“Teka lang, hoy! Baka naman madapa ako.” Mahigpit ang hawak ko sa mga kamay ni Jio dahil wala akong makita. Parang lalabas na ang puso ko sa lakas ng t***k nito. Kinakapa ko pa ang paligid namin kung may makakapitan pa ako pero wala akong mahagilap. “Don’t you trust me?” natatawang tanong ni Jio kaya bahagya ko siyang kinurot sa tagiliran. “Malakas kasi amats mo. May nalalaman ka pang blinddfol-blindfold,” ani ko na natatawa sa mga naiisip niya. “Don’t take off your blindfold until I say so, okay?” Binitawan niya ang kamay ko at umalis sa tabi ko. “Hoy! Love! Saan ka pupunta? Gago ka, ba’t mo ko iniwan dito?” kinakabahan kong tanong. May naamoy akong kandila. Lumakas din ang hangin sa paligid. Maya-maya lang ay nakarinig ako ng strumming ng gitara. “Remove your blindfold, Missy,” utos

