Pinunasan ni Sage ang mga luha ko tsaka hinalikan ang noo ko. "I love you so much, Vera!" Sinapak ko naman siya. "Kainis ka! Akala ko iniwan mo na talaga ako." Ngumuso pa 'ko. Natawa siya tsaka pinisil ang ilong ko. "Congrats!" Dinumog ako nila Ate Kim. "Namiss ka namin sobra, Vera!" masayang sabi ni Andrea. "Zerene!" Nagulat si Zerene sa sigaw ni Kyril kaya nagtago siya sa likod ni Sage. Nagtawanan naman kami. "Congrats, Vera! Ayos ba ang acting ko?" Tumatawa pa si Jade. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Bwiset ka!" singhal ko. Humagalpak naman siya ng tawa. Nahagip ng mata ko si Briana. Agad ko siyang nilapitan. "Briana." naiilang na sabi ko. Huminga pa ako nang malalim. "I'm sorry." Hinawakan niya ang kamay ko. "You don't have to. Sa'yo naman talaga si Sage at

