Cheska's POV 4 months later Pupunta ako ngayon sa kumpanya ni hubby. Hindi lang kasi yung bar ang business niya ngayon. Mula ng mamatay ang ex niya pinagtuunan na niya ng pansin ang pagbi-business. Oo, naikwento na sa akin ni hubby ang nakaraang love life niya at naiintindihan ko ang nangyari noon. Alam kong masakit para sa kanya ang mamatay ang pinakamamahal niya pero thankful ako dahil kahit mahirap sinusubukan niya pa ring mag move on at ibaling sa akin ang pagmamahal niya. Bago ako pumunta sa kumpanya ni hubby nagluto muna ako ng favorite niyang ulam. Nalaman ko kasing simula ng mag asawa si ate Alex at nagbakasyon sina daddy Kael at mommy Eunice — nakausap ko na kasi sila sa chat noon at masasabi kong tanggap nila ako sa anak nila dahil nga sinabi nilang mommy at daddy na lang ang

