KELLY JOANNE Sa araw na ito ay wala na yata akong ginagawang tama lahat na lang ng gawin ko ay galit siya sa akin. Lahat na lang ng utos niya sa akin ay pasigaw. Kaunting pagkakamali ko ay galit na agad siya. Sa tingin ko ay galit nga talaga siya sa akin. At hindi ko naman siya masisisi. At gano’n rin naman siya sa akin. Hindi namin puwedeng ipilit ang alam namin na hindi naman dapat. “Hindi ka uuwi hangga’t hindi mo natatapos ‘yan,” sabi niya sa akin. “I’m sorry po pero hindi ko magagawa ang nais mo. Alam ko na trabaho ko ang sundin ang lahat ng utos mo sa akin pero hindi ko talaga kayang sundin ang nais mo na mag-overtime ako. Kung okay lang sa ‘yo ay iuuwi ko na lang po ito. May sakit si Kingston at kailangan niya ako,” sabi ko sa kanya. “Ano ba an–” “Alam ko naman na wala kang pak

