KELLY JOANNE Dahil sa bulaklak na ito ay panay ang asar sa akin ni Mavie. Kaya naman ako itong natatawa na lang sa kanya. Natutuwa daw kasi siya dahil mukhang magkaka-lovelife na ako pero hindi niya alam na ang tatay niya ang kasama ko kagabi at umangkin sa akin. “Mav, tama na nga. Hindi nga natin alam kung sino ang nagbigay nito eh,” sabi ko sa kanya. “Sana naman magpakilala siya para malaman natin kung gwapo ba o hindi. Kasi kung pangit ay ayaw ko, mas gusto ko ang gwapo dahil sobrang ganda mo. parang lugi ka kapag hindi gwapo,” sabi niya sa akin. “Hindi naman ako maarte sa looks. Kahit naman ano ay okay sa akin basta tanggap niya ang anak ko,” sabi ko sa kaibigan ko. “Pero piliin mo pa rin sana ang gwapo. Kasi kahit naman single mom ka ay may karapatan ka pa rin na taasan ang stand

