Xander's POV "Bakit mo ako pinatawag Hime?" tanong ko. Nasa office ako kanina ng bigla siyang tumawag at pinapapunta sa bahay nila kaya nandito ako ngayon. "Nagpatawag ng meeting si king Sergio" sabi niya. Si king Sergio. Ang hari sa buong mafia, siya ang pinakaginagalang at kinakatakutang mafia boss sa buong mafia world. "Kailangan nila ang prisensya ko doon pero dahil kapapanganak ko pa lang hindi ako pwedeng lumipad papuntang puerta princesa" Isang linggo pa lang matapos manganak ni hime at dahil cesarean siya kailangan niya ng mahabang pahinga lalo na't muntik na siyang mag agaw buhay. "At Ako ang naisip mong pumalit sayo" hindi yun tanong, statement yun dahil alam ko naman ang sasabihin niya kaya niya ako pinatawag dito. "Exactly" nakangiting sabi niya. "Hindi pwedeng hindi tayo

