KELLY JOANNE “Aalis ka na rin ba sa trabaho?” tanong niya sa akin. “Hindi, hindi ako aalis. Uuwi lang kami doon pero kailangan ko magtrabaho. Hindi naman ako puwedeng umasa sa daddy ko. May anak na ako kaya dapat lang na ako ang magprovide para sa anak ko,” sagot ko sa kanya. “Dapat ko na pala ihanda ang sarili ko sa galit sa akin ng ama mo,” natatawa na sabi niya sa akin. “Ako na ang magpapaliwanag sa kanya. Kaya hangga’t hindi niya alam ay ‘wag mong sasabihin sa kanya,” sabi ko sa kanya. “Okay, ikaw ang bahala,” sabi niya sa akin at inasikaso niya ang anak ko. “May binili akong meryenda. Hindi ko alam kung magugustuhan mo pero kumain ka na lang kapag gusto m–sabi ko nga gusto mo,” sabi ko dahil kumain na siya ulit. “Mommy, uuwi na po tayo kay lolo?” “Yes po, pero hindi pa ngayon.

