CHANCES 5

4487 Words
"Veranica, you were distracted!" inis na saway sa'kin ni Gael, iyong photographer Pagkatapos namin kumain ay nagyaya si Brixel mag-sine. Pumayag sina Kyril kaya wala nang sense kung magpoprotesta pa 'ko. Si Brixel at Ate Kim ang bibili ng ticket. Nanghihinayang akong kumuha ng pera sa wallet ko, kaya ayokong mag-sine ay dahil nagtitipid ako. "Here, Kim, sa aming dalawa ni Vera." Napaangat ang tingin ko kay Sage na ngayon ay nagbibigay ng one thousand kay Ate Kim. Tumango naman si Ate Kim at inabot ang pera. Gusto ko mang umangal ay huli na ang lahat dahil pumunta na si Ate Kim sa bilihan ng ticket. "Thanks!"sabi ko at nahihiya ako. Tumango lang si Sage. Pagkabili nila Ate Kim ay pumasok na kami sa loob. Nagpaalam muna ako na pupunta lang sa restroom. Paglabas ko ay nakita ko si Sage na nakasandal at nakakrus ang mga braso sa labas ng restroom. "Bakit nandito ka pa?" tanong ko sabay kunot noo. Hindi niya 'ko sinagot at naglakad na papasok sa loob ng cinema. Ganito ang nadatnan naming pwesto pagpasok namin sa loob. Si Ate Kim, Brixel, Alezander, Kyril, Bri, Shin, Stephen, Andrea so wala akong choice, tumabi ako kay Andrea at tumabi sa'kin si Sage. Isang horror film ang pinanuod namin. Tili nang tili sina Kyril dahil sa sobrang nakakatakot 'yong movie pero ako ay pinipilit ko labanan ang takot ko at umaastang normal sa kinauupuan ko, pero nang biglang magkaroon ng scene na sobrang nakakagulat at nakakatakot ay hindi ko napigilan ang sarili ko na ipakita ang takot ko. Huli na nang makita kong nakabaon na ang mukha ko sa dibdib ni Sage. Hiyang hiya ako tsaka tinanggal ang mukha ko sa dibdib niya. Narinig ko pa ang munting halakhak niya. "Shut up, Sage!" saway ko sa kanya. Parang lalamunin na ako ng kahihiyan. Simula noon ay kahit sobrang natatakot ako ay umaayos na lang ako sa pagkakaupo at hindi nagpadala sa emosyon ko. "Muntik na 'kong atakihin sa loob!" sabi ni Kyril sabay halakhak. "Ako muntik na mabasag ang eardrums ko sa lakas ng tili mo," sabi naman ni Alezander kay Kyril sabay tawa. "Shut up, Zander! Maging ikaw ay nagtititili din sa loob. Gay!" Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Kyril. "Hindi na nga 'ko makahinga dahil sa higpit ng yakap ni Kim," pang-aasar pa ni Brixel kay Ate Kim. Umulan naman ng panunukso lalo na nang mamula ang pisngi ni Ate Kim. "If I know, kaya mo naman talaga pinili ang movie na 'yon ay para makatsansing ka!" Humalakhak naman si Brixel tsaka inakbayan si Ate Kim. "I'm sure mahihirapan nanaman akong matulog mamaya. Andrea, patulog sa kwarto mo ah?" ani Briana. "Hindi naman gaanong nakakatakot," sabi ko. Humalakhak naman nang malakas si Sage kaya tinignan ko siya nang masama. "Talaga ba, Vera? Kaya pala halos ingudngud mo na ang mukha mo sa dibdib ni Sage." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Andrea at lalong lumakas ang halakhak ni Sage. "Shut up, Andrea!" nahihiyang saway ko. Nagtawanan naman silang lahat. "Uuwi na tayo? Brixel, doon muna tayo sa bahay nila Vera, okay lang ba sayo Vera?" tanong ni Shin. "Wag na, Shin. May pasok na bukas at nakakahiya naman kay Vera," pagtutol ni Brixel. "Hindi, okay lang. Welcome naman kayo doon." Ngumiti ako. "Iyon naman pala, e." Inakbayan pa ni Stephen si Andrea at isinama sa paglalakad. Rinig pa namin ang pagpoprotesta ni Andrea. Napailing na lang ako. Walang dalang sasakyan si Alezander at Shin kaya naman magkakasama sina Brixel, Ate Kim, Kyril, at Alezander sa sasakyan ni Brixel habang magkakasama naman sila Shin, Bri, Andrea at Stephen sa sasakyan ni Stephen at nauna na silang umalis. Naiwan naman kami ni Sage. "Sumabay ka na sa'kin," sabi ni Sage tsaka binukasan ang front seat ng itim na Mazda niya. "Do I have a choice?" Padabog akong pumasok sa loob ng sasakyan niya. Ngumisi lang siya. "Nagiging uneasy ka when I'm around. Why?" Tumingin pa sa'kin si Sage at sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya. "Just shut up and focus your eyes on the road!" nahihiyang sabi ko tsaka tumingin sa labas. Narinig ko naman ang munting halakhak niya. Nasa tapat na ng bahay ang kotse nila Brixel at Stephen. Pababa na sana ako nang biglang hawakan ni Sage ang braso ko. Nagtama ang mga paningin namin. "When I said that I'm gonna make you fall for me, I mean it," seryosong sabi niya. Kumalabog naman ang puso ko at parang may naghahalukay sa loob ng sikmura ko. "And when I say that I'm never gonna fall for you, I mean it too." Nakita ko ang pag-igting ng panga niya pero napalitan din ng ngisi. "Then let see." Inirapan ko lang siya at bumaba na sa kotse niya. Nadatnan ko sila na nag-aayos ng mga binili nilang pagkain sa mini table sa sala. "Bakit ang tagal niyo?" tanong ni Stephen sa kakapasok lang na si Sage. Nagkibit balikat lang si Sage. Kita ko ang panunukso sa mga titig nila Kyril at Andrea, inirapan ko lang sila. Sumalampak ako sa sofa sa tabi ni Kyril. Inalok ako ni Ate Kim ng pizza kaya kumuha ako. "Bakit ka nga pala lumipat sa St. Celestine, Sage?" tanong ni Briana. Napaangat naman ang tingin ko kay Sage. "Because of someone." Derecho ang titig niya sa'kin at halos mabingi naman ako sa lakas nang t***k ng puso ko. Nagtitili pa ang mga girls kaya napatakip ako sa tenga ko habang natatawa naman ang mga boys, binato pa ni Alezander si Sage ng throw pillow. "Sinong someone na mas mahalaga pa sa'kin para iwan mo ko sa St. Scholastica?" Nagtawanan kami dahil sa nakangusong si Shin. "Yuck! Gay!" pang-aasar ni Bri. Lalo namang sumingkit ang mga mata ni Shin. "Pero sino nga iyong someone?" tanong ni Kyril, makikitaan mo talaga siya ng kuryosidad. Kaming lahat ay naghihintay sa sasabihin ni Sage. Sobrang bilis naman nang t***k ng puso ko. Nagkibit-balikat lang si Sage. "Ang daya!" reklamo pa ni Andrea. Nahagip naman ng mata ko ang makahulugang tingin ni Ate Kim. Kumunot ang noo ko at ngumiti lang siya sa'kin. "Naiinis ako kay Sage, sa paglipat niya sa St. Celestine for sure mawawala na din sa'kin ang pagiging Team Captain ko." Umiiling iling si Alezander. "Hindi 'yan. Magaling ka kaya Alexander," sabi ko. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Sage na nasa tabi lang ni Zander. "Yeah right! Until you see this monster rule the court." Nagtawanan naman sila habang si Sage ay matalim akong tinignan. Nag-iwas na lang ako ng tingin. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ang mga boys. Pare-pareho din kasi kaming may pasok na bukas. Pagkatapos kong magshower ay hihiga na sana ako nang may biglang kumatok sa kwarto ko. "Hi, Vera! Nakakatakot talaga 'yong movie kanina, so we decided na dito na lang kami matutulog lahat." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Andrea at napansin ko na may kanya-kanya silang dalang unan. "No!" pagtutol ko pero hinawi na nila ako sa may pinto kaya nakapasok sila. Napairap naman ako. Ang ending ay nagsiksikan kami sa kama ko. Kinabukasan ako ang unang nagising, pinagmasdan ko naman sila na magkakayakap na natutulog. They are my sisters and no one can change that. Bumaba na 'ko para magluto ng breakfast namin. "Ang aga mo, ah!" Humihikab pa si Ate Kim. Nginitian ko lang siya. Nang matapos ako magluto ay ginising na namin 'yong tatlong tulog mantika. "Sabi na nga ba mapapanaginipan ko 'yong horror film na 'yon," sabi ni Bri sabay nguso. "Move on na, te." Tumawa naman si Kyril. "Hindi siya makamove on, Kyril, kasi nga naaalala niya sa film na iyon 'yong moment nila ni Shin." sabi pa ni Andrea. Nagtawanan naman kami dahil tinignan ni Bri nang masama si Andrea. "'Yong singkit na 'yon? Yuck!" Mukha namang diring diri si Bri kaya lalo pa kaming nagtawanan. Pagkatapos kumain ay nag-asikaso na kami. "Vera! Bilisan mo!" sigaw ni Bri kaya dali-dali ko nang kinuha ang bag ko, binitbit ko na rin ang suklay dahil hindi pa 'ko tapos mag-ayos. "Bakit ang tagal mo?" tanong ni Bri. "Hayaan mo na, Bri. Alam mo naman, nasa St. Celestine na si Sage, siyempre kailangan laging maganda si Vera," pang-aasar pa ni Kyril. Inirapan ko naman siya. Hanggang makapasok kami sa Odyssey ni Andrea ay inaasar pa rin nila 'ko. "Tigilan niyo nga 'ko wala naman akong gusto sa ugok na 'yon," sabi ko sabay nguso. "In denial Queen!" Naghalakhakan sila sa sinabi ni Kyril, kinurot ko naman siya. "Aray!" daing ni Kyril. "O, nananakit na, guilty na 'yan!" pang-aasar pa ni Andrea. "Ewan ko sa inyo!" sabi ko at natawa na lang. Naghigh five pa silang apat. Napailing na lang ako. Nagpaalam na kami kay Andrea at Ate Kim dahil nasa St. Celestine na kami. "Hala, May pa banner talaga!" Ininguso ni Bri ang banner sa gate ng St. Celestine. Welcome to St. Celestine, Sage Wainwright! "Ibang klase talaga 'yan si Sage." Humagikhik pa si Kyril. Napailing na lang ako. Humiwalay na din si Bri sa amin. Magkalayo kasi ang building namin habang magkaklase naman kami ni Kyril. "Vera, hintayin mo ako mamaya, ah? May meeting lang kami ng dance troupe tapos ay sabay na tayong pumunta sa agency." Tumango naman ako kay Kyril. "Vera, nanjan nanaman 'yong manliligaw mo!" Siniko ako ni Kyril at ininguso ang papalapit na si Liam na may dala-dalang bouquet ng rosas. Napairap naman ako. Halos mag-iisang taon na akong nililigawan ni Liam at kahit paulit-ulit ko na siyang binabasted ay ayaw niya pa rin tumigil. "For you, Vera!" Inilahad niya ang bouquet sakin. "Diba sabi ko ay itigil mo na 'to, Liam," sabi ko. Hindi ko na maitago ang inis sa boses ko. Nagkibit balikat lang siya at hindi pa rin umaalis sa harap ko. "Kunin mo na, Vera. Center of attraction nanaman kayo," bulong sa'kin ni Kyril. Rinig na rinig ko na rin ang maugong na bulungan hindi lang ng mga kaklase ko maging ang mga nasa labas. Labag naman sa loob kong kinuha 'yong bouquet. Lumawak naman 'yong ngisi ni Liam tsaka umalis. "Kung hindi lang ako team Sage ay malamang kinikilig pa rin ako sainyo ni Liam," bulong pa ni Kyril. Nahagip ng mata ko sa labas si Sage na nakakrus ang dalawang braso at nakataas ang isang kilay. Inirapan niya lang ako tsaka umalis. Napakunot naman ang noo ko. Isang prof lang ang pumasok kaya maaga kaming nadismiss. Nagpaalam na si Kyril at sinabing sa cafeteria na lang kami magkita kaya ngayon nandito ako sa loob ng cafeteria. Pumwesto ako sa pinakasulok na seat. Napalingon ako nang may sumitsit sa likod ko. Kumaway sa akin ang ngiting ngiti na si Alezander. Nginitian ko siya pabalik habang si Sage naman ay kagat kagat ang straw ng yogurt milk na nasa tetra pack na iniinom niya at derechong nakatingin sa'kin. Inirapan ko naman siya. "Vera!" Tinawag pa 'ko ni Alezander kaya lumingon ulit ako sa kanya. "Bakit?" tanong ko. Tinuro naman niya ang bouquet na hawak ko. "Kanino galing?" May ibinulong sa kanya si Sage at humalakhak siya. Ngumisi naman si Sage sa'kin. Kagat kagat pa rin niya 'yong straw. Wala na ba siyang makain? "Sorry! Medyo natagalan," ani Kyril, hingal na hingal siya. "Okay lang, Ky, tara!" Tumayo na 'ko, tumayo rin sila Alezander tsaka lumapit samin. "Tara na!" pagyayaya ni Alezander, tinignan ko naman si Kyril. "Sasabay na tayo kay Sage. Malapit lang kasi sa Queenz agency 'yong subdivision kung saan siya nakatira." Tumango naman ako kay Kyril. Nang makarating kami sa parking lot ay susunod sana ako kay Kyril sa pagpasok sa backseat ng Mazda Cx-5 sport ni Sage nang pigilan ako ni Alezander. "Doon ka!" Turo niya sa front seat. Ngumuso naman ako tsaka padabog akong pumasok sa front seat. Tahimik lang kami ni Sage sa byahe habang nag-aasaran naman 'yong dalawa sa likod. "Baka mapanis ang laway niyo," sabi pa ni Kyril. Nilingon ko naman siya at tinapunan ng masamang tingin. Napabahing ako dahil may kung anong tumusok sa loob ng ilong ko na galing sa bouquet. Nagulat naman ako nang agawin ni Sage ang bouquet at ihagis palabas ng sasakyan niya mula sa binuksan niyang bintana. Natahimik naman ang dalawa sa likod. Bigla na lang sumipol si Alezander. "Ano bang problema mo?" inis na tanong ko kay Sage. "I'm just helping you," matigas na sabi niya na hindi man lang ako tinitignan. "Pwes, hindi ko kailangan ng tulong mo!" galit na sigaw ko. Bigla naman siyang pumreno. "What? For just a bouquet nagagalit ka na ng ganyan? Ganoon ba kahalaga sa'yo ang nagbigay niyan?" Umigting ang panga niya. "It's none of your business!" Inis na bumaling ako sa labas. Mabilis naman niyang pinaandar ang kotse niya. "First L.Q!" "Shut up, Kyril!" saway namin ni Sage. Nagkatinginan pa kami at inirapan ko naman siya. Pagdating namin sa harap ng Queenz ay mabilis akong bumaba. Padabog ko pang isinarado ang pintuan ng front seat. Narinig ko pa ang halakhak ni Alezander. The Hell, Sage Wainwright!. "Hindi maganda ang projections mo ngayon. Maybe let's have a break," dagdag niya pa. "I'm sorry, Gael!" Napakamot ako sa ulo ko tsaka pumunta sa nakakunot noo na si Celine. "Anong nangyari, Vera? May iniisip ka ba?" tanong sa'kin ni Celine. Humalakhak naman si Kyril at inirapan ko siya. "Wala naman. I'm just pissed," sabi ko tsaka kinuha ang bottled water ko. Huminga pa ko nang malalim. Tinawag na ako uli ni Gael. Pinagsabihan pa 'ko ni Celine na ayusin ko at baka magalit sa'kin ang boss namin. "Last pose, Vera! You're doing great!" Hinawakan ko ang ilang hibla ng buhok ko tsaka nagfierce. "Perfect!" sigaw ni Gael. Pumalakpak naman si Celine tsaka ako inabutan ng tubig. "Kelan ang susunod na shoot, Celine?" tanong ko tsaka sumalampak sa sofa ng studio. Si Kyril naman ang nagpophotoshoot ngayon. "Excited, girl?" tanong ni Celine sabay halakhak. "Hindi naman, kailangan ko kasi ng mas maraming raket dito sa modeling lalo na at every weekends na lang ako nagtatrabaho sa Swiftea." Kumain ako ng cookies na ibinigay sa'kin ni Kyril kanina. "Wala pang schedule, Vera. Tigilan mo nga ang pagkain ng cookies, ito dapat sayo. Nakakataba ang kinakain mo." Inagaw niya sakin ang cookies at pinalitan ng whole wheat bread. Napanguso na lang ako. Naisipan kong ilabas ang phone ko at magbukas ng f*******: account ko nang biglang may nagpop up na message. Sage: You still mad? Napairap ako. Hindi ko siya nireplyan at naglog-out na lang. Nagpaalam na rin sa'kin si Celine na mauuna na siyang umuwi, tumango naman ako. Hindi rin nagtagal ay natapos na rin si Kyril. Sumalampak din siya sa tabi ko. "Nakakapagod!" reklamo niya tsaka pumikit. Niyaya ko na siyang magbihis para makauwi na kami. Dumaan muna kami sa isang fast food chain. Nagtake out si Kyril ng bucket of chicken. Nagtext daw kasi si Bri na wala pa 'yong dalawa at nagugutom na siya. Naabutan namin si Bri na nakasalampak sa sofa at nanonood ng t.v "Finally!" Para naman siyang nabunutan ng tinik at mabilis na kinuha ang dalang pagkain ni Kyril tsaka dumerecho sa kusina. Nauna na kaming kumain na tatlo dahil si Ate Kim ay malelate ng uwi samantalang si Andrea ay lumabas kasama si Stephen. "Kumusta ang first day of school mo, Bri, sa St. Celestine?" tanong ko kay Bri habang kumakain kami. Freshman lang kasi si Bri habang kami nila Kyril at Andrea ay sophomores at si Ate Kim ay junior na. "Masaya! Ang daming gwapo!" Humagikhik pa siya. "Hoy, Briana! Pag-aaral ang atupagin mo!" Natawa ako nang pinagsabihan ni Kyril si Briana habang si Bri naman ay ngumuso. Biglang may nagdoorbel at tatayo na sana ako pero sabi ni Bri ay siya na lang daw ang titingin kung sino. "OMG!" Nagulat kami sa tili ni Bri kaya agad kaming pumunta sa kanya. "Ano 'yon?" tanong pa ni Kyril nang makarating kami sa may gate. Halos manigas naman ako sa kinatatayuan ko nang makita ang nakatayong si Sage sa harap ng gate namin. May hawak-hawak na mas malaking bouquet kaysa sa binigay ni Liam. Humagikhik pa si Bri at Kyril. "Iyon naman pala, papalitan naman pala ang bouquet e." Humalakhak pa si Kyril tsaka hinatak papasok sa loob si Bri. "Are you still mad? I'm sorry!" malungkot na sabi niya tsaka inilahad ang bouquet sakin. Naghuhuramentado naman ang puso ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaamo. Kinuha ko ang bouquet at ngumiti naman siya. "T...tara sa loob!" nauutal na sabi ko tsaka tinalikuran siya pero nagulat ako nang hilahin niya 'ko sa braso at iharap sa kanya para yakapin. "I don't want you mad, Vera," mahinang sabi niya, ayan nanaman 'yong pakiramdam na parang may humahalukay sa tiyan ko. "S...Sage!" mahinang sambit ko sa pangalan niya. Gusto ko man siyang itulak pero pakiramdam ko ay bibigay ang mga tuhod ko. "s**t!" Nagkaroon ako ng lakas na itulak si Sage nang marinig ko na may nagsalita. Nakita ko si Andrea na nasa bibig niya ang kamay niya, kasama niya si Stephen na nakangisi. Pakiramdam ko naman ay pulang pula na 'ko kaya dali-dali akong pumasok sa loob. Lumingon sa'kin si Bri at Kyril pagpasok ko, tinutukso pa nila ko pero dumerecho na ako sa kwarto ko tsaka sumandal sa pinto. Hinawakan ko ang dibdib ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi pwede 'to! Ayokong matulad sa mama ko. Nanghihina akong napaupo sa sahig. I will never let any man wreck me. Pero ano 'to? Bakit magkasalungat ang binubulong ng puso at utak ko? Ni kelan lang kami nagkakilala ni Sage ay ganito na agad ang epekto niya sa sistema ko. Shit! Sage is not healthy for me anymore. "Vera, uuwi na si Sage!" Ilang beses nila akong kinatok pero nagkukunwari akong natutulog. Ayoko munang bumaba. Gusto kong umiwas kay Sage hanggang sa bumalik na ako sa katinuan 'ko. At ganoon nga ang ginawa ko, dalawang araw na akong umiiwas kay Sage. Hindi na rin muna 'ko sumasama masyado kay Kyril dahil sigurado akong madalas ay nakakasama niya si Alezander at kasama naman ni Alezander si Sage. Mukha namang nakikisama din sa'kin ang tadhana. Hinihintay ko ngayon si Kyril sa labas ng University, may meeting pa kasi siya nang may tumigil na itim na Mazda sa harap ko. Nagwala nanaman ang puso ko. "Hop in!" maawtoridad na sabi ni Sage, hindi ko siya pinansin. "I said hop in! Kung hinihintay mo si Kyril ay umuwi na siya, hinatid ni Alezander!" madiin na sabi ni Sage. Hindi ko naman alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o modus niya lang 'yan para sumabay ako sa kanya. "No, thanks! Kaya kong magcommute," sabi ko tsaka naglakad palayo. Narinig ko naman ang padabog na pagsara ng pinto ng kotse niya at sa isang iglap ay hawak na niya ang braso ko. "A...ano ba, Sage!" naiinis na sabi ko. Sinikap kong hindi maging uneasy ngayon. "Are you trying to avoid me, lady?" Nag-igting ang mga panga niya at matalim na tumitig sakin. "And so?" Hinila ko ang braso ko na hawak niya at humalukipkip sa harap niya. "Why? Because you are afraid? Na unti-unti ka nang nahuhulog sa'kin?" Matalim pa rin ang tingin sa'kin ni Sage. "Of...Course not!" nauutal na sabi ko. "Then prove it, get into the car, lady!" malumanay pero maawtoridad na sabi ni Sage. Padabog naman akong nagmartsa papunta sa sasakyan niya at umupo sa may back seat. "Just to inform you I'm not your driver para umupo ka jan sa backseat!" Tinapunan ako ng mas matalim na tingin ni Sage. "Just shut up and drive me home!" iritadong sabi ko tsaka tumingin sa labas. Mabilis naman niyang pinaandar ang kotse niya. Nang makarating kami sa bahay ay bababa na sana ako pero nakalock ang pinto ng sasakyan ni Sage. "Sage, open the door!" inis na sabi ko. Derecho lang sa kalsada ang tingin niya. "If avoiding me is your way to escape, I'm telling you right now, Veranica Angeles, it's a waste of time. You cannot escape from me in any possible ways you can!" madiin na sabi niya at kumalabog naman ang puso ko. Sinubukan kong buksan ang pinto at hindi na nakalock. Pagkababa ko ay agad niyang pinaharurot ang kotse niya. I can escape, Sage. Habang maaga pa, I can escape. Tinignan ko nang masama si Kyril nang maaabutan ko silang nagtatawanan nila Bri at Andrea. "Ano?" tanong niya nang hindi maalis ang masamang titig ko sa kanya. "Binenta mo ako kay Sage na leche ka!" sigaw ko tsaka padabog na umakyat sa kwarto ko. Narinig ko pa ang malakas na paghalakhak ni Kyril. Hindi ko namalayan na nakaidlip ako. Nagising na lang ako dahil sa napanaginipan ko si Mama. Masaya siyang nakangiti sa'kin. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Masaya ako dahil ngayon alam kong masaya na si Mama, sa loob ng halos limang taon na napapanaginipan ko siya ngayon ko lang siya nakitang nakangiti. Halos kalahating oras din akong nakatulala lang sa kisame tsaka naisipang bumaba. Alas nuebe na ng gabi at kumakalam na ang sikmura ko. "O, Vera! May pagkain sa mesa, kumain ka na!" sabi sa'kin ni Ate Kim na nanunuod ng t.v sa sala katabi niya si Andrea na naglalaro sa phone niya. "Nasaan sila Kyril?" tanong ko tsaka sumalampak sa tabi ni Andrea. "Tulog na si Ky. Si Bri naman sinundo ni Brixel doon ata matutulog," sagot ni Andrea na hindi inaalis ang mga mata sa phone niya. "Magkaaway kayo ni Sage?" Nagulat ako sa biglang tanong ni Ate Kim. Umiling ako. Tumango naman siya. Gusto ko sanang magtanong kung saan niya nakuha iyon pero ayokong magmukhang interesado sa kanya. Tumayo ako tsaka pumunta sa kusina para kumain. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na rin ako sa kwarto ko. Matutulog na sana ako ulit nang biglang tumunog ang phone ko. Isang unknown number ang tumatawag. "Hello?" Isang buntong hininga lang ang narinig ko. "I miss you...Fuck!" Biglang namatay 'yong tawag. Kinagat ko ang labi ko tsaka hinawakan ang kumalabog na puso ko. Si Sage ang tumawag. Bakit ganito ang nararamdaman ko? At ano ba 'tong nararamdaman ko? Nagpakawala ako ng isang buntong hininga tsaka pumikit. Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Sinabayan ko kasi si Kyril dahil may practice sila ng cheer dance para sa taunang Back To University event ng St. Celestine para sa lahat ng studyante sa school year na ito, may mga activities din na magaganap next week. "Sana ay hindi mo na lang ako sinabayan, Vera, inaantok ka tuloy," sabi sa'kin ni Kyril nang makitang panay ang hikab ko. "Ayos lang ako, Ky, wala rin naman akong kasabay mamaya dahil alas nuebe pa ang pasok ni Andrea habang si Ate Kim ay wala tapos si Bri naman ay nasa apartment ng kuya niya." Tumango naman sa'kin si Kyril tsaka nagpaalam na magpapalit lang ng damit sa headquarters nila. Ang totoo niyan ay alas kwatro pa lang ay gising na 'ko kaya nang marinig ko na gising na si Kyril ay nag-asikaso na rin ako. Ayokong tumunganga sa kisame ng ilang oras. Natanaw ko si Alezander at Sage na pumasok dito sa loob ng gymnasium pareho silang nakajersey. Ngumiti at kumaway sa'kin si Alezander nang madaanan nila ako samantalang si Sage ay hindi nag-abalang tignan ako. Nakabalik na si Kyril at nagsimula silang magpractice. Maging ang basketball team ay nagsimula na rin magpractice. Half court lang ang sinasakop ng basketball team kaya may pwesto rin sina Kyril. Tama si Alezander, magaling si Sage sa loob ng court. Magaling si Alezander pero hindi mo 'yon masyadong mapapansin dahil sa galing at lakas ni Sage sa loob ng court. Seryoso lang si Sage sa paglalaro. Ngayon ko lang din napagmasdan ng maayos ang physical features niya. Medyo makapal ang kilay niya. Makakapal at mahahaba ang pilikmata na bumagay sa blue-gray na mga mata niya, matangos na ilong, mapupula at maninipis na labi, strong jaw line, firm body. Lalong lumalakas ang dating niya dahil sa medium brown na kulay ng buhok niya at isama mo pa ang kumikinang na silver piercing sa kanang tenga niya. I looked away. Ano ba naman itong ginagawa ko. Saway ko sa sarili ko. Nang matapos ang practice nila Kyril ay agad siyang bumalik sa headquarters nila at nagpalit ng uniform habang ako ay nakaupo pa rin dito sa bench ng gymnasium. Nagtama ang mga mata namin ni Sage pero agad siyang nag-iwas. Naisipan kong sa labas na lang hintayin si Kyril. Lumingon pa 'ko sa kinauupuan ni Sage pero hindi na siya nag-angat ng tingin sakin. "Okay ka lang? Bakit tulala ka?" tanong ni Kyril. Umiling naman ako tsaka naglakad papunta sa room. Sunod-sunod ang klase namin sa tatlong subject at sa lahat ng klase ko ay lumilipad ang isip ko, siguro ay masyado lang akong inaantok kaya lutang na lutang ako. "Tara,Vera, cafeteria?" yaya ni Kyril. Tumango naman ako tsaka kinuha ang bag ko. Nang makapasok kami sa loob ng cafeteria ay hinarang ako ni Liam. "Hi, Vera! For you." Malawak ang ngisi ni Liam at may ibinibigay sa'kin na mga chocolates. "Sorry, Liam, makakasira 'yan sa figure ni Vera." Hinatak na ako ni Kyril at sumunod naman si Liam. Nagulat ako nang huminto kami sa table nila Sage. Nandoon sila Zander, Brixel, Bri at ibang mga kateammates nila Sage sa basketball. Nakita ko na tinapunan ng matalim na tingin ni Alezander si Liam. "Ang kulit mo, Liam, sabi na hindi 'yan pwede kay Vera!" naiinis na sabi ni Kyril. "Hayaan mo na, Kyril. Thank you, Liam!" Kinuha ko ang chocolates. Ngumiti naman sa'kin si Liam tsaka umalis. Tinignan ko naman si Sage pero nakabaling ang atensyon niya sa pakikipag-usap kay Brixel. "Sino 'yon, Vera?" tanong ni Briana na ngayon ay kunot ang noo. "Masugid na manliligaw ni Vera," sagot ni Kyril tsaka umupo sa tabi ni Alezander. Umupo naman ako sa bakanteng upuan na katabi ni Sage. Bigla naman siyang tumayo. "Aalis ka na, bro?" tanong ni Alezander. Tumango naman si Sage tsaka umalis. "Anong problema ng isang 'yon?" tanong ni Kyril. Nagkibit balikat lang si Alezander tsaka saglit na tumingin sa'kin. Umalis na rin 'yong ibang kateammate ni Alezander kaya ang naiwan ay ako, si Bri, Brixel, Alezander at Kyril. "Kelan daw ang dating ni Jade?" tanong ni Brixel kay Alexander. "Ang sabi ni Sage ay bukas daw," sagot ni Alezander. "Sino si Jade?" tanong ni Kyril sabay kunot ng noo. "Friend namin pero mas close kay Sage." Sumulyap pa sa'kin si Alezander pero nag-iwas na lang ako ng tingin. "Dito na ba siya mag-aaral?" tanong ulit ni Brixel. "Hindi. Ang alam ko vacation lang kasi sabi ni Sage susulitin niya ang panahon na nandito sa Pinas si Jade." Napakagat ako sa labi ko. "Ang sweet talaga ng mokong na 'yon, hindi lang halata." Tumawa si Brixel. "Excuse me, punta lang ako sa restroom." Hindi ko na sila hinintay makasagot at mabilis na 'kong naglakad palabas ng cafeteria. Now what, Veranica?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD