Chapter 27 Gabriel Nasa hospital ako nagbabantay sa walang malay kong Lola, na-komatos ito dahil sa pagkahulog niya sa hagdan sa mansyon. Sa tuwing tinitingnan ko ang lola sa ganitong kalagayan na puno ng aparatos sa katawan at naka-oxigen pa, lalo akong namuhi sa asawa ko. Bago ako umuwi ng araw na iyon sa mansyon ay dumaan pa ako sa isang flower shop para bilhan ng bulaklak ang asawa ko. At bumili pa ako ng cake at shawarma na paborito niya, pero pagpasok ko sa mansyon nakita ko na parang tinulak nya si Lola, kaya nakita ko kung paano nahulog si Lola. Gusto kong durugin ang asawa ko ng mga oras na iyon. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at agad kong dinala ang Lola sa hospital. Habang sa emergency room ang Lola, hindi ko inaasahan na susunod si Allysa sa amin. Kaya,nan

