“Baby, anong gusto mong kainin?” tanong ko kay Eryll habang naglalakad kami sa mall. Nakangiti siyang tumingin sa akin habang hawak pa rin ang braso ko. “Ikaw ba, baby?” pabalik niyang tanong. Natawa ako sa kaniya saka umiling. “Ako ang gusto mong kainin?” kunwari ay nagulat kong sabi. Hinampas naman niya ako sa dibdib kaya napahawak ako roon dahil sa lakas ng ginawa niya. “Siraulo!” natatawa niyang wika. May nakita akong ice cream parlor kaya naman hinila ko siya papunta roon. “Ice cream?” tanong ko nang nasa tapat na kami. “Sige!” masaya niyang sabi at nauna pang pumasok sa loob. Nakahanap kami ng pwesto sa hindi kalayuan at malapit sa bintana na mga stool. “Wait for me,” paalam ko sa kaniya na ikinatango niya lang. Naglakad na ako papuntang cashier para tumingin ng mga flavors sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


