Kinabukasan ay nahihiya akong bumaba kaya alas onse na ay nakakulong pa rin ako dito sa kwarto. Hindi kasi mawala-wala sa isip ko 'yong pagkikiss namin ni Sage. Paano kung nakita pala kami ni Briana? Kumalam na ang sikmura ko at wala na akong choice kung hindi bumaba. Nagtama pa ang mga mata namin ni Sage nang makababa ako ng hagdan. Agad akong nag-iwas ng tingin at dumerecho sa kusina. Nadatnan ko naman si Bri na nagluluto. Lumingon siya sa akin at nag-iwas naman ako ng tingin. I feel so guilty. "Gising ka na pala," matabang na sabi niya. Hindi ko siya pinansin at lumabas na 'ko sa kusina. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Hindi ko pinansin si Sage. "Baby, kumain ka na?" Tumango naman sa akin si Zerene na abala ngayon sa pagkukulay sa coloring book niya. "Vera, I'm asking you,"

