KELLY JOANNE “Kumain ka na lang, diyan. Ako na ang bahala sa anak mo,” sabi ni daddy ninong sa akin. “Ikaw na lang po ang kumain at ako na ang bahala sa anak ko. Alam ko na pagod ka na sa kaniya dahil kanina pa siya nagpapakarga sa ‘yo,” sabi ko sa kaniya. “I’m fine, kumain ka na lang d’yan at ‘wag ng makulit,” sabi niya sa akin. “Okay,” sabi ko na lang dahil baka mag-away pa kami at nakakahiya dahil nasa public place pa naman kami ngayon. “Yummy?” nakangiti na tanong ko sa anak ko. “Yes, mommy. Super yummy po, i like this one po. Sarap po,” cute na sagot niya sa akin. Napangiti naman ako sa sagot sa akin ng anak ko. Natutuwa ako dahil magana siyang kumain ngayon. At asikasong-asikaso pa talaga siya ni daddy ninong kaya para tuloy silang mag-ama na dalawa. “Hindi mo ba gusto ang p

