Tuloy-tuloy lang ang agos ng luha ko. Hindi ko hinayaan na may kumawalang ingay dahil ayokong ipakitang nasasaktan ako kahit na obvious naman na ngunit bahagya akong natigilan nang magsalita si Harry. “You can cry loudly, you know.” Mas lalong dumami ang mga luha at hagulgol na kanina ko pa pinipigilan kumawala. Sobra-sobra na ang sikip ng dibdib ko na parang hindi na ako makahinga. Ang sikip na parang hinihingal ako pero hindi ako makahanap ng hangin. Mas isiniksik ko ang sarili ko sa upuan. Ano ba ang dapat kong asahan? Na hindi kaniya ang bata? Sa itsura niyang iyon imposibleng walang nauna sa akin ‘di ba? Hindi ko na napigilan ang paglakas ng mga hagulgol ko. Umikot pa ako at tumapat sa bintana at saka itinaas ang mga tuhod para yakapin. Magulo na rin ang ayos ng seat belt sa akin

