Naka labas na ako ng hospital ngayon at kasalukuyan akong nakatira ngayon sa condo ni Killian, may trial siya ngayon kaya ako lang ang mag isa ngayon sa condo niya. Today I planned to surprise him, sasagutin ko na siya ngayon, at habang iyong sa batang sinabi sa akin ni Sierra noong nakaraan ay ngayon ko rin kakausapin si Killian. Balak kong ako nalang ang mag luto ara mas espesyal, atsaka matagal ko na rin siyang hindi naipag luluto kaya maganda itong nasa isip ko ngayon. Kakatatapos ko lang maligo kaya nag bihis na ako, pupunta ako sa grocery ngayon dahil wala pang laman ang fridge ni Killian. Kasalukuyang nag riring ang telepono ni Killian, nag kibit balikat nalang ako nang hindi niya nasagot ang tawag ko. "Baka nasa hearing na siya" bulong ko sa sarili ko at lumabas ng condo, may

