CHANCES 50

2016 Words

Hindi matigil-tigil ang pagtulo ng mga luha ko habang papalapit ako kay Sage. Nanlalamig pa 'ko at pakiramdam ko ay nanginginig ang buong katawan ko. Lumingon ako sa paligid ko. Pare-parehong umiiyak sina Ate Kim, Briana, Andrea, Celine, Sazy at Jade, ang mga bridesmaids ko. Panay din ang punas ni Kyril sa luha niya. Kyril is my maid of honor habang si Alezander naman ang best man. Nakita ko rin si Gaby. Nginitian ko naman siya. Napangiti pa ako nang makita ko si Dina, iyong batang babae na kasama sa mga pinapakain ni Kyril tuwing Christmas eve. Siya ang little bride ko. Napahawak naman ako sa tyan ko nang parang sumipa ang baby ko. Sobrang saya mo rin ba anak ko? Narinig ko pa ang pagsinghot ni Papa kaya bumaling ako sa kanya. "I love you, Papa!" Lalo naman siyang naiyak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD