KELLY JOANNE
“Why are you here?” tanong ko sa kanya.
“Naiwan mo ang–”
“Mavie is here,” sabi ko sa kanya para alam niya na nandito ang anak niya.
“So what?”
“Anong so what?”
“Naiwan mo ang phone mo kaya dinala ko di–”
“Sana hindi ko na lang dinala dito. Wala naman akon–”
“Beshy! Sino ang dumating? Ang tagal mo! Okay ka lang ba?!” narinig ko ang boses ni Mavie.
“Daddy ninong, umalis ka na.”
“Ayaw ko,” sagot niya sa akin.
“Bakit?” kunot noo na tanong ko sa kanya.
“Wala ka man lang bayad sa paghatid ko sa phone mo,” sabi niya sa akin.
“Ano ba ang gusto mo?” tanong ko sa kanya dahil kinakabahan na ako na baka bigla na lang lumabas ang anak niya at magtaka ito ko kung bakit nandito ang daddy niya.
“Ano sa tingin mo?” tanong niya sa akin at nakangisi pa siya.
“Kung pera ang kailangan mo ay alam mo naman na wala ako niyan,” sabi ko sa kanya.
“Please me,” sabi pa niya.
“Ewan ko sa ‘yo. Kung gusto mo lang naman na magalit sa ‘yo ang anak mo ay bahala k—”
Hindi ko na nagawa na tapusin ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya akong hinalikan sa labi ko. Ako naman itong nagulat sa ginawa niya. Pero tinulak ko siya dahil ayaw ko naman na makita kami ni Mavie. Baka bigla niya akong sabunutan.
“See you tomorrow, Kelly,” sabi niya sa akin at mabilis siyang umalis.
“Beshy, sino ang–”
“Yung sinakyan ko na cab kanina. Naiwan ko pala ang phone ko,” nakangiti na sabi ko sa kaibigan ko.
“Tara na sa loob, kumain na tayo kasi nagugutom na talaga ako,” sabi niya sa akin.
“Tara na,” sabi ko sa kanya.
“Sorry, Mavie pero hindi ko talaga puwedeng sabihin sa ‘yo na ang daddy mo ang nandito bago lang. Ayaw ko na magalit ka sa akin. Wala naman kasi ito, ang daddy mo lang talaga ang hindi ko maintindihan. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ba niya ako hinalikan sa labi. Hindi lang isang beses kundi tatlong beses na sa isang araw na ito,” saad ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa kaibigan ko.
Natapos naman ang dinner namin ng maayos. Dahil dito matutulog si Mavie ay sa amin siya tatabi ng anak ko.
“Good night, beshy,” nakangiti na sabi sa akin ni Mavie.
“Good night, Mav.”
Pumikit na siya kaya inayos ko na rin ang kumot ko. Nakita ko na umilaw ang phone ko sa side table kaya naman kinuha ko ito at tiningnan ko kung sino ang nagtext.
Unknown number: Is Mavie’s still there?
Me: Yes po.
Unknown: Uuwi ba siya?
Me: Natutulog na po siya.
Unknown: Okay, matulog ka na rin. Good night, Kelly.
Hindi na ako nagreply kay daddy ninong. Itinabi ko na lang ang phone ko at hinayaan ko na lang siya. Bukas ko na lang papalitan ang name niya sa contacts ko. Nakalimutan ko kasing palitan last time. Parang ibang number naman kasi ang gamit niya. Pero baka ito ang personal niyang number.
Pumikit na ako para matulog na. Pero bigla naman akong napamulat dahil nga naalala ko na naman ang halik sa akin ni ninong. Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung bakit. Bakit? Bakit niya ba ako hinalikan? Lasing ba siya?
Baka kasi lasing siya kanina? Baka umiinom siya habang nagluluto siya? Sana naman bukas ay okay na siya. Mahirap naman na papasok ako sa trabaho tapos naiilang pala ako sa kanya. Panay ang galaw ko dahil hindi ako makatulog.
“Beshy, matulog ka na please.”
“Sorry,” sabi ko sa kanya at bumangon na lang ako.
Iinom na lang muna ako ng gatas para naman makatulog ako. Hindi ako dalawin ng antok dahil sa mga nangyari. Nakakapanibago naman kasi ang lahat ng ito. Hindi na muna ako pumasok doon at nanatili na lang muna ako dito sa kusina. Nakaupo lang ako dito at umiinom ng paunti-unti ng gatas ko.
“Okay ka lang ba, Kelly?”
Napalingon ako kay ate Lin.
“Okay lang po ako, ate. Hindi pa po ako inaantok,” sabi ko sa kanya.
“Bakit? Ano oras na, dapat ay matulog ka na dahil maaga ka pa bukas,” sabi niya sa akin.
“Ubusin ko lang po ito,” sagot ko sa kanya.
“Alam ko na hindi madali para sa ‘yo ang ganito. Lalo pa ang sabi ni Mavie ay lumaki ka rin sa mayamang pamilya. Pero alam mo natutuwa ako sa ‘yo dahil kahit pa nahihirapan ka ay hindi ka sumusuko,” sabi niya sa akin at nakangiti pa siya.
“Wala po akong choice, hindi po ako puwedeng sumuko dahil may anak po ako,” sagot ko sa kanya.
“Kaya mas hanga ako sa ‘yo.”
“Salamat po, ate Lin.”
“Mabait ang anak mo kaya hindi ako nahihirapan sa kanya. Kaya ikaw, magtrabaho ka lang at ako na ang bahala dito sa bahay. At kung sakali man na may magyaya sa ‘yo na lumabas ay sumama ka. Alam ko na mahal na mahal mo ang anak mo pero bigyan mo rin minsan ng time ang sarili mo na magsaya. Nandito lang ako lagi,” sabi sa akin ni ate Lin kaya parang naiiyak ako dahil ang bait niya talaga.
Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. At kapag uuwi ako ay malinis ang bahay. Malinis ang anak ko at masaya ito. Kaya alam ko na maayos talagang mag-alaga si ate.
“May anak ka na po ba ate?”
“May anak na ako at may anak na rin siya. Nasa probinsya sila,” sagot niya sa akin.
“May apo ka na rin po pala.”
“Oo may apo na ako. Noong maliit pa ang apo ko ay ako rin ang nag-aalaga. Ngayon ay pitong taon na at nag-aaral na,” nakangiti na sabi niya na halatang miss na niya ito.
“Hayaan niyo po, ate. Kapag po tumagal na ako sa trabaho ko at kapag po may leave ako ay umuwi ka po sa inyo para makita mo sila,” sabi ko sa kanya.
“Kababalik ko lang rin. Umuwi ako last month sa amin. Hindi naman mahigpit si Sir sa amin. Kahit pa laging seryoso ang lalaking ‘yon ay mabait naman siya. On time ang sahod at may benefits kaming lahat,” sabi niya sa akin at si daddy ninong ang bigla niyang sinabi kaya naalala ko na naman ang lalaking ‘yon.
“Nagdadala rin po ba ng babae si daddy ninong sa bahay nila?” tanong ko sa kanya.
“Naku, hindi. Ayaw ni Mavie,” sagot niya sa akin.
“Mukha nga pong ayaw niya.”
“Oo, kaya siguro sa labas na lang nakikipagkita si Sir. Alam mo naman, ganun yata talaga kapag babae ang anak. Ayaw nila na may ibang babae ang daddy nila,” nakangiti na sabi ni ate.
“Siguro nga po, lalo na daddy’s girl po si Mavie.”
“Saka mukha namang hindi in love si Sir. Sayang nga dahil bata pa naman siya at gwapo,” sabi ni ate kaya ngumiti ako dahil tama naman ang sinabi niya.
“Kaya nga po.”
“Ikaw rin, bata ka pa. Alam ko na may darating pang lalaki na magmamahal sa ‘yo.”
“Tatanggapin ko po siya kapag po tinanggap niya rin po ang anak ko,” sabi ko sa kanya.
“Tama ‘yan. Dapat talaga ay tanggap niya ang anak mo. may iba kasing lalaki na ang nanay lang ang gusto nila kaya ang ending minsan ang anak ng babae ay pinapalaki na lang ng magulang niya. Dahil bawal itong kasama dahil ayaw ng lalaki. Mas okay pa rin talaga na tanggap at ituturing rin ng lalaki na sarili niya kahit pa hindi sa kanya,” sabi sa akin ni ate.
“Tama ka po, ate.”
“Matulog ka na, Kelly. Napahaba pa ang kwentuhan natin. Ako na lang ang magluluto ng breakfast bukas kaya ‘wag ka ng magising ng masyadong maaga.”
“Naku nakakahiya naman p–”
“Ako na ang bahala,” sabi niya sa akin.
“Thank you po, ate.”
“Sige na, matulog ka na.”
“Good night po, ate.” nakangiti na sabi ko sa kanya at bumalik na ako sa room ko.
Mahimbing pa rin na natutulog si Mavie.
“I’m sorry, Mavie. I’m sorry kung nagsisinungaling ako sa ‘yo,” saad ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa kanya.