alpha. Hahaha." Natatawa pa ring sabi nito kay Derek. "ISA!" Umpisang bilang ni Derek. "Oo, na. Hahaha. Pipigilan ko lang pumasok ang team dito sa loob. Relax ka lang, Alpha ah. Ikalma mo ang sarili mo. Pigilan mo rin, hahaha" sabi pa nung Kyross bago nag mamadaling umalis muli roon. Napansin kong ilang beses na nag babago ang kulay ng mga mata ni Derek. Nanggigigil ito na di mawari. Ilang beses rin itong nag buntong hininga. Kinakalma nito ang sarili nito. Ilang sandali pa ay bigla na lamang itong umalis matapos nitong takpan ng twalya ang buo kong katawan. Putang ina! Anong trip nito? Kanina dinilaan ako nito tapos ngayon naman balak akong gawin mummy? Hayop to! Balikan mo ako rito ulol ka! Anong gagawin ko ngayon dito, putang ina talaga. Tulungan nyo ako. Hayop ka, Derek. Pag nakagalaw ako rito, lagot ka sa akin. Hahuntingin kitang gago ka! DEREK!!!!!!!!! Sa isip ko lang sinigaw iyon pero humahangos itong bumalik sa pwesto ko. Tumingin tingin ito sa paligid. Mayamaya ay Napatingin ito sa may locker ko. Nilapitan nito iyon ay hinila ang handle niyon. Walang kahirap hirap nito iyong binuksan. Samantalang naka lock iyon. Nag I steroids ba itong lalaking ito? Ang dami ko ng tanong sa isip ko sa mga ipinapakitang kakaiba ni Derek. Sumasakit tuloy ang ulo ko nakaisip. May hinanap ito roon, at ng makita ay inilabas ang duffle bag ko, at binuksan iyon. Kumuha ito ng damit at muling lumapit sa akin. Sinimulan ako nitong bihisan. Hirap na hirap itong bihisan ako dahil patigil tigil ito para lumanghap ng hangin. Kakaligo ko lang ulo! Bahong baho ka ba sa akin at pigil na pigil nito ang hininga nito. Daig pa nito ang sumisisid sa dagat. After eternity, sa wakas nabihisan na rin ako nito. Hindi pa ako sinuotan ng brief, tangina. Agad ako nitong binuhat na parang papel lang sa wlaang kaeffort effort nitong ginawa. Mabilis itong nag lakad palabas ng locker room. Hindi ko alam kung saan ako nitonp balak dalhin. Mukhang sa parking lot ako nito dadalhin. Tama nga ako ng hinala ng makita ko ang kotse nito sa may parking lot. Kasama nito si Kyross at ito na rin ang nag bukas ng pintuan ng sasakyan ni Derek. Inilagay ako nito sa may pinaka likod at inayos ng higa, bago ito pumunta na sa driver seat. Nag patianod na lamang ako kung saan ako nito dadalhin. Ramdam ko naman ang pagiging safe sa feeling nito. Teka? seryoso ka Angelo sa sinasabi mo?safe? Saan galing yun. Ano ba talaga itong nararamdaman ko. Hindi ko na talaga alam. Ano ba talaga ang nangyayari sa akin? Litong luto na ako sa labo labong emosyna ito. Dapat ko ba talaga itong maramdaman? Nananaginip ba ako. s**t! Kung panaginip lang ito,please kailangan ko ng magising pota! Itutuloy... ---------- Hi guys. Kumusta kayo? Magandang gabi. Sensya na mejo late ang update, mejo naging busy Daddy nyo kaya na late talaga ng konti. Anyway, manalangin pa rin palagi ah. At mag pasalamat dahil ligtas tayong nakakauwe palagi sa mga bahay bahay natin. Goodnight na sa mga tulog. Hehehhe kritikoAPOLLO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD