"Emman, s-sasagot nalang ako.." nahihirapan akong magsalita habang nasa ganoong posisyon kami. He keeps on seducing me but I should not make things na pagsisisihan ko sa huli.
"Hindi mo kaya..." bulong niya sa akin sabay kagat sa aking tainga. It gives me a sensual feeling and it keeps on making me feel so weak.
Huminga ako nang malalim saka kumuha ng lakas upang magsalita muli.
"Emman, kaya ko."
"Talaga?"
"Oo nga, bakit ayaw mo maniwala?"
"Pero time's up na, paano ba yan..." kinabahan ako nang sabihin niya iyon, alam ko sa sarili ko na kung ano man ang gawin niya sa akin ay hindi ako makakatanggi.
"E-emman, hindi ba mali 'to? Maaga pa masyado..."
Humiga siya sa tabi ko saka tumawa ng pagkalakas-lakas.
"Oh, bakit ka tumatawa diyan? Nakakainis ka!" siniko ko ang tagiliran niya dahilan upang mapadaing siya.
"Ahahaha, aray naman.." sandali siyang natahimik at muling natawa.
"Bakit ka nga tumatawa? Nakakainis na." iniangat ko ang sarili ko mula sa pagkakahiga at umupo.
"Wala, hahaha... Ang cute mo kasi kanina, hahahaha." pang-aasar niya.
"Ewan ko sayo, magbihis ka nga." kinapa ko sa aking tabi ang nahulog niyang damit at iniabot sa kaniya.
He hugged me from my back and kissed me on my cheek.
"Baby, sabi mo sasagot ka na... So, ano yung greatest gift na gusto mong matanggap sa birthday mo?" naging malumanay na ang pagsasalita niya.
"Gusto ko nga makita yung ngiti mo. Yung makita, gamit yung mata, hindi yung maramdaman lang. Basta ganon. Gusto ko makita yung mukha mong tukmol ka, yung ikaw, ano ba itsura mo ganun."
"Sure ka yun talaga? "
"Oo nga.."
""Ayaw mo ba yung letter B?" pang-aasar niya sa akin..
"Letter B? Anong B?"
"Letter B, yung choice number 2.."
"Ha?"
"Letter B, ayaw mo ba ng Baby?" tugon niya sabay ng kaniyang paghalakhak.
"Baliw ka talaga." hinampas ko ang mga braso niyang nakapalibot sa aking baywang.
Pinakawalan niya ako mula sa kaniyang mga yakap at lumipat siya sa aking harapan. Nakaupo kami, facing each other at hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Baby, diba sabi ko naman sayo na gagawin ko ang lahat para mapasaya kita? I will do everything I can to make you feel complete. Mahal na mahal na mahal na mahal kita, at kung mawala man ang lahat sa akin kapalit ng kasiyahan mo, gagawin ko."
Natahimik ako nang magsimula siya sa pagsasalita at patuloy na nakinig.
"Sheena, a while ago I asked you, ano ang greatest gift na gusto mo makuha para sa birthday mo. You said that you want to see my smile, my face, gusto mo ako makita... And now, gusto ko ibigay yun sa iyo. But you have to believe me."
I was so shocked with what he had stated.
"Hah? Paano.. Imposible yun. Emman ok lang. Hindi naman lahat ng gusto natin, nakukuha natin. Being with you is enou~"
"Please, baby just trust your man... Please?" pinutol nya ang aking pagsasalita at hindi na muli ako nakasagot. Tumango na lamang ako at ngumiti sa kaniya.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang gusto niyang mangyari... Pero may tiwala ako sa kaniya.
"Baby, ang gusto ko lang ay isipin mo na hindi masakit, walang masakit at paniwalaan mo iyon.."
"huh, s-sige."
"Just keep your eyes open, mabilis lang ito."
He touched my left eye and I felt something... Parang may kinuha siya doon pero hindi masakit.
"Baby, w-wait lang ah.. Promise mabilis lang ito." he said as he removed his hands from my eyes.
"Pikit ka muna ngayon.." sinusunod ko ang mga sinasabi niya.
Maya-maya pa ay nagsalita muli siya.
"Can you open your eyes again?"
Agad kong minulat ang mga mata ko.
"Baby, may ilalagay lang ako... Mabilis lang ito at hindi masakit."
Dahil sa kaba, nagkaroon ng pag-aalinlangan sa akin at hindi ko magawang mapaniwala ang sarili ko na hindi masakit ang mangyayari.
He put something in my eyes at sobrang sakit non.
"Araaaay!!! Ahhhhhuh... Sh*t EMMANN!!! EMMAN MASAKITTTTT!!! "
"Hah? Hala, Sheena, wait sorry.... s**t, baby sorry, sorry..."
Pareho kaming nataranta sa mga pagkakataong iyon. Sobrang sakit, parang tinusok at nilapirot ang kaloob-looban ng mata ko. All I could do is to close my eyes and cry.
Niyakap niya ako nang mahigpit at patuloy na nagsalita.
"Sheena, baby, please listen to me, you're in dream world. Please, just believe that it doesn't hurt. Kaya mo yan."
Sobrang sakit pa rin ng kaliwang mata ko at patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Pero habang patuloy sa pagsasalita si Emman, unti-unting nababawasan ang sakit.
"Baby, kaya mo yan..."
Niyakap lamang niya ako at patuloy na hinagod ang aking likuran.
"Unti-unti ay nababawasan ang sakit ng mata ko ngunit natatakot pa rin akong dumilat.
Nang mawala na nang tuluyan ang sakit ay niyakap ko na siya pabalik.
"E-emman ok na.. Hindi na masakit."
Tinanggal niya ang mga kamay niya mula sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang aking kamay.
"Open your eyes na."
Takot pa rin akong buksan ito... Ilang beses kong sinubukan ngunit nanaig pa rin ang takot kaya't hindi ko nagawa.
"Sheena, hindi na masakit diba? Please, trust me baby, open your eyes na..."
Pinilit ko ang sarili ko at unti-unting binuksan ang mata ko.
Nang mabuksan ko ito nang tuluyan, tumulo ang ilang patak ng luha sa mata ko.
"Baby, surprise! Happy Birthday! Now, can you tell me what you see?" he asked me.
"Darkness, ganun pa rin."
Pareho pa rin ang nakikita ko, dilim. Nilibot ko ang mga mata ko at dilim pa rin ang nakikita ko. Napansin kong hindi kumibo si Emman kaya naman sinubukan kong kunin ang kaniyang atensyon.
"Emman? Ok ka lang ba? "
He did not answer me instead, he removed his hands into mine and holds my face softly. Iniharap nya ang mukha ko sa kaniya.
"Sorry if I fail.. Sorry kung hindi ko mabigay yung gusto mong regalo." may pagpiyok sa bawat salitang lumalabas mula sa bibig niya, sinundan din ito ng mga hikbi.
A few moments later, there's a sudden change in my vision. It's very unusual but I could tell that I am seeing something I can't recognize.
It is blurred, malabo. Pero palinaw nang palinaw. Maya-maya pa ay unti-unti nang lumilinaw ang nakikita ko sa aking harapan. Hindi ko mapigilang mapaluha sa mga pagkakataong iyon and I can't explain the feeling of seeing something for the first time.
Nang malinaw ko nang nakikita ang imahe sa gitna ng kadilimang simula't sapul ay siyang nakikita lamang ng mga mata ko, sinubukan kong hawakan ang imaheng ito.
"Emman? I-ikaw ba yan?" hindi ko tinanggal ang aking tingin sa tanging bagay na nakikita ko ngayon. Unti-unti kong inilapit ang kamay ko sa kaniya. Tuluyan ko nang nahawakan ang imaheng ito at tumingin siya sa akin.
"N-nakikita mo na ako?" he asked as his tears continued to flow from his eyes.
Tumango ako sa kaniya at bumuhos ang mga luha mula sa mga mata ko. Hindi ko maexplain ang feeling but I am so overwhelmed to see his lips moving as he speak.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at inilapit sa kaniyang mukha.
"S-sheena, Sheena naaalala mo ito?" inihimas niya ang mga kamay ko sa kaniyang pisngi.
"A-ang, ang tawag dito, ito yung pisngi ko. Dito mo ako kinikiss." patuloy siya sa pagsasalita at sa paglibot ng mga kamay ko sa kaniyang mukha. Patuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha niya.
"I-ito, ito y-yung lips ko... S-smile! Ayan, n-nakasmile na ako. Nakikita mo? Ito baby oh, nakasmile ako, d-diba ito yung gusto mo?" malaki ang mga ngiti niya sa pagkakataong iyon at sobrang saya ko habang pinagmamasdan ito.
"O-oo nakikita ko! P-pano.." hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Pero sobrang saya ko sa mga pagkakataong ito.
"H-happy birthday! D-diba sabi ko s-sayo maniwala ka lang? Ito n-na! N-nakikita mo na ako!" idinikit niya ang noo niya sa akin at patuloy pa rin ang pagbuhos ng mga luha mula sa mga mata niya.
Hinawakan ko rin ang kaniyang mukha at pinagmasdan ito.
Sobrang saya ko na makita si Emman sa unang pagkakataon. I can't explain how happy I am, pero hindi ko matanggal ang mga mata ko mula sa pagkakatitig sa kaniya.
"Thank you..." wika ko na sinundan ng pag-angkin niyang muli sa mga labi ko.