Maaga akong gumising dahil maaga ang opening ng cafe ngayon, dahil sabado ngayon siguradong mag dadagsaan ang mga costumer ng cafe dahil nga walang pasok, kaya inaasahan na nila ang mga estudyanteng tatambay sa cafe. Pagka tapos ko mag ayos ay lumabas na ako ng apartment ko, at dahil wala namang dress code or uniform ang cafe, nasusuot ko ang gusto ko, at dahil ang cafe ay may garden vibe, palaging mga floral dresses an suot ko, ngayon ay napag desisyunan ko isuot ang kulay dilaw kong bestida. Mabilis akong nakarating sa cafe dahil sobrang lapit lang ng apartment ko sa cafe, pumasok ako agad sa cafe, kahit na sobrang aga pa ay may mangilan ngilan nang dumadaan sa cafe para bumili ng pang umagahan nila, pinalitan ko si Cherry sa may cashier dahil kitang kita ko pa ang pagka antok nito.

