Pagkatapos namin kumain ay napagdesisyunan namin ni Sage na maglong ride tutal maaga pa naman.
"Lalabas ba tayo ng Montreal?" tanong ko nang mapansin na tinatahak namin ang daan palabas ng Montreal.
Umiling lang siya.
Nangunot ang noo ko nang bago pa kami tuluyang makalabas ng Montreal ay iniliko niya sa isang dead end ang kotse niya.
"Sage! Dead end na ito."
Tanging ngiti lang ang natanggap ko.
Malubak at mahirap ang daan. Hanggang ngayon ay wala pa din akong ideya kung saan ba talaga kami pupunta.
"Vera, we need to walk. Hindi kaya ng sasakyan ko ang malubak na daan. I should bring the jeep instead." Naunang bumaba si Sage at pinagbuksan ako ng pinto.
"Hindi ba delikado? Baka meron dito nung mga kagaya sa wrong turn?" tanong ko. Hindi mapagkakaila ang takot ko.
Tumawa si Sage. "I'm here. I will protect you."
Sage assurance makes me feel really secured.
May kinuha pa siya sa likod ng sasakyan niya na mga pagkain.
"Sage, kung gusto mo pa lang mag-piknik ay pwede naman sa Montreal Park o 'di kaya sa Montreal Flower Fields."
Patungkol ko sa mga magagandang spot na pwedeng mag-piknik.
"Just trust me, love, okay?" Tumango ako.
Hawak ni Sage ang kamay ko habang tinatahak namin ang masukal na daan.
"Ang kati!" daing ko nang may tumusok sa'kin na halaman.
"Sumakay ka sa likod ko. Piggy back ride."
Nagulat pa ako pero wala akong nagawa dahil sa hindi naman ako mananalo kay Sage.
Amoy na amoy ko ang bango ni Sage. Napangiti naman ako at lalong ibinaon ang mukha ko sa leeg niya.
God! I'm really in love with this man!
Naliwanagan ako nang matanaw ko ang pinakasikat na talampas dito sa Montreal.
Ang talampas ng Pag-ibig.
Ibinaba ako ni Sage nang makarating kami sa talampas.
"Ang sabi nila ang taong una mong kasama sa pagpunta rito ay siya na rin ang taong makakasama mo habang buhay. And I want you to be the woman who I will spend the rest of my life with, Vera."
Napangiti naman ako.
Sikat na sikat ang paniniwalang iyan dito sa probinsya ng Montreal. Mahirap nga lang puntahan ang lugar pero masasabi kong worth it pala.
"Hindi ko alam na naniniwala ka pala doon?"
"Wala namang mawawala and besides pumunta man tayo dito o hindi ay ikaw talaga ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay." Lumawak ang ngiti ko tsaka niyakap siya.
Umakyat kami sa may talampas medyo mahirap lalo na at madulas ang sapatos na suot ko pero pagdating sa taas ay patag naman na.
"Wow!" sambit ko nang tuluyang makaakyat sa talampas.
Mataas ang pinaglalagyan ng talampas at sa ibaba naman ay makikita mo ang lawa ng Celestina.
"Sage pwede ba tayong pumunta sa Celestina lake?"
"Vera, maybe next time. Mas maaga tayong pupunta dito. Matarik ang daan pababa ng lawa at delikado kung aabutan tayo ng dilim."
Tumango ako. Sayang at naaakit ako sa linaw ng tubig ng lawa.
"Don't be disappointed. We will come back here as soon as possible, kasama sila Zander." Ngumiti ako.
Maganda ngang ideya kung marami kaming pupunta dito.
Ang sarap ng simoy ng hangin. Kahit na taga rito ako sa Montreal ay marami pa akong hindi napupuntahan.
"Enjoying the view?" tanong ni Sage.
Ngumiti ako at tumango. "Very much!"
Mula taas ng talampas ay matatanaw mo ang flower fields ng Montreal. Kitang-kita rin ang pagiging berde ng probinsya.
Naglatag ng isang kulay itim na tela si Sage.
"Hindi mo naman ito pinlano diba?" tanong ko sabay halakhak.
"Matagal ko nang plano ito ngayon lang natuloy," sagot niya at hinawakan ang kamay ko.
"First time mo talaga dito?"
Tumango siya. "Oo. Sinabi ko lang sa sarili ko na pupunta lang ako dito kapag kasama ko na ang babaeng mamahalin ko habang-buhay."
"At talagang naniniwala ka sa paniniwalang iyan tungkol sa Talampas ng Pag-ibig?" tanong ko habang may ngisi sa mga labi.
Nagkibit-balikat lang siya.
Binalot kami ng katahimikan. Sa likod ko nakapwesto si Sage. Nakasandal ako sa dibdib niya at yakap-yakap niya 'ko.
Nakatingin ako sa langit. Kulay bughaw pa rin ito pero hindi magtatagal ay magiging kulay kahel at lulubog ang araw.
"Sage, can we stay here until the sunset?"
"Are you sure?" Rinig ko ang pag-aalala sa boses niya.
Tumango ako. "May nakakaligtaan ka about sa paniniwala sa Talampas ng Pag-ibig. Ang sabi, magkakatotoo lang daw iyon if you stayed here at the top and watched the sunset."
Humigpit lalo ang yakap niya.
"Yeah. The keyword is sunset."
Napangiti ako.
I'm hoping that it is true.
Hindi rin nagtagal ay naging kulay kahel na ang langit. Hindi mawala ang ngiti ko habang pinapanood ang paglubog ng araw.
Ang ganda!
"Vera, I love you so much!" bulong ni Sage.
Hinarap ko siya. "I love you too, Sage."
Naramdaman ko ang paglapat ng mga labi namin kasabay ang tuluyang palubog ng araw.
Dahil sa gabi na ay mas nahirapan kami sa pagtahak palabas ng lugar at kagaya kanina ay isinakay ulit ako ni Sage sa likod niya hanggang sa makarating kami sa kotse niya.
"Sana man lang ay maisipan ni Mayor na magpalagay ng street lights dito. Ang dilim!" reklamo ko dahil sa dilim maging sa kalsada paglabas namin ng dead end.
Pagkahatid sa'kin ni Sage ay umuwi na rin siya. Hindi naman mawala ang ngiti sa labi ko.
"Happiness overload, ah? Saan kayo galing?" bungad sa'kin ni Kyril.
"Sa may talampas," sagot ko.
Nangunot naman ang noo nila. Nagawa pang ipause ni Briana ang pinapanood nilang movie.
"Saang talampas?" tanong ni Kyril
"Pag-ibig," sagot ko sabay ngiti.
"Seryoso?" tanong ni Briana.
"Oo nga."
"Ang alam ko mahirap ang daan papunta roon," ani Kyril tsaka sumalampak sa tabi ko.
"Mahirap nga pero worth it naman." Hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko.
"O, edi habang-buhay na kayo ni Sage?" panunukso pa ni Ate Kim. Ngumiti na lang ako tsaka nagkibit balikat. Inulan naman nila ako ng panunukso tsaka nagplano ng kasal namin ni Sage.
"Ano bang motif ang gusto mo?" masayang tanong ni Briana.
"Vera, you like pastel colors right? Definitely pastel pink?" ani Andrea.
"Tumigil nga kayo. Kasal agad? Hindi pa nga kami umaabot ng buwan."
Nagtawanan lang sila.
"Siyempre girl scouts kami, laging handa," sabi pa ni Kyril tsaka sumaludo.
Natawa naman ako. "Ewan ko sainyo." Napailing na na lang ako tsaka umakyat sa kwarto.
Hinagilap ko ang phone ko at nakitang may message si Sage.
Sage:
I'm home. I will just take a shower then I will sleep. Sobrang pagod, e. I love you!
Napangiti naman ako tsaka nagtipa ng irereply ko.
To: Sage
Sure. Good night. Sleep well. I love you too!
Pagkasend ay dumerecho na rin ako sa banyo para magshower pagkatapos ay natulog na din ako.
Mabilis ang pagdaan ng mga araw at ngayon ay ikatlong araw na simula noong nagpunta kami sa talampas. Gaya ng gustong mangyari ni Sage ay iniiwasan ko si Liam. Ayoko na rin kasing magkagulo pa at mag-away uli kami ni Sage.
"Vera!" Napalingon ako sa tumawag sa'kin.
Nandito ako sa cafeteria at hinihintay ko si Kyril dahil may meeting sila ng dance troupe. Pupunta kasi kami sa Queenz para sa practice ng fashion show na gaganapin sa katapusan.
Agad ko naman na kinuha ang bag ko at nagmadaling umalis pero naabutan ako ni Liam.
"Iniiwasan mo ba 'ko?"
Kita ko ang inis sa mukha ni Liam.
"Please! Ayoko ng g**o," sabi ko at akmang aalis na pero hinawakan niya ko sa braso.
"Bitawan mo ko, Liam!"
"So sinasabi mo that I'm a troublemaker?" madiin na tanong niya.
"Liam, ayoko lang na mag-away kayo ni Sage. Baka kung ano pa ang magawa niya sa'yo!"
"I'm not scared of him, Vera."
Nakaramdam na ako ng inis dahil sa ayaw akong bitawan ni Liam.
"Please, Liam! I'm doing this for the best," sabi ko.
"Hiniling ba ito ni Sage?" Lalong lumabas ang galit sa mukha niya.
"Hindi. I just really want to avoid trouble."
Tumaas ang sulok ng labi niya.
"Last time I checked okay tayo, Vera. You even went to my party at sinuot mo iyong damit na ibinigay ko sa'yo!"
"Let her go, Liam!" madiin na sabi ni Sage.
"Wag mong sakalin si Vera! Oo boyfriend ka niya, Sage pero hindi mo siya pag-aari!"
"She's mine Liam. Do you really want to hear it coming from Vera?" Ngumisi pa si Sage. "Vera, can you please tell him na pag-aari kita at akin ka?" Madilim ang mga mata na tinignan ako ni Sage.
Pinagbubulungan na kami dito sa cafeteria dahil sa commotion na nangyayari.
"Liam, Sage owns me and please... wag ka nang lalapit sa'kin," mahinang sabi ko. Naguilty ako nang makita ang sakit sa mga mata ni Liam.
I'm sorry, Liam. I know you've been good to me pero I badly need to this para sa ikatatahimik ng lahat.
Ngumisi sa'kin si Liam tsaka umalis. Hinila ako ni Sage palayo sa cafeteria.
"Sage, umiiwas na ko siya-"
"I know. Pero kay Liam ba talaga galing iyong damit mo na ginamit noong party niya?" Umaapoy sa galit ang mga ni Sage.
Tumango ako. "He gave me that bago pa man tayo maging okay at isinuot ko lang iyon because I have no choice. Wala akong ibang masuot na dress."
Hinilot ni Sage ang sintido niya.
"Itapon mo na ang damit na iyon, Veranica! I can buy you clothes!" madiin na sabi niya.
Tumango ako. "Oo Sage."
"Come on. Ihahatid na kita sa Queenz," sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
"Paano si Kyril?"
"Siya ang nagsabi na ihatid kita dahil matatagalan pa raw ang meeting nila dahil may competition silang sasalihan. Si Zander na bahala sa kanya."
Tumango naman ako tsaka sumakay sa kotse niya.
Tahimik lang kami sa byahe. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa kamay ko.
"Anong oras ang tapos ng practice niyo?" tanong ni Sage.
"Maybe 7 or 8. Hindi pa 'ko sigurado."
"Just text me, ako na ang maghahatid sainyo ni Kyril. You take care. I love you." Hinalikan niya pa ko sa noo.
Tumango ako. "You take care too and I love you too."
Pagkabababa ko ay agad umalis si Sage. Malapit nga pala dito ang subdivision nila. I wonder kung nandoon pa rin si Gaby?
Pagpasok ko sa loob ay nandoon na lahat ng models.
"Where's Kyril?" tanong ni Alexa.
"May meeting pa sa dance troupe," sagot ko. Tumango naman siya.
"Halika, Vera!" tawag sa'kin ni Celine kaya agad akong nagtungo sa kanya.
Dahil kabilang ako sa star of the show ay sa huli ako nakapwesto nasa unahan ko si Kyril.
Nakaisang pasada na kami tsaka lang dumating si Kyril.
"Ang arte ni Aliya ang daming gustong gawin. Nakakabwiset!" iritadong sabi niya. Si Aliya ay iyong president ng dance troupe nila.
"Palibhasa ay doon sa loob naghihintay si Zander kaya lalo niya pang pinatagal ang meeting."
Natawa naman ako.
"What?" angal niya.
"Ampalaya ba ang ulam natin kanina?" tanong ko sabay halakhak.
Sinamaan niya ko ng tingin. "I'm not bitter, Vera. Wag mo 'kong asarin."
"Hayaan mo at sa'yo ko ipapasa ang korona ng pagiging in denial." Inirapan niya ako kaya natawa ako.
Naging smooth ang daloy ng practice kaya naman alas syete pa lang ay tapos na kami.
Sumalampak ako sa sofa at magtitipa sana ng text para kay Sage nang lapitan ako ni Celine.
"Vera, pinapatawag ka ni Madam V."
Nagulat naman ako.
"Bakit daw?" Nagkibit balikat siya.
Nagmadali naman akong umakyat sa 10th floor kung saan nandoon ang opisina ni Madam V.
Kinakabahan akong kumatok sa pinto ng opisina niya.
Mawawalan na ba 'ko ng trabaho dito? Bakit?
"Come in," madiin na sabi ni Madam V.
"Ikaw pala yan, Vera." Sinalubong niya ako ng isang ngiti at sinuklian ko iyon.
"Good evening po."
"Maupo ka."
Kahit na nakangiti ay nakakaintimidate ang aura ni Madam V at ang totoo ay ngayon ko pa lang siya nakausap simula noong magtrabaho ako dito. Madalas kasi ay kapag sa aming mga models ang assistant niya ang kumakausap.
"I would like to congratulate you for being the top model of the month."
Nanlaki ang mata ko.
"Talaga po?"
Hindi ko inaasahan iyan dahil sa mas madaming magagaling na models at magaganda.
"Yes. And you were also the top influencer para sa mga brand that you were endorsing," sabi pa ni Madam V.
"This is so overwhelming po."
Nag-uumapaw na kasiyahan ang nararamdaman ng puso ko. Ang totoo ay pangarap kong maging isang supermodel hindi lang dito sa bansa but International Supermodel.
"And as a reward, I'm giving you this."
May inabot siya sa'kin na isang pink envelope na may nakalagay na QUEENZ.
"Come on, open it!" excited na sabi ni Madam V.
Tumango ako at binuksan ang envelope.
Nanlaki ang mata ko.
It is a scholarship in London. Pagkatapos ay may modeling career din ako sa Star Corporation sa London. It's an International modeling agency.
"This will be the the biggest advantage for your road to International Supermodel. Alam kong pangarap mo maging International Supermodel."
Namilog lalo ang mata ko sa sinabi ni Ma'am V.
"They train models very well. From modeling of different clothes and accessories to runway, Vera, at pagkatapos ka nilang itrained they will definitely refers you to Supermodel Corporation, where great International supermodels were produced." Napatakip ako sa bibig ko.
"Totoo ba ito?" tanong ko.
"Yes, Vera. It's a four year scholarship. You can continue your study there," masayang sabi niya. "Alam kong hindi mo ito tatanggihan. Tama ba?"
Naisip ko si Sage.
Yes, bago ko siya makilala this is what I want. This is my biggest dream but now ewan ko.
I remembered naghiwalay sila ni Gaby because Gaby wants to pursue her modeling career.
I only have two options.
It is between Sage and my carreer.
Walang pag-aalinlangan akong umiling kay Ma'am V.
I clearly choose love. I clearly choose Sage.