Isinisilid ko sa malaking back pack ang mga gamit ko nang biglang may pumasok sa dressing room.
"Vera, next week ulit, ah? Natuwa sa'yo si Madam."
Malaki ang ngisi ni Celine sa'kin. Siya ang handler ko dito sa agency at siya rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng part time bilang isang model ng mga hindi masyadong sikat na brands.
Tumango lang ako sa kanya. Pagod na pagod ako at gusto ko na umuwi para humiga sa kama ko. Katatapos ko lang kasi magshoot para sa cosmetics ng isang maliit na company at galing pa 'ko sa Swiftea, milk tea shop na isa ko pang part time job. Hindi naman kasi malaki ang kinikita ko sa pagmomodeling dahil nga sa hindi pa naman gaanong kilala ang mga brands na ineendorse ko, pero hindi rin naman maliit ang kita.
Nagpaalam na 'ko kay Celine tsaka nag-abang na ng tricycle.
"Sa may Hyacinth lang ako."
Patungkol ko sa isa sa mga lugar dito sa Montreal. Mabilis lang akong nakauwi dahil sa wala namang traffic kapag ganitong oras.
"Kumain ka na?" tanong sa'kin ni Kyril, boarder at best friend ko.
Tumango naman ako at dumerecho na sa kwarto.
Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Kinuha ko ang picture frame sa may side table ko. Tuwing napapagod ako ay lagi ko itong tinitignan.
Mama got the most amazing smile in the world, 5 years ago namatay si Mama dahil sa isang car accident. Hinabol niya si Papa dahil iiwan na niya kami at sasama na siya sa kabit niya. Naririnig ko pa ang pagtatalo nila araw-araw.
"I've been telling you this since day one, Veron, na hindi sabi kita maha! Pinakikisamahan lang kita dahil mahal ko ang anak ko."
"Kahit ba konti lang, Dominic?"
"Kahit ni katiting."
Ganyan ang lagi kong naririnig sa tuwing nag-aaway sila. Pinipilit nilang magmukhang masaya at in love sa harap ko pero hindi nila alam na matagal na 'kong mulat sa katotohan na kahit kailan ay hindi na ako magkakaroon ng isang pamilyang punong puno ng pagmamahal.
Noong araw na namatay si Mama ay hinihiling niya lang na wag umalis si Papa alang-alang sa'kin. Hinabol niya si Papa para sa'kin dahil ayaw niyang magkaroon ako ng hindi buong pamilya.
I thought my father loves me so much. Nararamdaman ko kasi dati na mahal na mahal niya ako pero nagkamali ako. Noong namatay si Mama ay ni anino niya hindi nagpakita.
Nawala sa amin ang flower shop dahil sa napabayaan ko. I was a wrecked that time, ni hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Lagi kong hinihiling na sana ay kunin na ako ni Mama. I lost my mother and my father at the same time and I've also lost myself. Mag-isa lang ako at ni wala akong kilalang malapit na relative namin dahil parehong only child ang parents ko habang parehong patay na ang mga lola at lolo ko.
Isang araw ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig at nagising sa katotohanan na kailangan kong magpatuloy sa buhay.
Ang bahay na lang na ito ang natirang ala-ala sa'kin ni Mama at kailangan ko 'tong alagaan. Masyadong malaki ang bahay para sa'kin. Lima ang kwarto dito kaya naisipan kong parentahan ang apat para maging source of income ko and that was the moment na nagkaroon ulit ako ng pamilya at nagkaroon ulit ng kulay ang bahay pati na rin ang buhay ko.
"Vera! Vera!"
Nagising ako sa lakas ng katok sa pintuan ng kwarto ko.
"Vera! Vera! May sunog!"
Rinig ko pa ang halakhakan sa labas. Napailing na lang ako tsaka pinagbuksan ang kumakatok.
"Kakain na!" Ngumisi si Andrea habang humahagikhik naman si Briana.
"Sige. Susunod ako." Tumango naman sila.
Tinignan ko ang orasan, alas syete na pala ng gabi. Masyado na palang napasarap ang tulog ko. Itinali ko ang buhok ko tsaka bumaba na.
"O, umupo ka na jan, Vera," sabi ni Ate Kim sabay ngiti sa'kin. Siya ang pinakamatanda dito kaya siya ang tumatayong Ate namin.
"Mukhang pagod na pagod ka, Vera, ah? Ikaw naman kasi, napakasipag mo." Ngumuso pa si Kyril. ko.
"Alam mo naman na kailangan," sabi ko tsaka sumandok na ng pagkain.
"Ano, game ba kayo mamaya? May pasok ba kayo sa Swiftea, Vera, Ate Kim?" tanong ni Briana, siya ang pinakamakulit at bata sa amin.
"Saan naman, Bri?" kunot noong tanong ni Andrea.
"Sa Montreal heights. Opening ng club namin," sabi ni Briana habang may malaking ngisi.
"Game!" sabi pa namin nang sabay-sabay at nagtawanan. Tanghali pa naman ang pasok ko bukas sa Swiftea kaya ayos lang kahit magclubbing ako ngayon.
Pagtapos kumain ay nagligpit na kami ng pinagkainan namin tsaka dumerecho sa kwarto ni Andrea. Si Andrea kasi ang fashionista dito sa bahay. Sandamakmak ang mga damit niya palibhasa ay anak mayaman. Tumira lang siya dito dahil sa kabilang bayan pa ang bahay nila at dito siya sa Montreal nag-aaral. Si Briana ay anak mayaman rin, parehong nasa U.S. ang mga magulang niya at ang Kuya niya lang ang nandito sa Montreal, ayaw naman niya magstay sa apartment nila kaya pumayag na ang parents niya na dito siya mangupahan. Si Kyril naman ay ulila na katulad ko. Pareho din kaming part time model sa iisang agency habang si Ate Kim naman ay self support, siya ang nagpasok sa'kin sa Swiftea.
Napili ko ang isang cream na skater dress at black na pumps ni Andrea. Naligo na rin muna ako sa kwarto ko tapos ay bumalik sa kwarto ni Andrea para magmake up.
Light lang ang make up ko pati ni Ate Kim, samantalang parang aattend ng prom kung makapagmake up ang tatlo.
"Oh, My God! I miss my night life," sabi ni Andrea tsaka sumakay sa driver seat. Sasakyan niya ang gagamitin namin dahil siya lang naman ang may sasakyan sa amin.
"Ang O.A mo, Andrea! Last week lang ay pumunta tayo sa The Paradise," sabi ni Kyril sabay halakhak. Nagtawanan naman kaming lahat.
Sa backseat kaming tatlo habang si Ate Kim ang nasa front seat.
"Night life means hot boys!" kinikilig pa na sabi ni Briana.
"My Goodness, Bri! Ang bata mo pa!" saway sa kanya ni Andrea.
"Hoy! Mas matanda ka lang ng isang taon." Inirapan niya pa si Andrea. Natawa na lang kami.
"Bata ka pa rin," ani Andrea.
Nag-asaran pa sila nang nag-asaran na dalawa hanggang sa makarating kami sa Montreal Heights. Bumaba na kami at pinark naman ni Andrea ang Odyssey niya. May mga hindi kataasang mga buildings 'di gaya sa Maynila at nakakasilaw ang maraming ilaw, palibhasa ay nasa Sentro ng Montreal.
Si Briana ang unang pumasok dahil hahanapin niya pa ang kuya niya.
"It's showtime!" Kyril flipped her hair before entering the club.
Sobrang lakas ng tugtog sa loob at sobrang wild ng dance floor, napangiti na lang ako. Tama si Andrea, nakakamiss ang night life kahit kakalabas lang namin last week.
Inabutan kami ng waiter ng French 75 drinks na agad kong nilagok.
Yes, this is my diversion from my stressful life.
"Hinay hinay lang, Vera!" saway ni Ate Kim. Nginitian ko lang siya, ganyan talaga ang sinasabi niya pero mamaya ay makakarami rin siya ng inom.
Iginiya kami ni Briana papuntang VIP seats, sumasayaw sayaw pa siya habang papunta kami doon.
"OMG! I saw Wainwright here!" nagtititiling sabi ni Kyril.
"Sino 'yon?" tanong ko. Hindi makapaniwala nila akong tinignan.
"Seriously, Veranica?" dismayadong tanong ni Kyril. Kumunot lang ang noo ko.
"He is the famous, Sage Wainwright. Basketball team Captain ng St. Scholastica, pero I heard lilipat na siya sa St. Celestine. Swerte niyo!" nakangusong sabi ni Andrea.
Sa St. Scholastica sila nag-aaral ni Ate Kim. Habang ako at si Kyril ay sa St. Celestine. Si Bri din ay sa St. Celestine mag-aaral sa darating na school year. Si Ate Kim ay may full academic scholarship sa St. Scholastica kaya siya nakapag-aral doon. Habang si Kyril naman ay may full scholarship sa St. Celestine dahil kabilang siya sa dance troupe ng University.
"Grabe! Nasa inyo na nga siya ng dalawang taon, sa amin naman siya ngayon," sabi naman ni Kyril, ni hindi ako makarelate sa mga pinag-uusapan nila dahil hindi ko naman kilala 'yong Wainwright na iyon.
"Tara girls, let's rock the dance floor!" malakas na sabi ni Briana tsaka tumakbo sa dance floor. Sumunod naman kami.
Habang sumasayaw ako ay may lumapit na lalaki sa'kin. Hindi ko na lang siya pinansin at patuloy na lang ako sa pagsasayaw.
"What's your name?" tanong niya tsaka lumapit lalo sa'kin. Nagkibit-balikat lang ako tsaka umalis.
I know boys, they only want you in bed. Boys will be boys. I've learned from my father!
Bumalik na 'ko sa VIP seats, naghahagikhikan naman silang apat.
"Ang tagal mo. Sayang! Hindi mo nakita si Wainwright, kadadaan lang," naghuhuramentado si Briana.
Napailing na lang ako. Hindi naman ako interesado sa mga lalaki at doon ako out of place sa kanila.
"Girls and our partner for tonight is...HENNESSY!" masayang sabi ni Briana. Nag-sigawan naman kaming lahat. Sa aming lima ay ako ang may pinakamataas na tolerance sa alak kaya ako rin ang nagiging taga-asikaso nila.
"Shot! Shot! Shot!" Pagchicheer namin kay Andrea habang nilalagok ang isang shot ng Hennessy, sa amin ay siya naman ang pinakamahina mag-inom.
Nakakadalawang bote na kami pero parang hindi pa rin umeepekto ang alcohol sa sistema ko. Nagpunta si Briana at Kyril sa dance floor, si Ate Kim naman ay biglang nawala habang ako naman ay naiwang bantay kay Andrea. Tumba na siya ngayon at ang galing lang dahil wala kaming driver pauwi.
Binuksan ko pa ang isang bote ng Hennessy tsaka uminom mag-isa. Pansin ko ang mga lalaking nagtitinginan sa direksyon ko, hindi ko na lang sila pinansin. Halos nakalahating bote ko na ang Hennessy tsaka lang dumating 'yong tatlo.
"Woah! That's my girl," sabi ni Ate Kim sabay halakhak tsaka itinuro ang bote ng Hennessy.
"Pangbato ka talaga namin, Veranica!" Nagtawanan kami sa sinabi ni Kyril. Nagulat kami nang biglang bumangon si Andrea.
"I'm gonna p**e!" sabi niya tsaka tumakbo papunta sigurong rest room. Hinabol naman namin siya. Tumatakbo ako nang mauntog ako sa dibdib ng isang lalaki.
"Aray ko!" Sapo-sapo ko ang mukha ko. Tinignan lang ako ng isang matangkad na lalaki, ni walang expression ang mukha niya.
"Hindi ka man lang ba mag-sosorry?" sigaw ko.
"You were my blocking my way, so why would I?" matigas na sabi niya tsaka umalis.
"Antipatiko!" sigaw ko tsaka tumakbo uli para puntahan si Andrea. Rinig ko pa ang tawag nila Kyril sa'kin na nasa likuran ko. Pumasok ako sa restroom at nakita si Andrea na nagsusuka. Itinaas ko ang buhok niya.
"Yuck! Gross!" maarteng sabi ni Briana pagpasok niya at umastang parang nasusuka tsaka lumabas ulit.
"Veranica Angeles! Sinigawan mo ba talaga si Sage?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Kyril na mukhang nahimasmasan na.
"Sage?" kunot noong tanong ko.
"Yes! 'Yong lalaking nakabunggo sa'yo," sinagot naman ako ni Ate Kim, sobrang pungay na ng mga mata niya.
"And so? He's rude, he doesn't even know how to say sorry." naiinis na sabi ko at humalakhak naman si Kyril.
"Hindi mo talaga siya kilala? My Goodness! He is the one and only Sage Wainwright. Kung ako ikaw, ako na mismo ang mag-sosorry sa kanya." Tinignan ko naman ng masama si Kyril.
"Well, I'm sorry to tell you, Kyril Sembrano. But you are not me," mataray na sabi ko. Humalakhak naman sila ni Ate Kim.
"Of course! Because you are Veranica Angeles!" malakas na sabi niya at nagtawanan naman kami.
Pagbalik namin sa seats ay nag-inuman ulit kami, Martini naman ang inupakan namin.
"My, God! Kung ako 'yon ay baka hindi na ako nakapagsalita," sabi ng nahimasmasan na si Andrea sabay tawa. Naikwento sa kanya nila Kyril 'yong encounter namin ni Wainwright.
Sobrang dami na naming nainom. Biglang tumayo si Ate Kim.
"Come on, girls! Let's get wild." Hinatak niya kami papuntang dance floor. Kung sinu-sino na ang nakakasayaw namin, lahat kami ay wala nang pakialam. We just want to dance!
Naramdaman kong hinawakan nung kasayaw ko ang bewang ko, gusto ko man magprotesta ay hinang hina na 'ko dahil sa epekto ng alcohol. Bigla kong narinig na may nagsisigawan. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng ulirat nang may biglang humatak sa'kin.
"Ang titigas ng ulo ninyo! Sabi ko ay tama na ang isang bote!" galit na sigaw ni Brixel, kuya ni Briana, habang hinahatak si Briana at Ate Kim.
Si Andrea naman ay buhat buhat ni Stephen, mukhang nawalan ng malay habang si Kyril ay hinahatak naman ni Alezander. Tinignan ko kung sinong humihila sa'kin at nalaglag ang panga ko nang makita 'tong si Sage Wainwright. Matalim ang tingin niya sa'kin. Binitawan naman niya 'ko.
"I'm gonna take Kim and Bri. Ikaw Stephen, gamitin mo ang Odyssey ni Andrea," sabay turo niya sa Scarlett na kotse ni Andrea.
"At ikaw Zander, iuwi mo na si Kyril. Isabay mo na rin si Vera." Tumango naman si Alezander. Susunod na sana ako kay Alezander nang bigla akong hilahin ni Sage.
"I'll take her...home," madiin na sabi ni Sage. Tumango naman si Alezander at doon tuluyan na akong nawalan ng malay.