Chapter 23 ALLYSA Tinanong ko si Gabriel, habang nakaupo kami bench. ''Palagi ba kayo ni Dexter dito?'' tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin ng makahulogan. ''Tuwing unang linggo ng buwan at tuwing bagong taon pumupunta kami rito,'' sagot niya sa'kin at sumandal sa bench. Ang kaniyang dalawang kamay ay nakadipa sa barandilya ng bench. Tumango-tango lang ako sa sinabi niya. ''Akala ko ba three year's kayong magkasintahan? Eh, parang hindi mo yata alam ang buhay ng ex-boyfriend mo?'' nakakauyam niyang tanong sa akin. ''Syempre, hindi naman lahat alam ko. Isa pa lagi kaya siya sa abroad para mag-aral ng medisena?'' sagot ko sa kaniya. ''Well, kaugalian na namin ng ex-boyfriend mo ang tumulong sa mga bata at kaya nandito siya para tingan ang mga kalusugan ng mga bata. Minsa

