Nang makalabas si Jio sa kwarto ay bumalik ako sa kama at itinakip sa mukha ang unan saka sumigaw roon. Nagpagulong-gulong ako hanggang sa maalala ko na babalik pala siya rito. Dali-dali akong tumayo at tumakbo papuntang banyo para makapag-ayos. Nakakahiya. Nakita niya ako nang bagong gising. Tiningnan ko ang sarili sa salamin at wala naman akong muta. Inamoy ko rin ang hininga ko. Amoy alak. Shocks! Ano bang naisip ko at lumaklak ako ng alak. Dapat kinausap ko muna siya, eh. Ang sakit tuloy sa ulo ng hangover. Naligo na ako at nagbihis dahil baka maabutan niya pa ako nang nakatapis lang. Nang matapos ako ay kinuha ko ang cellphone ko habang naghihintay. Ang daming missed calls sa akin ni Akira kaya tinawagan ko siya. “Hoy, anong nangyari sayo? Ikaw ha, hindi ka umuwi--” “Akira is s

